76. Palit Buhay

1.2K 34 0
                                    

Phenny's POV

Nagulat na lang ako ng may isang lalaki ang lumapit sa akin at tinutukan ako ng baril sa tagiliran ko. Napatingin ako sa direksyon ni Cronus na nagbabayad sa may counter.

"Wag kang sumigaw kung ayaw mong paputukin ko ito sa tagiliran mo!". Ang sabi ng pangit ng lalaki habang sinisipat ang paligid namin.

Naisip ko na ring manahimik dahil nag aalala ako sa baby namin ni Cronus at isa pa may pakiramdam akong ang taong to ang magiging daan para malaman ko kung nasaan si Silver. Si Silver, my twin sister. Naalala ko na ang lahat kung sino ako, kung ano ako at kung bakit nandito ako sa ganitong sitwasyon.

Hinila ako ng lalaki palabas ng convenience store at bago pa tuluyang lumabas isang huling sulyap ang ipinukol ko kay Cronus, sa asawa ko, sa pinakamamahal kong asawa. Isang luha ang tumulo sa aking mga mata. Baka ito na ang huling araw na makikita ko sya hindi ko man lang nahingi ang kapatawaran nya. Hindi ko man lang naihingi ng tawad ang minsang pagtatangka naming mag kapatid sa buhay nya para lang kami makalaya.

Isang puting van ang sasakyan na gamit ng lalaki at paglapit namin ay may mga kasamahan pa syang nagsibaba at sinalubong kami.

"Nasunod kayo sa uso ha!.... Puting van talaga?". Bigla kong naibulalas. "Sumobrang sikat ng puting van, nangunguha ng babaeng naka bathrobe!". Dugtong ko pa.

"Manahimik ka!". Sigaw bigla ng isang lalaking maitim sa mukha ko.

"Dyosko ko koya, okay lang na patahimikin mo ko pero wag mo naman akong patayin sa baho ng hininga mo!". Sigaw ko din pabalik sa kanya.

Maya maya pa ay may humaklit na sa braso ko at hinila na ako papasok ng van.

"Pasok!". Sigaw nito.

"Oo, papasok na... Juice colored napaka excited!". Kahit kinakabahan kailangan kong tatagan ang sarili ko. Alam kong makaka isip din ako ng paraan para makatakas sa mga gagong to. Hindi nila pwedeng malaman na buntis ako dahil baka kung anong gawin nila sa akin.

Pag akyat ko ay agad na piniringan nila ang mga mata ko at itinali ang mga kamay ko pero mabuti na lang sa harapan at hindi sa likuran ko ang gapos na ginawa nila may tsansa pa ako.

Ramdam ko ang bawat galaw at pag liko ng sasakyan at alam kong palabas ng lungsod ang tinatahak namin. Kabisado ko halos lahat ng eskinita at kalye ng maynila dahil ang mga ruta nito ay kasama sa training namin ni Silver.

"Magkano kaya ang ibibigay na reward ni boss?". Biglang tanong ng isa sa mga kidnappers ko.

"Malamang malaki tagal na nyang pinapahanap ang babaeng yan eh!". Sagot naman ng isa.

"Swerte natin dito lang pala natin makikita to!".

Bigla naramdaman kong may humaplos sa ulo ko kaya bigla kong tinapik ang kamay nito pero hindi ako nagsalita.

"Napaka arte mo eh siguradong pag pinagsawaan ka ni boss mapupunta ka rin sa amin". Sabay sabay nagtawanan ang mga lalaki sa tabi ko. Pero hindi pa rin ako nagsalita.

"Goy, akala ko ba matapang to, bakit parang kuting sa isang sulok!". Sabay tawa ng lalaking nagtanong.

Goy?... Buhay pa pala sya...
Ang taong trumaydor sa aming magkapatid..

"Gago, pinaplano na nyan kung paano ka papatayin mamaya". Malumanay nitong sabi.

"Sa liit neto... Hah!... Baka tirisin ko lang to mag iiyak na to!". Sabay malakas na tawa ang pinakawalan ng madaldal na lalaki.

Hindi ko na narinig na sumagot pa si Goy...

Si Goy... Ang tauhan ni Uncle Marlon na nagsabi sa amin na gusto na nyang magbagong buhay. Ang taong kumumbinsi kay Silver para talikuran namin ang buhay na kinalakhan namin at ang taong tatraydor din pala sa amin.

"Kamusta si Sophie.... Goy?".

Biglaang preno ang naramdaman ko at kasunod nun ay sangkaterbang mura na ang narinig ko sa mga nasa tabi ko.

"Sayo na ang buhay mo Phoenix, walang kinalaman ang mag ina ko". Malumanay nitong sabi at naramdaman ko ulit ang pag andar ng sasakyan.

"Hoy!.... Ano bang pinag uusapan nyong dalawa?". Galit na tanong ng isang lalaki.

"Manahimik na kayo malapit na tayo!". Sigaw ni Goy na nagpatahimik sa loob ng van.

Hindi na ako nagsalita pa. Alam ko na ang dahilan nya. Pinili nyang mabuhay ang mag ina nya kapalit ng buhay naming magkapatid. Tulad sana ng gagawin namin kay Cronus. Ipapalit namin sana ang buhay nya para sa kalayaan naming magkapatid.

Cronus and Phenny: The Mafia Lord and His Orphan Wife  (Completed) Where stories live. Discover now