32. Masokista

1.3K 29 1
                                    

Cronus POV

  I saw my princess na naka pangunyapit sa puno habang ang isang kamay ay may hawak na bungkos ng mangga. Nakatuntong sya sa sangang halos di umabot sa laki ng braso ko. Kumaway sya at muntik pang madulas yung isang paa nya. It literally took my breath away. Para akong hihimatayin.

  "Phenny!". Napasigaw ako sa sobrang takot at akmang sasaluhin ko sya kung sakaling babagsak.

  I could swear at that moment, I really am going to die. Literally.

  "Princess don't move!.... PLEASE!". Sigaw ko dahil hindi ko na alam talaga kung ano ang gagawin ko.

   Narinig ko ang tawa ni Troy na may kasamang yugyog ng bakikat at hawak sa tyan. Halos maiyak iyak na nga ito kakatawa. Lalo akong nanggalaiti.

  "Tang ina tumigil ka ng kakatawa at tumawag ka ng tulong". I punch his bicep dahil naiinis na talaga ako.

  "Cronus... Bakit?". Sigaw ni Phenny mula sa taas ng puno.

  Hindi ko alam kung para saan ang tanong na yun kaya hindi ko sya masagot. Ang nasa utak ko ngayon ay paano sya ibaba o baka mamaya bigla syang mahulog tapos mabalian ng buto or worst mamatay. Lalo akong namutla sa mga pinag isip ko.

   Calm down Cronus, everything is going to be fine. I mumbled to myself. I am trying to calm myself dahil kung ano ano ng senaryo ang pumapasok sa utak ko habang si Phenny ay kampanteng nakatayo sa manipis na sanga at inosenteng naka tingin sa akin.

  Hindi ko inaalis ang mga mata ko kay Phenny sa takot na baka sa saglit na paglingon ko ay kung anong mangyari sa kanya baka biglang mabali yung sanga at bigla syang mahulog. Hindi ko na pala napansin na umalis na si Troy at tumawag na ng mga tauhan ko. Halos sampung tao yata ang dumating pero wala naman akong nakitang dala.

  "What the fuck!... Why didn't you bring any net or thick mattress or blankets with you. Balak nyo bang saluhin ang Ma'am Phenny nyo na gamit lang ang mga kamay nyo.... Idiots!". Galit na galit kong asik sa kanila na sobra namang ikinatawa ni Troy. Sira ulo talaga tong hayup kong pinsan na to, mamamatay na ako sa takot tuwang tuwa pa sya.

  Umalis ang ilan kong tauhan at mabilis ding nagsibalik na may dalang mga tela and I don't care kung saan man galing yun as long as it can catch my princess.

  Tiningnan ko ulit si Phenny at nakita kong naka upo na sya sa manipis na sanga. Hindi ko na napansin na nag iba na sya ng posisyon. I told her to stay still!.. Mahina kong sabi.

  "Princess I told you not to move!".

  "Eh pagod na akong tumayo Cronus". She softly whined.

  Kahit gusto kong kiligin sa lambing ng pagkakatawag nya sa pangalan ko naiinis naman ako sa sitwasyon nya ngayon. She is in the middle of danger but why is she so calm. Di ko pa talaga sya lubos na kilala. Tulad ngayon nalaman ko na ang prinsesa ko pala ay may lahing unggoy rin mahilig umakyat ng puno.

  "Sir Cronus ano pong ginagawa nyo?". Boses ni Mika ang nagpalingon sa akin kasama nya ang tyuhin nyang si Mang Julio na may dalang hagdan.

  Itinuro ko ang taas ng  punong mangga at nagulat si Mika.

  "Miss Phenny!.... Diyos ko po!... Bakit nandyan ka di ba sabi ko sayo wag kang aakyat dyan!". Halos mawalan ng kulay ang mukha ng kawawang katulong at napa antanda pa nga.

  "Ang tagal mo kasi Mika eh, gusto ko ng kumain ng mangga". Nanisi na nangatwiran pa ang prinsesa ko.

  "Di ba sabi ko sayo kukuha lang ako ng hagdan".

  "Eh ang tagal mong kumuha ng hagdan pwede namang akyatin".

  Hindi ko na alam kung matutuwa o magagalit ako sa dalawang ito.

  "Cronus pwede na ba akong bumaba?... Ang sakit na ng pwet ko tsaka ng kamay ko".

  Good Lord. Kailangan mo pa talagang banggitin yun. Napansin ko ang mga nasa paligid ko na nagpipigil ng tawa maliban kay Troy na hindi na talaga tumigil. Kabagin ka sana.

  "Princess do you want to jump dito sa mga blankets sasaluhin ka ng mga tauhan ko". Nakita ko ang pagkislap ng mga mata nya sa sinabi ko.

  "Talaga pwedeng tumalon!". Tuwang tuwa nyang tanong sa akin.

  Oh my God.... Did I say something wrong?... Parang natakot ako dahil natuwa sya ng sabihin kong pwede syang tumalon. Si Phenny ata ang taong nakilala kong natutuwa pag nakalapit sa disgraya. Masokista ata ang magiging asawa ko.

  "No I change my mind let's use the ladder". At nanghaba na nga ang nguso nya sa disappointment. I knew it.

 

Cronus and Phenny: The Mafia Lord and His Orphan Wife  (Completed) Where stories live. Discover now