chapter 20

22.9K 738 125
                                    

Mona

TAMAD NA tamad ako buong araw at mabigat ang katawan ko. Pero hindi naman pwedeng hindi ako magtrabaho dahil binabayaran ako para magtrabaho. Kaya kahit tamad na tamad ay pinilit kong gawin ang mga dapat kong gawin. Noong isang araw pa ganito ang pakiramdam ko eh. Parang gusto kong nakahilata na lang at kumain.

Kinuha ko ang remote at binuksan ang tv. Umupo ako sa malapad na sofa. Inilagay ko ang throw pillow sa armrest at doon sumandal. Kinuha ko ang bowl na may lamang ensaladang pipino. Bigla kasi akong naglaway sa lasa nito. Katatapos ko lang mananghalian at ito din ang inulam ko. Ewan ko ba pero hinahanap hanap ko ngayon ang lasang maasim asim. Mamaya nga bababa ako para bumili ng kending sampalok saka mang juan. Ganito kasi ako kapag malapit ng magkaroon. Delay pa nga ako eh.

Ng maubos ko na ang laman ng bowl ay nilapag ko muna ito sa lamesita. Medyo nakakaramdam ako ng antok. Ini-slide ko ang katawan at tuluyan ng nahiga. Tiningnan ko ang oras sa wall clock. Mag a-alas dos pa lang ng hapon kaya may oras pa akong matulog. Hindi ko na pinatay ang tv at hininaan ko na lang hanggang sa tuluyan na akong ginupo ng antok..

Naalimpungatan ako at kumamot sa pisngi. Tiningnan ko ang oras sa wall clock. Alas kwatro y medya na ng hapon. Inaantok pa rin ako at tinatamad bumangon. Kalahating oras pa.. Tumagilid ako ng higa at kinuha ang isang throw pillow at niyakap..

"Mona."

Nananaginip akong parang may tumatawag sa pangalan ko at tumatapik sa pisngi ko.

"Mona."

"Hmm.." Ungol ko at pinalo ang kamay na tumatapik sa pisngi ko.

"Mona wake up." Makulit ang boses na tumatawag sa akin pati na ang kamay na tumatapik sa pisngi ko.

"Ano ba, natutulog pa yung to eh..parang tanga naman.." Nakapikit na angal ko at kumamot kamot sa pisngi.

"Ah ganun? Ako pa talaga ang tanga?"

Dinig kong boses ni sir Edward. Antok na dinilat ko ang mata. Nakatayo sya sa harap ko at nakapamewang habang salubong ang kilay. Bakit pati sa panaginip ko ang sungit sungit nya?

"Sir Edward.." Sambit ko sa pangalan nya at muling pumikit.

"Mona, gumising ka na nga. Gabi na natutulog ka pa. Hindi ka pa nakapagluto." Pasermon na sabi ni sir Edward at sinamahan na ng yugyog sa braso ko.

Muli kong dinilat ang mata at ginala ang paningin sa loob ng sala hanggang sa dumako sa mukha ni sir Edward na nakasambakol na. Nanlaki ang mata ko ng magpagtantong hindi na ako nananaginip.

"Sir Edward!" Bumalikwas ako ng bangon at inayos ang nagulong buhok. "Ang aga mo yatang dumating."

"Anong maaga? Pasado alas syete na at naabutan kitang mahimbing na natutulog. At hindi ka pa nakakapagluto."

Napatayo ako sa sinabi nya. "Ay oo nga! Sorry sir Edward! Magluluto na po ako." Natatarantang sinuot ko ang tsinelas ko.

"Wag na, magpapadeliver na lang tayo." Aniya sa matigas na boses at umiling iling. Hinugot nya ang cellphone sa bulsa at tumawag sa isang kilalang restaurant.

Nakagat ko naman ang labi. Nakakahiya naabutan nya akong natutulog at hindi pa nakakapagluto. Hay! Nakakahiya ka talaga Mona!

"S-Sorry po sir Edward, napasarap ang tulog ko."

"Mukha nga." Turan nya at tumalikod na.

Kagat labing sinundan ko na lang sya ng tingin habang paakyat ng hagdan. Tahimik namang kinagalitan ko ang sarili dahil sa katamaran ko. Tulog pa more Mona. Mawawalan ka ng trabaho sa ginagawa mo.

MonalisaWhere stories live. Discover now