19. Future Mrs. Montague

1.3K 34 0
                                    

Cronus POV

  Pa gabi na ng kinatok ko ulit ang kwarto ni Phenny. Dumaan ako dito kaninang hapon at kumatok pero walang sumagot baka naka tulog sya, nasabi ko sarili ko. Maghahapunan na kami at gustong gusto kong magkasabay kaming kumain bago sya matulog ulit. Magpapa alam na rin ako dahil maaga kaming aalis ni Manang Tacing bukas. Gusto kong bilinan sya ng mga dapat nyang lang gawin sa mansion.

  Isang pupungas pungas na Phenny ang nag bukas ng pinto halos di nya maimulat ang mga mata nya at gulong gulo pa ang buhok. Natawa ako sa ka cute-an nya.

  "Good evening princess, it's time for dinner". Malumanay kong sabi habang tinutulungan kong ayusin ang buhok nyang nagulo sa pag tulog.

  "Sir Cronus?.... Ay Cronus pala!". Gulantang nyang sabi habang ako naman ay napangiti na ng tuluyan. Agad agad nyang hinagod ang ulo nya para ayusin ang natural wavy hair nya. Para syang pusang nag hihilamos ng ulo. I saw her cheeks blushed but didn't hide her natural freckles. Sobrang cute talaga.

  "Come on, it's dinner time. Hindi ka nag snack kanina lunch lang ang kinain mo so now we need to eat dinner na". Pag aaya ko sa kanya.

  "Pwede po bang susunod na lang ako Sir Cro.... Cronus".

  "Bakit may gagawin ka pa bang iba?".

  Umiling si Phenny kaya hinatak ko na sya pababa sa dining area. Nakahanda na ang dinner at kami na lang ang inaantay. I placed her where she used to sit kanina and so am I. The maids started to served us habang si Phenny ay busy sa pagtingin sa mga pagkain. Nagtaka ako.

  "Are you looking for something princess or you don't like the food?". I asked to settle my confusion.

  "Wala na ba yung kaninang pagkain Cronus?". Tanong nya sa akin na halos pabulong lang.

  "The food from lunch?". I wonder why my princesses asked for those food baka nagustuhan nya yun.

  "Opo, andami kasi nun kanina hindi naman natin naubos akala ko uulamin ulit natin ngayon". Paliwanag nya.

  "Ah yung mga natira kanina, Manang Tacing already disposed them". Simple kong sagot sa kanya na parang ikina shock ni Phenny.

  "Ha!... Tinapon lang?". Halos mapa sigaw na ata sya sa gulat.

  "Princess if you like those foods magpaluto ka na lang ulit bukas okay". And I urge her to eat.

  Nagsimula na syang kumain at lahat ata ng pagkaing inilagay sa pinggan nya ay pinipilit nyang ubusin. At start akala ko ay gutom lang sya kaya ang dami nyang nakain, nilagyan ko pa nga ulit ang plate nya ng food dahil baka hindi pa sapat yung inilagay ng maid pero parang pinipilit na lang nyang ubusin lahat.

  "Princess if you can't eat anymore please stop eating". Awat ko dahil parang nahihirapan na syang huminga.

  "Sorry Cronus hindi ko na maubos". Maluha luha nyang sabi at naawa naman ako.

  "Bakit kasi pinipilit mong ubusin?". I asked with all my worry.

  "Baka kasi itapon nyo na naman sayang lang".

  "Okay lang yun marami pa namang stocks". Sabi ko sa kanya para di na sya manghinayang pa.

  "Kahit na marami kang stocks eh yung pinang bili mo dun sa itinapon nyo yun yung sayang, pinaghirapan mo pa naman ang perang pinambili mo taz itatapon lang".

  Ah.. Now I understand. Pinagtrabahuhan ko nga naman ang pinang gastos ko sa pagkain tapos tinapon lang, so it's not about the food she was worried it's about me. Yung paghihirap na ginawa ko para kumita. How adorable and sweet.

  "Ma'am Phenny, hindi naman po lahat itinapon, yun din po kasi yung kinain namin kaninang tanghalian ng lahat halos ng nagta trabaho dito kaya wag na po kayong mag alala hindi po nasayang yung pagod ni Sir Cronus para sa pag bili ng pagkain". Mahabang paliwanag ni Manang Tacing. Thank God, my old Nanny is here.

  "Ah, ganun po ba?.... Mabuti naman akala ko kasi basta itinapon na lang". Then she gave Manang Tacing a sweet honest smile.

  What about me?.

  "Ahm... Manang bakit nyo po ako tinawag na ma'am eh hindi naman po ako teacher?".

  Eto na naman kami. Princess pwede bang wag ka ng magtanong ng kung ano ano. Napatingin na rin tuloy ako kay Manag Tacing.

  "Ahm...."

  At wala na rin syang maisagot.

  "Kung ayaw mo ng Ma'am, how about senyorita?".

  Nalukot na ng tuluyan ang mukha ng prinsesa ko. So cute.

  "Ayoko tunog tamad". And she cringed her nose.

  I laughed at nagulat ang lahat even me.

  "Miss Phenny na lang, tutal miss ka pa naman di po ba? ".

  That's a clever suggestion. I love my Nanny we almost have the same wavelength.

  "Ah okay po tutal miss pa naman po ako eh". And again that sweet honest smile.

  Miss?.... Not for long. Magiging Mrs. Montague ka in the near future.

  I smirked because of that thought.

Cronus and Phenny: The Mafia Lord and His Orphan Wife  (Completed) Where stories live. Discover now