69. Dad

1.2K 30 0
                                    

Phenny's POV

After namin mag lunch ni Cronus pinaligo nya ako at pinagbihis. Sabi nya kasi aalis kami kaya excited naman ako.

I wore a white sleeveless dress with small flower prints. Ang haba nya abot lang hanggang ibabaw ng tuhod ko. Design iyon ni Coleen exclusive only for me sabi nya. She called it comfortably elegant.

Sobrang ganda nung mga damit na nasa collection nya sabi ko gusto ko din yun makita na suot ng ibang babae kasi ako nga natuwa paano pa kaya sila. Nung una ayaw nyang pumayag pero na convinced ko pa rin sya kaya lang pang limited edition lang daw ayaw daw nya kasing may nakikita syang naka suot nung damit na para sa akin lang. Only two hours of posting ng collection na yun sa web page nya sold out na agad. Grabe sobrang galing at sobrang sikat talaga ng kapatid ni Cronus nakakahanga.

Ako kaya, ano kaya ang talent ko maliban sa kumain?. I asked myself na natatawa.

Kanina ko pa napapansin na parang ang tagal ko ng naka upo sa kotse ng asawa ko. Bakit parang pakiramdam ko ang bagal ng takbo namin.

"Cronus love... Traffic ba?". Tanong ko sa kanya.

"No my love". He casually said. Kaya lalo akong nagtaka.

"May sinusundan ba tayong karo ng patay?". Curious kong tanong ulit.

"None my love". Simpleng sagot ulit nya.

"Eh bakit ang bagal ng takbo ng kotse mo, may sira ba to?". Kunot na ang noo kong tanong sa kanya.

Ngiting ngiwi na ang isinagot niya sa akin.

"I'm just being... Ahm... I just want to drive safely that's all".

Lalong kumunot ang noo ko sa sagot nya. Para kasing may sariling traffic si Cronus.

"Cronus pag ganito tayo kabagal baka bukas na tayo makarating sa pupuntahan natin. Ano ba ang takbo mo trenta?". Naiinis kong tanong sa kanya, mas sanay kasi akong halos nalipad ang kotse namin sa kalsada.

"Don't be mad, bibilisan ko na".

Narinig ko ang pag rebolusyon ng makina nya at naramdaman ko rin ang bahagyang pag bilis ng takbo ng sasakyan namin. Bumilis ng sampu naging kwarenta. Parang nanggigil ako at gusto kong tuktukan si Cronus pero hindi na lang ako nagsalita.

Sa awa naman ng Diyos nakarating kami sa gustong puntahan ni Cronus mga after twenty years ata. Pumunta kami ng hospital.

"Sino dadalawin natin dito?". Malumanay kong tanong. Medyo kumalma na ang sarili ko ng makita ang lugar na pupuntahan namin. Baka may kamag anak o tauhan si Cronus na nandito sa ospital na to.

"Si Margaret". Matipid nitong sagot at iginiya na ako papasok sa loob kasama ng mga tauhan nyang nangunguna sa pag lakad. Halos palibutan na kami ng mga ito kaya walang magawa ang ibang nakakasalubong namin kundi ang tumabi.

Feeling ko isa akong importanteng tao na hindi pwedeng masaling ninuman. Grabe ang effect ng mga bodyguard ni Cronus tinalo pa ang presidente ng Pilipinas sa vibe.

Isang kwarto ang pinasok namin at nakita ko ang isang babaeng naka uniform ng pang doktor. Busy syang nagsusulat at hindi man lang kami tiningnan kahit halos mawasak na ang pintuan nya sa pagbukas ni Cronus.

"Margaret". Tawag nito sa babae.

Akala ko may dadalawin kaming may sakit dito sa ospital hindi ko alam na doktor pala ang pupuntahan namin. Bakit kaya?.

"Lord Cronus Montague... At sinong dimonyo ang dapat kong pasalamatan para makita ko ang pagmumukha mo dito sa ospital na to?". Sabi ng doktora at sabay baba ng ballpen na gamit nya.

"Check my wife". Biglang sabi ni Cronus.

Bigla rin kaming nagka tinginan ni doktora Margaret. Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa habang ako naman ay busy sa pag iisip kung may sakit ba ako o wala.

