38. Lupin

1.2K 29 0
                                    

Phenny's POV

  Maya maya ay bumalik na ang maarteng secretary ni Cronus kaya napa simangot na naman ako. May dala syang tasa ng kape, juice at biscuit. Inilapag nya yung kape sa table ni Cronus napansin ko na halos tumuwad naman sya sa harapan ni Sir Troy na katabi ko sa sofa kaya kita ko din ang kuyukot nya. In fairness maputi naman.

  Halos ipagduldulan naman nya yung dibdib nya sa harapan ni Cronus buti na lang si Cronus my loves ko hindi mahilig sa dede.

  "Ang bigat siguro ng suso ng babaeng yan?". Bigla kong sabi na ikinagulat naman ni Sir Troy .

  "Bakit mo naman nasabi?". Natatawa nyang tanong sa akin.

  "Eh pagyuko nya parang hindi na nya mahila pabalik eh, ayaw na lang isampay ng hindi nahihirapan". Asik ko.

  Humagalpak na naman ng tawa si Sir Troy na ikinagulat ko.

  Lahat na lang ata ng sinabi ko hinahagalpakan nito ng tawa. May sira ata to sa ulo.. Nabulong ko sa sarili ko.

  "Troy looks so happy.... Something going on princess?". Malamig na tanong ni Cronus parang naiirita na kay Sir Troy.

  "Wala naman po... Ahm... Cronus may patay ba dito?". Nakita ko ang pagkagulat ni Cronus sa tanong ko kasama na ang pagtataka.

  "Anong patay... I don't understand what you mean princess".

  "Ah... Ano kasi... Yung secretary mo binigyan ka ng kape tapos sa akin juice at biscuit di ba ganito yung hinahanda sa lamay... Buti na lang hindi Plus king size o kaya zesto yung jujce".

  At ang sira ulong si Sir Troy hindi na tumigil sa pagtawa. Ano bang nakakatawa sa sinabi ko, nagtanong lang naman ako.

  Nakita ko din ang pagtawa ni Cronus. Pareho palang may sapi ang magpinsan balak ko pa naman sanang tumakbo sa tabi ni Cronus kasi baka mangagat na si Sir Troy pero wag na lang baka kami ni Cronus ang biglang magkagatan pag nagkataon.

  Inirapan na naman ako ng babaeng dalawa ang pwet, yes mukha syang pwet kaya times two ang pwet nya. Pero paki ko hindi magugulo ang balahibo ko sa kanya.

  "May dear princess, akala ko accident prone princess ka lang comedian princess ka rin pala". Maiyak iyak sa tawa na sabi ni Sir Troy.

  "Sir Troy wag mo po akong tawaging princess, si Cronus lang ang pwedeng tumawag sa akin ng princess". Direkta kong sabi sa kanya na ikina ngiti naman ni Cronus.

  "What an obedient girl.. Well trained... I'm so proud of you pinsan!". With matching two thumbs up pa nga.

  "Sira ulo.... Tigilan mo si Phenny kung ayaw mong malibing sa trabaho". Galit na sabi ni Cronus na automatic namang ikina tigil ni Sir Troy. Nag muwestra pa sya na parang siniper ang bibig at may itinapon sa likod. Malala na talaga to.

  "Princess lalabas na muna kami ha, si Miss Paguio muna ang titingin sayo. You can sleep on the couch pag inantok ka, pag nagutom ka just ask my secretary for food. You can also use my computer if you get bored, magpa download ka na lang sa secretary ko ng games". Mahaba nitong bilin saka humalik sa ulo ko at sabay na silang umalis ni Sir Troy.

  Nagulat ako sa halik na yun ni Cronus sa bunbunan ko, gusto ko sanang itanong kung para saan yun, halik anak ba yun o halik asawa?.

  Inantay lang talaga ng mahaderang secretary ni Cronus ang pag disappear nila at tiningnan na ako ng matalim. Alam kong may binabalak tong masama sa akin. Well trained ata ako ng mga tele serye kaya tingin nya palang alam ko ng pang sidekick kontrabida.

  "Ano bang papel mo sa buhay ni Sir Cronus?". Mataray na tanong ng secretary ni Cronus. Alam kong inaantay nya tong pagkakataon na to para tanungin ako. Typical kontrabida.

  "Kasambahay". Maiksi kong sagot.

  "What!..... Maid ka lang... As in katulong ka lang pala nila sa bahay tapos kung maka asta ka para kang girlfriend ni Sir Cronus!".

   Muntik na akong mabingi sa pagkaka sigaw nyang yun parang may megaphone na basag ang lalamunan. Grabe din maka react akala mo female lead. Eh ano kung katulong lang ako marangal naman ang trabaho ko, wala naman akong sinasagasaang ibang tao.

  Hindi na lang ako nagsalita para hindi na humaba ang tokis war. Wala pa naman ako sa mood. At isa pa marami na akong nakitang ganitong uri ng tao na walang balak magpatalo. Akala mo kung sino makapamula porke ba mas mataas ang pinag aralan kesa sa akin lintik na makapagsalita akala mo hindi nakakasakit ng kapwa.

  "Hoy maid... Wag mo akong mautus utusan mamaya ha pag nagutom ka dahil hindi mo ko katulong, ikaw ang maid kaya ikaw ang gumawa ng mga gawaing pang katulong dito!". Asik nito sa akin. Halos mag close open ang butas ng ilong nya.

  "Wala naman akong sinasabi ah. Hindi naman kita inuutusan. Nanahimik ako dito noh". Pagtataray ko din. Pareho lang naman kaming pa swelduhan ni Cronus pero kung umasta ang babaeng ito daig pa may ari. May saltik din naman pala to.

  "lumabas ka na nga muna hindi kita mababantayan dito sa loob baka mamaya magnakaw ka pa tapos ibintang pa sa akin!". Sabay hila sa kamay ko at patulak sa pinto. Ang lakas nya ha.

  Taena!....
  Pasmado pala bibig ng babaeng to eh...
  Makabintang akala mo tatay ko si Lupin...

 

 

 

Cronus and Phenny: The Mafia Lord and His Orphan Wife  (Completed) Where stories live. Discover now