31. Fresh

1.4K 30 0
                                    

Cronus POV

  Our morning started with a bang. Literally.

  Gusto ko sanang pagalitan ang mga maids kaya lang nakiusap si Phenny na huwag na daw dahil kasalanan naman nya ang mga nangyari at syempre wala na akong nagawa, my princess asked and I won't say no to her.

  Ipinaligpit ko na lang lahat ng vase na naka display sa bahay and I asked my princess to make another promise na huwag na nyang uulitin ang ginawa nya kanina. I almost die remembering that scene.

  "You should see yourself kanina cousin parang nag quit lahat ng red blood cells mo sa katawan at nagtakbuhan". Biglang tawa nito ng malakas. Aliw na aliw sa mga nangyari habang ako naman muntik ng mamatay sa nerbyos.

  We are heading back down for breakfast. Si Phenny ay nasa baba na binabantayan nila Manang Tacing.

  "Gago!". Sigaw ko ng malakas sa kanya pero di pa rin natinag at lalo pang lumawak ang pagkakangiti.

  "Dapat pala dinala ko yung cp ko para nairecord ko yung scene siguradong pagpipiyestahan ka ng buong clan pag napanood yun. Tapos lagot ka kay Karlo". Sabay tawa ulit ng nakakaloko.

  My cousin Karlo na nasa Dubai ngayon, di pa nya alam ang tungkol kay Phenny. Sinabi ko nga pala sa kanya noon na walang babaeng magpapatiklop sa akin tapos biglang dumating si Phenny, my princess. Para sa kanya nakalimutan ko na ata ang meaning ng NO.

  "Don't tell them yet". Seryoso kong sabi kay Troy.

  "Why?". Nagulat naman nitong tanong.  "They will love her, I'm sure of it". Dugtong pa nya.

  "She's still a minor two months pa bago sya mag eighteen, besides she hasn't fallen for me yet".

  "That sucks man!... But I salute your fighting spirit not to take her yet. But the real question is will she fall for you?". Seryoso na si Troy because he asked the question I don't want to hear and a question I don't know how to answer.

  Natahimik na lang ako. Anong gagawain ko pag hindi nahulog ang loob ni Phenny sa akin. I am certain that I can't live anymore without her. If that time comes I don't know kung ano talaga ang makakaya kong gawin just to stop her from leaving.

  After the incident and after the breakfast Troy and I decided to go for a swim. I have an olympic size swimming pool sa recreation part ng land ko. May basketball court and tennis court sa tabing lugar nito. Inaya ko si Phenny for a swim pero nagulat ako ng rumihistro sa mukha nya ang takot sa pool. Nagtaka man si Troy ay nagawa naman nya akong sabihan na wag ng pilitin si Phenny baka daw may phobia sya sa bodies of water. Sinabihan ko na lang sya na umupo sa bench ilang hakbang mula sa pool, mabuti at pumayag naman.

   Hindi ko pa talaga sya kilala. She's living with me for almost a month pero ang alam ko lang ay ulila na sya and she came from Saint Therese orphanage, apart from that wala na akong ibang alam tungkol sa kanya. I guess it's time to look into her past.

   Troy and I swim back and forth. Everytime I reached the other side of the pool I looked at Phenny and she waves at me. It makes me smile. Nakita kong dumaan si Mika na may dalang juice kausap nya si Phenny habang umiinom. I swim back sa other side kung nasaan naka rest si Troy. Pag ahon ko nawala na si Phenny sa kina uupuan nya.

  "Where's Phenny?". I asked my cousin while he's sunbathing.

  "Sumama sa maid mo. Masaya silang nag uusap kanina tapos sumigaw ng alis muna daw sya". Pikit ang matang sinabi ni Troy.

  Nag isang balik pa ako ng langoy at tsaka umahon na agad.

  "Are you done?". He asked and I nod.

  "Really?... Or are you going to look for your princess!". He grin while asking.

  "Both!". Simpleng sagot ko.

  "Oh come on Cronus, hindi pa nakaka isang oras nawawala si Phenny susundan mo na agad, you're way too overprotective". Hindi talaga nawawala ang ngiting aso ng pinsan kong to. Nakahiligan na nya akong asarin.

  "What can you do, I am a Montague".

  "Fine lover boy.... I really want to see Karlo's reaction when he gets back!". Troy look so amused and it annoys me more.

  Umahon na rin naman ito pagkatapos. Dumiretso kami sa kitchen thinking na baka nandun si Phenny but I only saw Manang Tacing, cooking.

  "Where's Phenny".

  "Di po ba kasama nyo sa pool area?". Balik tanong naman nya sa akin habang takang taka.

  "Where's Mika?". Sya na lang ang hahanapin ko tutal sya ang huling kausap ng prinsesa ko.

  "Nanguha po ng manggang kabayo". It was a Thai mango actually.

  Wearing a wet short and slippers while a bath towel is hanging in my shoulder. I walked where all the Mango tree are planted. Those are Thai mango na pina import ko pa because I love how their sweetness taste. Si Mang Julio ang total caretaker ng mga fruit bearing trees na ipinatanim ko sa lupa ko. From apples, ponkan, persimmon and pears meron ako, even grapes and kiwi. Gusto kong puro fresh fruits ang nakakain ko araw araw.

  Nakarating kami ni Troy kung saan nakatanim ang Thai mango ko, yes this guy can't just leave me alone laging naka buntot sa akin, when I saw Mika running towards us.

  "Mika, where's Phenny?". Agad kong tanong sa kanya.

  "Iniwan ko muna dun sa may punong mangga Sir Cronus, saglit lang po kukuha lang ako ng  hagdan". At tumakbo na ulit ito.

  Pinuntahan namin yung punong sinasabi ni Mika and I looked around but Phenny wasn't there.

  "Phenny where are you?". Malakas kong tawag.

  "Cronus!... Cronus!".

  I followed her voice at pagtingala ko....
  Dear Lord...
  I swear ramdam ko na biglang na drain ang dugo ko...
  My Princess is at the top of the tree waving at me.

 

Cronus and Phenny: The Mafia Lord and His Orphan Wife  (Completed) Where stories live. Discover now