53. Contract

1.2K 30 0
                                    

Cronus POV

  May kaunting salo salo din sa bahay syempre. Hiniling nila Manang Tacing at ng ibang maids, of course I agreed alam ko namang matutuwa si Phenny sa maliit na sorpresang ito at hindi nga ako nagkamali.

  My princess was crying while looking at me. Tears of joy ika nga.

  "Cronus... Thank you talaga... Sobrang saya ko ngayon. Yung kahit kunin ako ni Lord okay na". She said while sobbing.

  Dear God, wag nyo na muna pong kunin ang prinsesa hindi ko pa po sya naa anakan. Napa dasal tuloy ako bigla dahil sa mga sinabi ni Phenny.

  "Don't say that... I still need you here". At niyakap ko sya then wipe her tears away.

  "Wish muna birthday girl bago ka magpabaha ng luha!". Sigaw ni Troy na parang nangangalay na sa paghawak ng cake.

  Lumapit si Phenny kay Troy at pumikit habang magkasalikop ang mga kamay. After that she blew out the candle.

  "Anong wish mo Miss Phenny?". Excited na tanong ni Mika.

   "Bawal sabihin baka di matuloy". Biglang sabi ni Phenny.

  "Sabihin mo na dahil kahit ano pa yan sigurado akong tutuparin ng pinsan ko yan". Mayabang na pahayag ni Troy at syempre taas noo at dibdib akong tumango.

  "Talaga!.... Kahit sabihin ko ang wish ko matutupad pa rin?". Phenny's eyes were twinkling with excitement.

  "You can leave it to me princess. I can make all your wishes come true".  Well I'm Lord Cronus Montague, maliban siguro sa bumuhay ng patay, I can do anything and everything with my own power.

  "Ahm.... Kaya lang nahihiya ako eh". She blushed at tumungo then played the hem of her shirt.

  "Don't be shy princess, hindi ko matutupad ang wish mo pag hindi mo sinabi". Pangungumbinsi ko pa sa kanya.

  She smiled so sweetly then started to talk.

  "Ang wish ko.... Sana maging asawa ko si Cronus tapos magka anak kami yung parang kasing dami nung sa orphanage para masaya tapos hindi kami maghihiwalay hanggang pag tanda!".

  Everyone went silent with their jaw hanging down widely at kung natahimik sila, mas lalo na ako. Did she really wish for me to be her husband?...

  The question really explode inside my head.

  Biglang tumawa si Troy na una atang natauhan sa amin
Followed with chuckles at mga impit na tawa.

   "Pinsan kailangan mo ata ng maraming balut at viagra ngayon matinding trabaho ang binigay sayo ng prinsesa mo... Isang napaka lupit na kahilingan!". Sabay halagpak na parang wala ng bukas.

  Sa tanang buhay ko parang ngayon lang ata ako nahiya sa harap ng ibang tao. I really felt like I blushed. But I grinned at the end, devilishly.

" Hindi ko kailangan ng balut at viagra malakas ang tuhod ko just wait and watch". Pagmamalaki kong sabi sa sira ulo kong pinsan.

  Phenny hides face using her long hair. I brush it then nilagay ko sa likod ng tenga nya. Her face is as red as a ripe tomato. So cute.

  "My princess.... Your wish is my command". Yun lang at hinalikan ko na ulit ang mapula nyang mga labi.

  Naghiyawan at nagpituhan ang mga tao sa paligid namin. I feel like this is the happiest day of my life. Parang ako ang may birthday.

  After the small dinner inaya ko muna si Phenny sa office library ko.

  "Here princess, sign this". Habang inaabot ko sa kanya ang isang folder.

  "Ano to Cronus?". Nagtataka nyang tanong at inabot din ang folder.

  "It's a contract". I simply replied.

  "Talaga!". Tuwang tuwa nyang sabi. At agad syang naghanap ng ballpen ng makita nya yung pen holder ko agad na kumuha ng ballpen dun then started to sign the contract at inabot sa akin pagkatapos.

  "Aren't you going to read it first?". Takang tanong ko sa kanya.

  "Hindi na may tiwala naman ako sayo eh, tsaka ikaw naman ang gumawa ng kontrata kay okay na yun". Masigla nyang sabi na parang ikina hina naman ng tuhod ko. She trusted me so well. Kahit hindi dapat.

  "Princess can you promise me one thing". Sabi ko sa kanya habang hawak ko ang folder ng kontratang pinirmahan nya.

  "Ano yun Cronus?". Maang na tanong nya.

  "Next time kahit sino pa ang magpa pirma sayo ng contract or any documents that will need your signature always read that documents first before you sign okay?.... Promise me princess". Seryoso kong sabi sa kanya.

  "Okay!".

   At yun lang talaga ang isinagot nya.

Cronus and Phenny: The Mafia Lord and His Orphan Wife  (Completed) Where stories live. Discover now