13. Bye Friends, Hello Prince

1.4K 33 0
                                    

Phenny's POV

  Iyakang walang humpay habang nag aayos ako ng mga gamit na dadalhin ko sa bahay ni Sir Cronus. Nagulat ang lahat ng sabihin ni Sister Luz na mamamasukan na akong kasambahay kaninang umaga at ngayon na nga ako susunduin para magtrabaho sa mga Montague. Kahit ako ay nabibilisan din sa mga pangyayari. Kahapon lang parang pinag aagawan akong katulong nung matabang mama at ni Sir Cronus pinapili pa nga ako. Akala naman nung matabang mama na pipiliin ko sya, mukha nya, mukha nyang mukhang manyak. Buti na lang nandoon si Sir Cronus. Sobrang pogi at sobrang bait pa at kahit di ako papiliin sa kanya pa rin ako sasama kasi nag offer din naman sya eh. Biruin mo pag gising mo tuwing umaga ganun ka pogi ang makakaharap mo siguradong buo ang araw mo, araw araw.

  "Ate Phenny dadalawin mo kami palagi ha". Umiiyak na bilin ni Jane at yumakap pa sa akin.

  "Wag kang mag mura ng mag mura dun baka lagi kang pagalitan o kaya maparusahan". Bilin naman ni Isko.

  "Tigilan mo na rin ang kaka tong its baka bawal ang sugal dun mapalayas ka kaagad". Sabi naman ni Leni. Akala mo mga matanda pa sa akin kung magsipagbilin.

  "Grabe kayo sa akin ha, grabe din ang mga imagination pero sige po magbi behave po ako dun". Napapasinghot na ako pero pinipigilan ko pa ring umiyak. Puro luha at uhog na nga yung nakikita ko sa mga mukha nila dadagdag pa ako.

  Walang humpay na iyakan at paalaman pati ako napaiyak na rin habang naglalakad palabas ng orphanage. Hinatid ako nila Sister Luz, Sister Lourdes at Sister Myra hanggang labas pero walang tigil ang bilin kaya siguro mas lalo akong napa iyak. Aalis na nga ako may sermon pa rin.

  Isang magarang sasakyan ang nakaharang sa may gate ng orphanage sa likod naman nito ay may tatlong magkaka mukhang sasakyan na kulay itim ang naka parada rin. Bumukas yung magarang sasakyan at lumabas si Sir Cronus. Dirediretso syang pumunta sa akin.

  "What's wrong Phenny?... Why are you crying?". Nag aalala nitong tanong sa akin.

  Parang lalo kong gustong umiyak. Simula pa kahapon puro english na ang salita nya halos dumugo na ang ilong ko tapos english pa rin ngayon nosebleed na ang uhog ko.

  "Nalulungkot lang ang batang yan Sir Cronus at mapapahiwalay na sya sa mga naging kapatid nya dito sa orphanage". Paliwanaga ni Sister Luz sa kanya.

  "Oh I see.... Don't worry Phenny we will visit them someday".

  Napahagulgol na talaga ako ng husto hindi dahil sa sobrang lungkot kundi nakaka nosebleed na kasi sya.

  "Don't cry baby". Niyakap nya ako habang binubulungan. At syempre yumakap din ako habang naiyak, ang bango nya kase.

  "We're going Sisters".

   Pamamaalam ni Sir Cronus kina Sisters. Iginiya nya ako sa kabilang side ng kotse nya at ng sure na syang okay na ako sumakay naman sya sa may driver's seat. Todo kaway ko kina Sisters at sa mga na kasama ko sa orphanage. Papunta na ako sa bago kong magiging bahay at bago kong magiging buhay. Sana lang hindi maging tele drama ang buhay ko o kaya k-drama yung inaapi api dahil baka masapok ko yung mga gagawa nun sa akin.

  Hindi ko na namalayan yung byahe namin dahil naka tulog ako sa pagod. Nagising na lang ako na may tinatahak na kaming daan at sa bawat gilid ay may malalaki at nag gagandahang bahay. Dirediretso ang takbo ng kotse namin hanggang pumasok kami sa isang mataas na gate. May apat ata na guard na nakatayo doon na biglang yumukod sa kotse namin tapos may mga lalaking naglalakad lakad at yumukod rin bago namin lampasan. Parang paakyat sa mababang burol ang tinatahak ng sasakyan ni Sir Cronus hanggang sa mabungaran ko ang isang malaking bahay. Kulay white and pale blue. Sobrang ganda ng design. Parang Castle na white house.

  "Sir Cronus ito po ba ang bahay nyo?". Mangha kong tanong sa kanya.

  "Yes, this is my house". Simple lang nyang sagot sa akin.

   "Wow!.... Sobrang ganda!". Halos lumuwa na ata yung mata ko sa kakatingin sa bahay ni Sir Cronus.

  "I'm glad you like it!". Ngiting ngiti nyang sabi sa akin.

  "Let's go!".

  Inilahad ni Sir Cronus ang kamay nya sa akin habang nakangiti. Sobrang gwapo talaga nya. Parang si Prince Charming sa mga fairy tales. Kahit ngayon lang iisipin kong si Cinderella muna ako. Tinanggap ko ang kamay ni Sir Cronus pretending I am a princess and he is my Prince.

Cronus and Phenny: The Mafia Lord and His Orphan Wife  (Completed) Where stories live. Discover now