59. Little Phenny

1.2K 30 0
                                    

Cronus POV

  Club Millionaire.

  We arrived at the Club almost nine pm and it was really crowded but we don't worry because we already have a table waiting for us.

  "Brent pare, musta!". Karlo greeted one of our friends who was sitting in the VIP table near the lounge area. He is also the owner this club.

  "Tagal nyong dumating nalunod na si Jeremiah sa alak". Reklamo nito habang isa isa kaming kinakamayan.

  "Well there's a lot of drama inside Cronus house!". Biglang sabi ni Troy na ikinagulat naman nila Brent.

  "Hoy anong drama meron!". Sigaw ni Creed pagkalagok ng whiskey nya.

  "Chismoso ka pa rin Creed di ka na nagbago!". Palatak ng kapatid kong si Coleen.

   "Well I'm sorry fashion princess, nagsawa na ako sa ka dramahan ni Jeremiah kaya sa inyo naman ako magma marites. So what's the latest mga marites?!".

  Nagtawanan na lahat kami kahit ang asawa ko ay napangiti na rin.

  "And who's the beauty beside you Cronus?". Brent asked while looking at Phenny's face. Kahit medyo madilim ay nakita ko ang pamumula ni Phenny.

  "My wife and the love of my life, Phenny". Mayabang kong sagot. Phenny pinch my side, nahiya siguro sya sa mga pinagsasasabi ko.

  Malakas na WOAH ang narinig ko sa tatlo. Kahit si Jeremiah na nananahimik nagulantang din sa revelation ko.

  "Miss baka napipilitan ka lang sabibin mo sa akin tutulungan kita. Marami akong kakilalang pwedeng magtago sayo". Biglang singit na sabi ni Creed. Tarantado talaga tong taong to hindi ko alam kung kaibigan ko talaga o kaaway.

  "Hindi po ako napipilitan pangarap ko po talagang pakasalan si Cronus at magka anak ng madami". Nasobrahan sa honesty na sabi ni Phenny. Talking about the proudest husband tonight.

  "Tang ina Cronus anong gayuma ang pinakain mo dito. Sumobra naman ata swerte mo sa babae!". Bulalas ni Creed na hindi pa rin makapaniwala.

  "Ah Phenny, baka naman may kapatid ka pa para dito sa kaibigan namin". Si Brent na naka turo sa tahimik na ulit na si Jeremiah.

  "Wala ng pag asa yan, hindi na naka move on sa jowa nya". Sabi ni Troy na nag uumpisa ng lumaklak.

  "Eh wala na po, nag iisa lang po ako". Nakangiting sagot ng asawa ko.

  "Cronus sobrang galang naman ata ng asawa mo, ilang taon na ba yan?". Nagtatakang tanong ni Brent.

  "She just turned eighteen". I simply replied.

  "Tang-na Cronus, child abuse pa yan!". Nanlalaking mata na sabi ni Creed. Di na talaga nawala ang mura sa bibig ng hayup na to. Ang sakit sa tenga.

  "Cradle snatching!". Komento ni Karlo.

  "Sugar Daddy!". Sabay irit ni Coleen.

  "Watch your mouth woman I'm still your older brother". Matalim kong tinitigan si Coleen pero inirapan lang ako.

  "Still a sugar daddy". Sabay tawa ng malakas.

  May mga waitress na nagdala ng ibat ibang ladies drink sa table namin at Tuwang tuwa namang pinagmasdan ng asawa ko. Maya maya ay may lumapit na mga babae sa table namin ng hindi ko namamalayan.

  "Cronus!... Oh my God you're here!". Sabay yakap at halik sa pisngi ko ng isang babae na nakasuot ng hapit na hapit na damit at halos lumuwa na ang dibdib. Natabig pa nya si Phenny kaya't napa usog ito palayo ng kaunti sa akin.

  Biglang natahinmik ang area namin. Halos lahat napatingin kay Phenny.

  "Hello baby... I thought hindi ka na namin makikita ulit dito". At bigla itong sumakay sa harapan ko.

  Damn this bitches!.  Di ko alam ang gagawin ko. I can't even look at Phenny ayaw kong makita ang galit sa mga mata nya.

  "Ehem!".

  I heard someone cleared his throat or is it her?.

  Napansin ko ang pagtayo ni Phenny then suddenly nagulat na lang ako sa pagtili ng dalawang babaeng nakadamba sa akin. Biglang umangat ang buhok nila. Hila hila ng asawa ko.

  "What the fuck... Let go of my hair you bitch!". Sabi nung babaeng..... I forgot her name.

  Bago pa makapagsalita yung isang babae inihagis na sila ni Phenny palabas ng area namin. Gamit ang mga buhok nila.

  "How dare yo....".

  Hindi na nya natapos ang sasabihin nya dahil binuhusan na sila ni Phenny ng drinks at ibinato ang baso sa may paanan nila. Napatili ang dalawa nung nabasag ang baso malapit sa kanila.

  "Alis kung ayaw nyong mabasag ng ganyan ang mga mukha nyo". Sigaw nito at nagpulasan ang dalawa.

  Malutong na tawanan ang pumalit sa kaninang katahimikan.

  "Oh my God... My pretty doll is so pierce!". Pumapalakpak na sabi ni Coleen. May balak talaga itong agawin ang asawa ko.

  "She's not your doll she's my wife". At hinapit ko na ang bewang ni Phenny at pina upo sa tabi ko.

  "Cronus kilala mo ba yung mga malalandi na yun?". She asked pouting.

  "No my love I don't know them... I don't remember encountering bitches like them". Well it's a half lie. I really do forgot their names but I think I fuck them before, pero wala pa si Phenny sa buhay ko noon kaya I don't consider it cheating.

  "Patay na!". Biglang sabi ni Creed.

  Alam ko ang ibig nyang ipahiwatig. Akala nya paiikutin ko lang si Phenny sa mga palad ko but he is totally wrong. My wife is my most treasured possession and no one can take her away from me.

  "Sinong namatay?". She asked innocently while wiping my face with wet wipes.

  Napamaang si Creed and the rest laugh.

  "That's our little Phenny". Troy said.
 

Cronus and Phenny: The Mafia Lord and His Orphan Wife  (Completed) Where stories live. Discover now