23. Damay Damay

1.2K 25 0
                                    

Phenny's POV

   Grabe din namang magalit ang labanos na may feet face. Lahat damay na. Dahil kay Mang Julio pati si Mika napaparusahan din. Kawawa tuloy si Mika. Napakadaming pinapalinis sa kanya hanggang bubong ata ng mansion pinalinis na ng witch tapos mag isa lang sya. Ang masakit pareho pa kaming walang agahan.

   Si Mang Julio naman sinasadyang hindi dalhan ng pagkain, eh matanda na yun dapat hindi nagugutuman kami ngang bata pa nahapdi ang sikmura pag nagugutom paano pa kaya si Mang Julio. Sana nakakalabas sya para makabili sya ng pagkain kahit para sa sarili lang nya.

   Ako naman parang domoble ang dami ng lalabhan. Kahapon ga burol lang ang taas ngayon ga bundok na. Habang inaaayos ko lalo akong nagtataka. Ang daming bra, panty at brief, naglalakihan yung T-shirt na parang mga higante ang gumamit. Pati yung mga pantalon ang hahaba at ang bibigat pa. Isama pa ang mga kobre kama, punda at kurtina. Diyos ko po!... Isang buong baranggay ba ang ipinaglalaba ko?.

   Napatingin ako sa mga kamay ko na hindi pa gumagaling. Ang hapdi parang gusto ko ng umiyak. Baka pagkatapos kong maglaba maging half size na lang ang mga daliri ko dahil kinain na ng sabon. Mag uumpisa na sana akong magkusot ng biglang sumulpot si Mika at hinagisan ako ng gloves.

   "Pasensya ka na Miss Phenny yan lang ang nahanap ko, itago mo pagkatapos para pwede mo ulit gamitin bukas". Halos pabulong nyang sabi kahit malapit pa sya sa akin at alam ko naman ang dahilan kung bakit hindi nya pwedeng ipagsigawan baka marinig ni Breena siguradong malilintikan na naman kame.

   "Salamat Mika, hulog ka ng langit sa akin. Akala ko mapupudpod na ang mga daliri ko kakalaba". Ngiting ngiti ako sa kanya habang sinusuot ko yung gloves na oversized pa ata.

   "Eto kainin mo mamaya, inumit ko yan dun sa mga tsokolateng itinatago ni Breena, pero hindi ibig sabihin ninakaw ko yan ha, dapat talaga meron tayong share dun kaya lang sinuwapang na nya. Pwede na yang pang tawid gutom baka kasi hindi na naman nya tayo pakainin o kaya yung sunog na kanin lang ang ibigay nya sa atin wala pa ngang ulam!". Naiinis nitong sabi na ikinatawa ko naman.

   Hindi ko man gustong kumain ng galing sa nakaw o umit kaya lang halos hindi na kami pakainin ni Breena simula kahapon. Kung magbigay man sya ng pagkain halos hindi na rin namin makain. Pero sabi nga ni Mika dapat may share kami dun so ibig sabihin hindi nakaw yung chocolate kinuha lang nya yung parte namin.

   "Salamat ulit, kaya lang Mika baka mahuli ka ng aswang na yun tapos awayin ka na naman dapat mag ingat ka". Nag aalala kong sabi sa kanya.

   "Okay lang ako Miss Phenny kahit awayin nya ako ikukuha pa din kita ng makakain mo. Ibinilin ka sa amin ni Sir Cronus dapat alagaan ka daw namin".  Maya maya pa ay nagpa linga linga na si Mika tapos ay ngumiti sya at nagpaalam na.

   Napaisip ako. Ibinilin daw ako ni Sir Cronus. Magkaiba ata ang bilin na sinabi nya kay frog girl at kina Mika.

   Yup, dumadami na talaga ang bansag ko sa babaeng hitad na yun dahil sa sobrang inis ko sa kanya. Ewan ko kung ano na namang pangalan ang itatawag ko sa kanya bukas.

   Sa halos apat na araw na magkakasunod ang laba ko, apat na baranggay din ata ang naipaglaba ko sa sobrang dami. Hindi ko na talaga alam kung saan saang lupalop kinukuha ni Breena yung mga ipinalalaba nya sa akin araw araw. Si Mika naman ay halos mabura na nya yung kulay ng bahay sa sobrang paglilinis wala atang sulok na pinalampas si Breena. Kailangan lagi nya kaming nakikitang may ginagawa.

   Pakiramdam ko hindi lang umiksi ang daliri ko parang pumayat din ako. Lalo ng nagluwagan yung mga luma kong damit sa akin. Nitong nakaraang araw puro yung mga lumang damit ko ang ipinapagamit ni Breena sa akin ayaw nyang gamitin ko yung mga binigay ni Cronus. Di daw bagay sa akin yung mga ganung damit di daw ako mayaman isa daw akong hampas lupang dugyot. Makalait feeling perfect di naman nagkakalayo ang puti namin maliban sa mukha. Alam ko kase na maganda ako eh sya, never mind. Yabang dun talaga ako mayaman.

   Speaking of damit kaninang umaga ko lang napansin na kumonti ang mga damit ko sa kabinet pati yung mga box na maliliit halos naubos din, hindi ko pa naman alam kung ano ang mga laman nun. Naku baka pinakialaman ni Breena. Kahit ayaw kong magbintang hindi ko maiwasan, suot nya kasi ngayon yung damit na gustong gusto ko. Isusuot ko sana yun pag dumalaw kami sa orphanage, kaya lang suot na nya.

   Pagod na pagod na talaga ako sa walang humpay na laba. Sumasama na ang pakiramdam ko. Sa tagal ko sa orphanage hindi ko pa naranasan ang ganitong pakiramdam siguro nga dahil halos wala ding kain. Mabuti maaga akong natapos ngayon. Tutulog muna ako hanggang tanghalian. Sana bukas nandito na si Cronus para makatikim naman ako ng vitamins HHWW ng lumakas ulit ako. Napangiti ako sa naiisip ko. Miss ko na talaga sya.

Cronus and Phenny: The Mafia Lord and His Orphan Wife  (Completed) Where stories live. Discover now