chapter 1

39.8K 752 139
                                    

Mona

Nangingiting pinagmamasdan ko si Amira at si señorito Yñigo habang nagpupunas ng mga plato. Kasalukuyang pinagbabalat ni señorito Yñigo ng hipon si Amira na kabuwanan na. Sino ang magaakalang ang simpleng probinsyana at anak ng katiwala sa hacienda at mansion ay masisilo ang puso ng binatang Alejos na syang tagapagmana ng hacienda. Hay.. parang Cinderella ang talambuhay ni Amira.

"Ate, pwede bang patulong ako mamaya maghanda ng mga gamit na dadalhin sa hospital." Nakangiting untag sa akin ni Amira. Malapit na kasi syang manganak at kailangan ng ihanda ang mga kakailangin.

Kumunot naman ang noo ni señorito Yñigo. "Baby ako na lang tutulong sayo mamaya pag uwi ko." Presinta nito.

"Hindi na, ako na lang. Magpapatulong na lang ako kay ate Mona." Bumaling uli sa akin si Amira. Amira lang ang tawag namin sa kanya dahil ayaw nyang magpatawag ng ma'am at señorita. Oh di ba? Kahit nakakaangat na sya ay nanatili pa ring nasa lupa ang mga paa nya. Nawa'y lahat.

"Walang problema, tutulungan kita." Nakangiting sabi ko.

"Salamat na agad ate." Nakangiti ring sabi nya.

"Sus! Wala yun." Sabi ko.

Wala ng nagawa si señorito Yñigo kundi ang bumuntong hininga na lang. "Basta wag kang magpapagod ha." Malambing na bilin ni señorito at bumaling sa akin. "Mona ikaw na ang bahala sa asawa ko."

"Yes po señorito."

Nang matapos ako sa ginagawa ay nag excuse ako sa kanilang dalawa at bumalik sa kusina kung saan abala ang mga kasama kong kasambahay sa kanya kanyang mga gawain. Ako naman ay maingat na nilagay sa cupboard ang mga pinunasan kong mga plato.

"Hindi pa ba tapos kumain si Amira at si señorito?" Tanong ni Manang Flor na sinasalin sa mga tupperware ang natirang ulam.

"Hindi pa po manang." Sagot ko.

Nahuli kasing kumain ang mag asawa dahil hinintay pa ni señorito Yñigo si Amira na magising. Nakatulog kasi ito pagkagaling sa check up kanina.

"Malapit ng manganak si Amira. Naku, masaya ito! Siguradong may pakain na naman si Don Arseño." Excited na sabi ko. Sa tuwing may magandang balita o magandang nangyayari kasi ay nagpapaluto ng marami si Señor Arseño ang lolo ni señorito Yñigo.

"Kuh ikaw talaga Mona excited lagi sa pakain." Komento ni Manang Lita. Natawa naman ang iba pa naming kasamahang kasambahay.

"Syempre naman manang, makakatikim ulit tayo ng masasarap na pagkain." Sagot ko.

"Lagi namang masarap ang pagkain natin ah, tayo na nga ang nananawa minsan eh." Ani manang Flor.

Totoo naman yun. Dahil kung ano kinakain ng mga amo namin ay kinakain din namin at kapag may sobra ay pwede naming iuwi dahil masasayang lang naman. At ako ang madalas mag sharon cuneta para kay nanay at sa mga kapatid ko.

Hay.. ang hirap talaga ng buhay. Kelan kaya ako makakatagpo ng isang kagaya ni señorito Yñigo na iaahon ako kasama ang pamilya ko sa hirap.

"Ang swerte talaga ni Amira no, nawa'y lahat talaga." Sabi ko.

"Maswerte rin naman si señorito Yñigo kay Amira dahil mabait na bata si Amira." Ani manang Lita. Nagsangayunan naman ang mga naroon.

"Kunsabagay." Mabait naman talaga si Amira. Parang mga ate ang turing nya sa aming lahat lalo na sa akin. Kami kasi ang madalas magkakwentuhan at magkasundo. Dalawang taon lang din naman kasi ang tanda ko sa kanya. Pati rin naman ang mga magulang nya na si Manang Esme at Mang Carlitos ay mababait din naman at maprinsipyo. Kung tutuusin ay pwedeng pwede na silang tumira dito sa mansion para magbuhay hari at reyna. Pero ayaw nila, mas gusto nila sa simpleng bahay nila. Si manang Esme ay nagretiro na sa pagiging mayordoma ng mansion dahil hindi na kaya ng kalusugan at bawal ng magpagod pero nagpupunta pa rin ito dito kapag namimiss si Amira. Si Mang Carlitos naman ay tapat pa ring katiwala sa taniman.

MonalisaWhere stories live. Discover now