50. Jealous

1.3K 30 0
                                    

Phenny's POV

   Sinundo nga ako ng mga tauhan ni Cronus at exactly three pm. Wow... On time!

  Kanina ko pa sinisipat ang sarili ko. Para kasing hindi bagay sa akin ang napili kong damit. Nung oras na pumayag si Cronus sa date namin nagsimula na akong mamili ng damit na isusuot ko. Kaya lang nailabas ko na ata at nasukat lahat ng damit na nasa cabinet ko parang hindi naman ako makontento sa nakikita ko. Tinawag ko pa talaga sila Mika at Susan para tulungan ako sa paghahanap ng damit na pwede kong isuot pero parang ayaw ko din sa mga pinipili nilang damit para sa akin.

  Umakyat na si Manang Tacing at sya na ang namili ng isusuot ko. Sabi nya simple lang daw ang gusto ni Cronus basta maayos at malinis okay na daw yun kaya bumagsak ako sa puting sunday dress. Sakto sa hubog ng katawan ko. Sleeveless. Di masyadong mababa ang neckline at ang haba hindi umabot sa tuhod. Simple lang ang design, maliliit na morning glory na parang ikinalat. Sobrang cute.

  Nagpaalam na ako kina Manang Tacing ng dumating na ang sundo ko. Sa loob ng kotse kabado ako. First date namin ito ni Cronus, sana maging memorable.

   MOA, dito yung ni request kong puntahan at pumayag naman si Cronus. Maraming kainan dito kaya di na ako mahihirapan pang maghanap kung saan ko sya dadalhin. Syempre ako ang nagyaya kaya ako ang gagastos. Tsaka gusto kong sumakay ng ferris wheel pag nag gabi na feeling ko kasi ang romantic ng ganun. Kinikilig na talaga ako habang iniisip ko yung mga gagawin namin.

  Dumaan kami sa pag aaring building ni Cronus sa Makati. May tinapos kasi syang meeting kaya dito na kami nag mi meet up. Excited na talaga ako.

  "Ms. Phenny Santos?". Bungad sa akin ng isang lalaki habang nag aantay ako sa lobby.

  "Ako nga po, bakit po?". Magalang kong tanong.

  "I'm Renard Noble, Mr. Montague's new secretary". Magalang na pagpapakilala nito na ikina gulat ko naman. Lalaki na ang secretary ni Cronus.

  "Nasaan po yung dati nyang secretary, yung mabigat ang dibdib?". Tanong ko sa kanya na ikinagulat nya maya maya pa ay ikina ngiti naman nya.

  "Si Ms. Paguio, she was fired". Maiksi nitong sagot habang naka ngiti. Napaka aliwalas ng mukha ni Renard kaya napapa ngiti na rin ako habang naka tingin sa kanya.

  "You seem to like my new secretary". Isang baritonong boses ang nakapag palingon sa akin.

  "Cronus!". Masaya kong sigaw at pa takbong pumunta sa kanya para yakapin sya ng mahigpit

  "Do you like my new secretary princess?". Tanong agad nito sa akin habang nakayap ako sa matipuno nitong katawan. Sobrang bango talaga ni Cronus nakaka adik.

  "Oo mabait sya!". Naka ngiti kong sagot.

   Napansin ko na biglang nagbago ang awra ng mukha ni Cronus at masamang tinitigan si Renard at ang kawawang secretary nya napa lunok na lang. Biglang namutla.

  "Cronus".

  Di ako pinansin.

   "Cronus".

   Wala pa din. Nakatitig pa rin sya kay Renard. Parang gusto nyang kainin ng buhay yung kawawang tao.

  "Cronus!". Malakas kong sigaw sa pangalan nya.

  "What is it?". Tanong nito na parang galit.

  "Bakit tinititigan mo si Renard. May gusto ka ba sa kanya. Ako girlfriend mo dapat ako lang tingnan mo. Wag kang titingin sa iba kung hindi magagalit ako sayo!". Sabi ko na naka busangot ang mukha.

  "Nagseselos ka ba?". Ngiting ngiti nitong tanong.

  "Oo!". Pagalit kong amin. Sabay yakap na mahigpit sa kanya.

"I'm sorry princess I didn't mean for you to get jealous and don't worry I don't like men. I am only in love with you". Seryosong sabi ni Cronus at nakikita ko naman ang sinseridad sa mukha nya.

  "Dapat lang.... Ako lang ang love mo kung hindi magagalit talaga ako sayo tapos iiyak ako".

  Natawa naman sya sa mga pinagsasasabi ko.

  "Akala ko, ako ang dapat magselos mukhang mas selosa ang girlfriend ko ah". Natatawang sabi ni Cronus at niyakap ako ng mahigpit sabay halik sa noo ko.

  "Ayan na naman po yung halik lola. Ang tagal ko kasing mag eighteen para halik girlfriend na!". Naka nguso kong sabi na ikinatawa ni Cronus.

  "Halika na nga at mag date na tayo baka kung saan pa mapunta ang usapan natin". Yaya nya sa akin at inalalayan na ulit ako papuntang kotse.

  Sa maghapon namin sa mall hinayaan lang ni Cronus na gawin ko lahat ng gusto ko. Kaya lang pagdating sa bilihan lagi syang nagpupumilit na bayaran yung mga gusto kong bilhin sa kanya pati ang pagbabayad sa pagkain gusto nya sya ang magbayad eh ako naman ang nagyaya. Kaya pag kinukulit nya ako na babayaran nya yung bibilhin ko sinisimangutan ko sya. Ang yabang ko pa naman nung sabihin kong marami akong pera kasi nanalo ako sa tong its tapos di ko naman magagastos. Buti na lang nasuko sya pag nakasimangot na ako. Ang sarap magkaroon ng boyfriend na mabait.
  

Cronus and Phenny: The Mafia Lord and His Orphan Wife  (Completed) Where stories live. Discover now