"I told you before I'm not...."

"I know.... This one calls for your profession". Putol nito sa sasabihin ni doktora.

Bumuntong hininga si Doktora Margaret at maya maya ay tumayo rin.

"Come this way Phenny". Utos nya sa akin.

Nagulat ako dahil hindi ko pa man nasasabi ang pangalan ko pero mukhang kilala na nya ako.

Sa loob ng room na pinagdalhan nya sa akin kinuhanan agad nya ako ng dugo at urine samples habang kinaka usap.

"Pinsan ko si Cronus". Bigla nyang sabi.

"Ah, nice to meet you po!". Magalang kong sabi at ngumiti sa kanya.

"Now i know why Aunt Celeste and Coleen likes you. You have such an adorable face and you have this look of innocence in you". She nonchalantly said.

"Thank you po". Sabi ko na lang kasi hindi ko maintindihan yung ipinahihiwatig nya.

"Lord is a nice person pero dimonyo kung magalit. How did you tame him?". Direktang tanong nito sa akin.

"Lord?".

"Si Cronus... Hindi mo ba alam ang tunay nyang pangalan?".

Namula ang pisngi ko. Ang alam ko lang ay Cronus Montague ang pangalan ng asawa ko. Kasal na kami pero halos wala pa rin akong alam sa kanya. Tapos sabi nya parang dimonyo raw magalit si Cronus. Galit ba sya sa pinsan nya?.

Tumahimik na lang ako at ngumiti sya.

"Don't be like that baka isipin ng hinayupak na yun sinisiraan ko sya sayo".

Natawa ako sa sinabi nya.

"Close po kayo ni Cronus?". Masaya kong tanong sa kanya.

"Yup... Sa lahat ng tao sa Montague clan sya lang ang sumuporta sa akin para maging OB. Although mas gusto nyang maging surgeon ako pero sinuportahan pa rin nya ang desisyon ko. At dahil sya si Lord Cronus Montague walang kumontra sa desisyon nya". Mahabang paliwanag nito.

"Bakit?.... Ganun sya kalakas sa pamilya nyo?". Namamangha kong tanong na ikinalapad ng ngiti nya.

"Yup.... Because he was born as a successor". She proudly said.

"Successor?". Tanong ko kasi hindi ko maintindihan ang ibig nyang sabihin.

"You are so cute". Ngumiti sya at dinampian ng daliri nya ang tungki ng ilong ko. Tapos ay inaya na akong lumabas at bumalik sa office nya.

Nakita ko si Cronus na aligagang nag aantay sa amin. Pagkakita nya sa akin ay agad akong niyakap at pinaupo sa isang silya.

"How is she?". Tanong agad nito pagka upo ni doktora sa swivel chair nya.

"Geez... Relax wala namang nakamamatay na sakit ang asawa mo grabe kang mag alala". Sabi nito sabay kindat sa akin.

"I wanna know her situation".

"She's fine pero ikaw mukhang hindi". Mataray na sabi ni Doktora Margaret na lalo atang nagpa irita kay Cronus.

"Margaret!". Sigaw ng asawa ko sa pangalan ng pinsan nya.

Ngumisi lang ito. Yung nakakaloko talaga tapos ay inilagay nya ang hintuturo nya s mga labi nya, meaning pinatatahimik nya si Cronus.

  Napangiti ako at hinila ko na lang ang asawa ko sa tabi ko na agad namang nagpatianod papunta sa akin. Maya maya pa ay may kumatok at biglang pumasok sa pintuan ng kwarto ni doktora at iniabot ang isang papel sa kanya. Tumingin sya sa akin at ngumiti.

"Congratulations you're pregnant... Yehey!". Bati ni doktora sa akin na ikinatulala ko naman. "But sad to say sya yung tatay kaya good luck sa earth dahil nagkaroon ng copy yung isang nilalang sa tabi tabi". Sabay tingin kay Cronus at umirap.

Sinimangutan lang ni Cronus ang pinsan nya at tumingin sa akin na ngiting ngiti.

"Love.... I'm going to be a dad!". Sabi nito na tuwang tuwa.

Cronus and Phenny: The Mafia Lord and His Orphan Wife  (Completed) Where stories live. Discover now