20. Left Alone

1.3K 25 3
                                    

Phenny's POV

   After dinner nagpaalam sa akin si Cronus at Manang Tacing. Mawawala daw sila ng at least one week. Nalungkot ako na parang gusto kong umiyak. Kanina lang ang saya saya ko kahit mag isa lang ako sa kwarto ko. Iniisip ko lang si Cronus parang ayos na yung earth ko tapos bigla syang magpapa alam. Ibinilin ako ni Cronus kay Breena sya na daw ang bahala sa akin. Sa totoo lang hindi ko talaga sya bet. Unang tingin ko palang sa kanya alam kong may itinatagong kamalditahan ang babaeng yun. Baka ma k-drama ang buhay ko dito habang wala sila Cronus pero, wala naman akong magagawa sya ata ang kanang kamay ni Manang Tacing eh. Bahala na nga bukas. Pumikit na ako at natulog.

   Bigla naman akong nagising dahil sa masamang panaginip. Nababalot daw ako ng maraming tubig at halos hindi ako makahinga. Naririnig kong may tumatawag sa akin pero parang hindi ko naman pangalan yung binabanggit. Hay naku, lagi na lang ganito ang panaginip ko di na nagbago.

   Tiningnan ko muna yung relo sa table ko, halos three hours palang ata ako nakaka tulog inatake na naman ako ng Kumare kong si nightmare. Dati takot na takot ako sa kanya ngayon friends na kame. Ikaw na halos araw araw dalawin ni mareng bangungot na dinaig pa ang makulit na manliligaw. Buti sana kung meron nga akong manliligaw eh wala naman nightmare lang meron eh di makipag friends ka na nga lang baka maging ka forever ko pa. Iinom sana ako ng tubig kaya lang nakalimutan ko naman palang mag akyat dito sa kwarto ko, wala tuloy akong mainom. Makababa na nga lang.

   Malapit na ako ng kusina ng may makita akong mga anino. OMG... Sana hindi multo, takot pa naman ako sa multo. Naglakas loob akong puntahan at silipin kung multo nga o magnanakaw. Kung magnanakaw, ang lupit ha naka lusot sya sa dami ng bantay sa labas pero pag multo tatakbo talaga ako.

   Dahan dahan, sisilipin ko lang. Pero laking gulat ko ng makita kong anino pala ng dalawang taong magkaharap iyon. Sinisino ko kung sino at napatakip ang kamay ko isa sa dibdib at isa sa bibig ko. Binilang ko talaga baka mamaya may isa pang sumobra at tumakip sa mata ko. Buti wala naman.

   OMG again tili na lang sa isip.... Cronus my love bakit mo tinititigan si Breenang malapit ng maghubad. Yung pang tulog ni Breena parang mga damit na dinidonate sa orphanage halos pang hubo na ang peg, parang mga strap strap na lang at kinulang na ang mananahi ng tela. At ito namang si Cronus my love ko... Wait erase, erase crush na lang kita ngayon bumagsak na ang level mo sa puso ko. Pinagtaksilan mo na agad ako kahit hindi pa tayo.

   Maya maya ay lumakad na yung dalawa papunta na ata sa dilim. Juice colored saan kayo pupunta... mga taksil... Ay nakakaloka kami ni Sir Cronus pa HHWW lang sila ni Breena nagpupunta na sa dilim. Sana mag pitik bulag lang kayo wag kayong mag one plus one..... Hmp!..Ayaw ko ngang uminom.

   Halos hindi na ako nakatulog pagbalik ko sa kwarto ko dahil sa nakita ko. Ang sakit naman sa heart kahit di pa kami... As if naman magiging kayo.. Shut up mind. Ano na heart gigive up ka na lang ba?. Ito na ata yung sinasabi ni Isko baka ganitong ganito yung umpisa bago na aning yung nanay nya kinakausap na yung body parts nya... Waahhhh...

   Nakatulog na lang ako pagkatapos umiyak.

   Malalakas na katok ang gumising sa akin. Feeling ko may balak syang wasakin yung pinto ng kwarto ko.

   "Hoy babae.... Anong oras mong balak gumising ha?!.... Aba nagkakanda kuba na kame sa pagtatrabaho ikaw nakahilata pa". Sigaw agad ni Breena sa akin pagka bukas na pagka bukas ko ng pinto. Kung sa orphanage to baka nasapok ko na to. Maliban kina Sister walang ibang nandarag sa akin dun baka ako pwede pang mandarag.

   "Pasensya na po wala po kasing ibinilin sina Cronus kung anong oras magsisimula yung trabaho ko". Malumanay pa rin akong sumagot para iwas gulo na rin.

   "Ang kapal naman ng mukha mong tawagin si Sir Cronus sa pangalan lang nya. Mahiya ka nga hampas lupa ka lang din naman, inabandona pa. Kung makatawag ng pangalan feeling magka level. Hindi kayo magka level ni Sir Cronus kaya wag kang umastang senyorita dito!". Galit na galit nitong sabi na nagko close open na ang butas ng ilong.

   Ang daming sinasabi nanglalait pa ng pag katao. Sapakin ko na kaya toh..... Bulong ko sa sarili ko. Pero baka ako naman ang mawalan ng trabaho. Isa pa kahit nagtaksil si Cronus my loves, crush ko pa rin sya kaya konting tiis muna. Napa buntung hininga na lang ako at nanahimik. Pinaalalahanan ko na lang ang sarili kong wag makipag away sa babaeng amoy kilikili ang hininga tyak hindi ako mananalo.

   "O ano tatanga ka na lang ba dyan aba kumilos ka sayang ang ibinabayad sayo!".

   "Ano po ba ang ipapa gawa mo sa akin Breena?".

   "Anong Breena?... Tawagin mo akong ma'am Breena boba!". Sunod sunod na sigaw nito sa akin.

   "Ano po ba ang ipapa gawa nyo Ma'am Breena?". At pinagkadiinan ko na talaga ang word na ma'am sa kanya baka sakaling matuwa na at lubayan ako ng mabuhay naman ako. Toothbrush toothbrush din pag may time.

   "Mag laba ka dun sa baba". Sabay turo palabas ng kwarto ko.

   Lumabas na ako ng kwarto pero ipinagtulakan pa rin nya ako. Grabeng babae ang daming energy. Bumaba na ako ng hagdan at dumiretso sa kusina. Sa pagkaka alam ko dito lang yung laundry area paglabas ng pinto ng kitchen. Parang naliligaw na ata ako ah. Sabi ko nung hindi ko makita.
 
   Gusto ko sanang bumalik at magtanong kasi hindi naman sya sumunod sa akin pero baka lalo akong bungangaan kaya hinanap ko na lang. Pag dating sa kusina ay lumabas ako sa nag iisang pintuan duon luminga linga ako at nakitang may maliit na pasilyo sa gilid at jaraann...... Ga bundok na labada...

   Hindi lang pang tele novela, k-drama at c-drama yung dami ng labahan may T-drama at mini action series pa...
Kailangan ko yata ang powers ni Kardo Dalisay dito, parang tegibells ako bago ko to matapos. Good for one year ba sila mag ipon ng labahin?

Cronus and Phenny: The Mafia Lord and His Orphan Wife  (Completed) Where stories live. Discover now