6. Preparing

1.4K 29 3
                                    

Phenny's POV

  "Sayang ang pogi pa naman nung mama kaya lang parang tanga, di pa marunong magpasalamat". Bubulong bulong ako sa sarili ko habang naglalakad.

  Pinabili ako ni Sister Lourdes ng pagkain dahil lumampas na ang tanghalian pero di pa kame nakain. Isinama nila ako sa labas ng orphanage para kunin yung donations sa isang building dito sa Pasig kaya lang ang daming arte nung magbibigay kesyo hindi pa daw release kaya pinag antay pa kame. Wala naman kaming magagawa kundi mag antay, syempre kami ang nanghihingi kaya dapat kami ang mag adjust.

  "Phenny dalian mo na nahakot na namin yung mga donations nila uuwi na tayo". Aya ni Sister Lourdes at agad naman akong napatakbo.

  Sinisilip ko yung mga naka kahong damit para kasing may nakikita akong mga sira at maruruming damit. Napabuntung hininga ako ng malakas.

  "Bakit?". Malumanay na tanong ni Sister Lourdes sa akin.

  "Eh Sister, parang sira-sira na naman at mukhang basahan na ata yung ibang damit. Parang hindi na magagamit. Sana itinapon na lang nila hindi na sinama dito. Ginagawa na lang nila tayong basurahan eh!". Reklamo ko sa kanya.

  "May mga tao talagang ganyan hija, masabi lang na may ibinigay pero dapat pa rin tayong magpasalamat dahil nagbigay sila at naka tanggap tayo. Tayo na mga nanghihingi lang ng konting awa dapat tayong makontento at magpasalamat". Marahan nitong paliwanag.

  Napayuko na lang ako at humigit ng malalim na hininga. Eh kaya lang ako na naman ang mahihirapang manahi at maglaba ng mga to eh, sa isip isip ko. Ang gago talaga ng mga nagbibigay ng basahan dito sa donation ka yayabang mga wala namang silbi. Inis na inis ako hindi ako tulad nila Sister na mabait hindi naman ako madre eh.

   Habang umaandar ang aming sasakyan di pa rin nawawala sa isip ko yung mukha ng lalaki para kasing pamilyar sya sa akin pero dahil sa wala naman akong ibang maalala tinigil ko na ang pag iisip sasakit lang ang ulo ko.

  Nakita kong nagtatakbuban palapit sa amin ang mga bata ng orphanage habang nagbababa kami ng mga karton. Curious silang sinisilip kung ano ang nasa loob nito. Alam kong umaasa sila na may bagong laruan o di kaya'y bagong damit man lang. Napasimangot ako ng maalala ko yung mga nasilip ko kanina, mukhang mga basahan yung damit na binigay sana hindi lahat.

   "Ate Phenny may laruan ba dyan?". Tanong ng makulit na si Jane.

  "Sa akin tsinelas sira na yung tsinelas ko oh". At inangat pa ni Isko ang tsinelas nyang may tali na ng goma sa ilalim.

  "Lagi mo kasing sinisira ang tsinelas mo, ikaw ang pinaka mabilis magpalit ng tsinelas sa ating lahat". Nagagalit na sabi ni Leni.

   Natawa lang ako ng sumimangot na si Isko di na sya nagsalita dahil alam nyang di sya mananalo kay Leni.

   "Di ko pa alam kung anong laman eh, sa tingin ko parang purong damit lang". Sabi ko na ikinadismaya nila.

  Dinala namin sa isang kwarto lahat ng kahon at doon namin iisa isahin ang laman nito. Karamihan kasi sa ganitong donations hindi lahat nagagamit. Kasama ko ang ilang mga dalagita na dito na halos lumaki sa orphanage.

  "Ate Phenny, bubuksan na namin itong ibang kahon ha!".

  "Sige Mina, tapos ihagis nyo na lang dun sa sulok yung hindi na magagamit, mamaya na natin ligpitin pagkatapos". Sabi ko sa kanila na hindi tumitingin at abalang nagsasalansan ng ibang kahon. Alam kong exited sila dahil sila ang magbubukas hinahayaan ko silang mamili ng gusto nilang damit bayad na rin sa tulong nila.

  "Eeewwww!".

  Nagulat na lang ako ng nagsigawan ang mga dalagita at napatingin. Isang lumilipad na brief ang sumalubong sa mukha ko.

   "Tang ina". Sabay tapon sa brief na lumanding talaga sa mukha ko.

  "Bakit sa akin nyo hinagis yan sabi ko dun sa sulok". Nanggagalaiti ako habang naturo sa lugar na yon. "Puta ang dugyot ng gumamit naninilaw nilaw na bacon pa ang garter kadiri". Nagtaasan talaga balahibo ko.

  "Sorry na Ate Phenny nagulat kasi kami tsaka ang laki nung brief parang higante ang gumamit". Sabay tawanan.

   "Naku Ate Phenny wag ka ngang mura ng mura baka marinig ka nila Sister, sige ka baka mag isang daang aba ginoong Maria ka na naman".

  Napanguso ako sa sinabi ni Jess. Last time na nahuli ako nila Sister na nagmumura halos di na ako patayuin sa harap ng altar. Ang sakit nun sa tuhod akala ko malulumpo na ako.

  "Basta wag nyong ihagis yang mga ganyan sa akin". Pairap akong sumalampak ulit sa semento.

  Nagtawanan lang ang mga dalagita at bumalik na sa mga ginagawa nila. Tinatapon nila yung mga hindi na halos magamit tulad ng panty na butas, gula gulanit na t-shirt, short na parang dumaan sa giyera at mga bacon na briefs.

  Natatawa na lang kami na napapa iling. Ang sabi donations pero parang puro basura binibigay sa amin tapos gusto pa nila kaming magpasalamat ng sobra sobra, mga tao nga naman.

Cronus and Phenny: The Mafia Lord and His Orphan Wife  (Completed) Where stories live. Discover now