33. Secret Confession

1.3K 30 0
                                    

Phenny's POV

   Ang malas ko naman ngayong araw. Kaninang umaga nabasag ko yung malaki nyang vase na parang pang halimaw sa banga ang theme. Sabi ni Sir Troy mahal daw yun kaya ipinabawas ko na lang ulit sa sweldo ko. Grabe hindi pa nga ako nakakabayad dun sa mga damit na nasa cabinet ko ngayon may utang ulit ako. Baka wala na akong sahurin sa katapusan nyan.

  Tapos pinagalitan pa ako dahil inakyat ko yung puno nya ng mangga, hindi naman kasi sinabi ni Mika na imported pala yung mga puno na yun siguro naman hindi ko nagasgasan ng husto yung mga sanga ng Thai mango ba yun. Tapos gusto pa nyang ipaputol lahat ng puno dun eh inaabangan ko pa naman mamunga yung mansanas at ponkan na nakatanim sa tabi nun. Buti na lang pumayag syang wag ng putulin dahil nag promise na akong di na aakyat ulit. Dumadami na ang utang ko dumadami na din ang pangako ko. Baka sa susunod ipa promise nyang hindi na ako hihinga at kakain naku hindi ko na kaya yun.

  Hay naku...
  Kulong na naman ako sa kwarto. Pero okay lang at least kahit papaano nasilayan ko ang pogi nyang abs. Ang sexy pala ng Cronus my loves ko. Kanina habang hawak ko yung mangga parang gusto ko ng kagatin, ika nga nila kanin na lang at si Cronus my loves ang ulam. Hindi ko talaga mapigilang mapangiti pag sya ang naiisip ko. Hay Cronus my loves sana loves mo rin ako.

  Mahihinang katok ang nakaputol sa pag di day dream ko at pag bukas ko ng pinto parang gusto kong himatayin ng makita ang nasa likod nito. Si Cronus my loves na sobrang bango at sobrang pogi parang gusto ko na syang kagatin.

  Behave girl di ka aso kaya wag kang mangangagat... Pinagalitan na naman ako ng utak ko. Parang totoo atang ang love nakaka sira ng ulo kasi lagi ko ng kinakausap ang sarili ko.

  "Princess... Did you reflect on what you did this morning?". Mahinahon nitong tanong habang nakasandal sa hamba ng pinto.

  Grabe pati boses ang sexy. Ano kayang feeling pag binulungan ako nito?... Ayan ka na naman brain ha, hinahamon mo na naman ang katinuan ko. Baka di ako makapagpigil ako na ang bumulong.

  "Sorry na po Cronus hindi na mauulit". Titig na titig si Cronus sa akin. Parang gusto kong matunaw.

   Grabe ang mga mata parang nanghihigop gusto kong malunod, my loves save me... Brain shut up na baka bigla nya tayong lunurin sa balde.

  "Hindi ako galit princess I'm just worried. Kaninang umaga muntik ka ng mabagsakan ng vase sa ulo tapos umakyat ka pa ng puno paano kung nahulog ka at nasaktan anong sasabihin ko kina Sister Luz?". Malumanay nitong sabi.

  Cronus my loves sana pag tuluyan akong nahulog handa kang saluhin ako kasi ako kahit madulas ka lang sasaluhin agad kita... Haist... I officially declared my brain is damage and I need a doctor. Naku brain shut up muna sabi eh.

"Princess.... Nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko?".

  "Opo... Ahm may iniisip lang po ako".

   Actually nawawala na talaga ako sa tamang pag iisip pag kaharap ka. Lord kung pwede ko lang sabihin sa kanya na sana hindi ka pa pagod kakatakbo sa utak ko ng hindi ako magmumukhang tanga sinabi ko na.

  "Anong iniisip mo?... May problema ka ba princess?".

  Oo meron at ikaw yun, ikaw ang pinoproblema ko kasi loves ka na ng puso ko, gustong gusto ka na nya at dahil dun nahihirapan ako. Yung dating crush nagiging love na paano ba naman lagi na lang may pahaging ka tapos puro bitin naman, sobrang bait mo pa sa akin pero kailangan kong isipin na baka baby sister lang ang tingin mo sa akin kaya ka ganyan pero ako kahit older ka pa sa akin gusto kitang gahasain pero hindi pwede kasi kelangan kong magpaka dalagang Pilipina tsaka ayokong makasuhan ng rape ayokong tumanda sa kulungan na hindi pa natitikman ang luto ni Lord noh... Kung kaya ko lang sanang sabihin to sayo.

  "Wala Cronus... Ahm... Naiisip ko lang yung mga bata sa orphanage".

  Sinungaling nanggagamit ka pa ng ibang tao ha baka tamaan ka na ng kidlat nyan... Ang hirap palang kaaway ng sarili.

 

Cronus and Phenny: The Mafia Lord and His Orphan Wife  (Completed) Where stories live. Discover now