70. Till Death Do Us Part

1.3K 29 0
                                    

Phenny's POV

Hanggang sa makalabas kami ng ospital at makasakay sa sasakyan ay nakatulala pa rin ako. Samantalang si Cronus ay Tuwang tuwa naman. Naramdamam ko na lang ang kamay ng asawa ko na humawak sa kamay ko.

"Aren't you happy my love?... Magiging Mommy ka na tapos ako magiging Daddy na". Sabi nya habang may malapad na ngiti sa mga labi.

Nakatitig ako sa mukha nya at nakita ko ang pagsulyap nya sa akin. May kung anong kaba ang pumasok sa dibdib ko at biglang tumulo ang mga luha ko. Nagulat si Cronus at itinabi ang sasakyan para daluhan ako.

"Phenny my love, why are you crying?". Sabi nito na puno ng pag aalala.

"Natatakot ako Cronus... Hindi ko alam kung bakit pero natatakot ako". Yun lang ang nasabi ko at napahagulgol na ako ng iyak habang sya naman ay inaalo ako.

"Sshhh... Don't be scared. Nandito lang ako hindi kita iiwan. Magsasama tayo hanggang sa pagtanda natin". Mahinahong bulong nya sa akin.

"Paano pag ako ang nawala?". Bigla kong nasabi. Hindi ko alam kung saan galing yun pero yun ang isinisigaw ng utak ko.

Natigilan si Cronus at napatitig sa mukha ko. Then slowly he kissed me. Full of love and care bago nagsalita ulit.

"Pag ikaw ang nawala hahanapin kita at hindi ako titigil hanggang hindi kita nakikita. Susuyurin ko ang buong mundo kung kinakailangan matagpuan lang kita. Because Phenny Santos only belongs to me and so do I". Mahinahon nyang paliwanag sa akin.

"You promise?.... Say you promise Lord Cronus Montague". I said as if asking for insurance.

"I promise with all my heart. Till death do us part". Sabi nya na ikinatulo lalo ng luha ko.

"Till death do us part". Mahina kong usal pero alam kong narinig nya. He kissed me and I kiss him back.

Nang mahimasmasan na ako tumuloy na kami sa mansion. Madilim ang loob ng mansion parang tulad noong eighteenth birthday ko. Napangiti ako. Mukhang may nagbabalak manorpresa. Bababa na sana ako pero pinigilan ako ni Cronus. Nagtaka ako kung bakit.

Bumaba sya at dumiretso sa pinto at biglang binuksan iyon.

"Surprise!". Ang narinig kong sigawan mula sa loob tapos biglang natahimik.

"What the hell do you think you're doing!". Galit na sigaw ni Cronus.

Bumaba na ako ng kotse at naglakad papunta sa pinto. Nandoon sina Mommy Celeste at Dad Charles, si Coleen, Troy at Karlo pati lahat ng kasambahay namin. May pa cake pa nga.

"And what the hell do you think you're doing?". Ganting tanong ni Mommy Celeste. "Where's my Phenny?". Sigaw pa nito sa anak.

"How many times did I tell you, Phenny is not yours, she's mine, she's my wife!". Halos dumagundong ang boses ni Cronus sa loob ng mansion.

"Oh the hell I care... Just get out of the way and let her in. Masama sa buntis ang nasa may pintuan baka mahirapang manganak". Bulyaw nya sa asawa ko at ikinaway ni Mommy Celeste ang kamay nya papasok para tawagin ako.

Habang papalapit ako sa kanila ay biglang tumili si Coleen na ikinagulat ko.

"My Phenny doll is going to have little Phennys. Gusto ko ng mag design ng mga little clothes. Is it a girl ba or a boy". Masayang tanong ni Coleen.

"Ahm... Butiki pa eh". Sabi ko ng maalala ko yung mga pictures sa loob ng office ni Doktora Margaret. The evolution of pregnancy ba yun.

"Butiki?.... Why is it a lizard?". Manghang tanong ni Coleen sabay tingin sa nanay nya.

"It's still developing sweetheart. The fetus is still forming a shape so we can't see yet its gender". Paliwanag nito sa anak. Tumango tango lang si Coleen.

"Then I'll design clothes for a boy and for a girl.... Oh I hope it's a twin". Bigla nitong sabi.

Napatigil ako pagka sabi nya ng word na twin. I remembered someone but the face is blur in my memory.

"Hija are you tired?... Cronus ano bang tinatayo tayo mo dyan, dalhin mo na si Phenny sa kwarto nyo she needs rest!". Sigaw nito kay Cronus na agad namang tumalima.

"I'm sorry love, I didn't noticed you're already tired". At masuyo nyang hinalikan ang ulo ko sabay buhat sa akin.

"Love, kaya ko pang maglakad". Bulong ko sa kanya. Nahihiya ako sa ginagawa ng asawa ko dahil pinagtitinginan kami ng mga kamag anak nya.

"Hija let my idiot son carry you. You're in a delicate state right now hindi ka pwedeng mapagod ng husto". Matigas na sabi ni Mommy Celeste na ikinasimangot naman ni Cronus pero hindi na nagsalita pa.

Hindi na nagpaalam si Cronus at dinala na ako sa kwarto. Pakiramdam ko ay bagong kasal kami dahil bridal style pa ang pagbuhat nya sa akin. Kinilig naman ako.

Cronus and Phenny: The Mafia Lord and His Orphan Wife  (Completed) Where stories live. Discover now