chapter 9

18K 556 76
                                    

Mona

6 months later..

"Ate, pwede ba akong makahingi ng dagdag baon?" Hirit ni Echo na siningit ang mukha sa screen.

"At bakit?" Nakataas ang kilay na tanong ko.

"May bibilhin kasi ako ate eh." Kakamot kamot sa ulong sabi nito.

"At ano naman yun?" Usisa ko habang sumusubo ng tsitsirya.

"Basta."

"Anong basta? Hoy Echo, ang bata bata mo pa baka nanliligaw ka na ha. Pag aaral muna atupagin mo saka na yang ligaw ligaw na yan kundi babawasan ko baon mo." Banta ko sa kanya. Dinuro ko pa sya sa screen. Naku, kung makakalusot lang ang kamay ko kutusan ko to eh.

"Si ate naman, wala pa akong nililigawan . Nagaaral akong mabuti." Nakangusong sabi nito.

"Mabuti naman, eh para saan yung dagdag baon na hinihingi mo?" Mainam na yung maging mausisa baka mamaya sa walang kabuluhan pa nya gamitin ang pera gaya ng sugal. Pero sure naman akong matino tong kapatid ko. Usisera lang talaga ako.

"Eh kasi.." Tila nahihirapang sabi nito.

"Nag iipon kasi yan ate pambili ng bike, para hindi na raw sya mamasahe at maglakad papasok at pauwi." Singit ni Paulina na kanina pa nakikinig sa amin ni Echo. Siniko pa sya nito at sinita kung bakit sinabi.

Bumagal naman ang pagsubo ko ng tsitsirya. Nakaramdam ako ng awa sa kapatid ko. Syempre minsan kapag kapos ang baon niya ay napipilitan na lang maglakad papasok at pauwi.

"Ganun ba, magkano na ba ipon mo para sa bike?"

"850 pa lang ate, 1700 yung bike sa bayan na nakita ko na second hand. Maganda sya ate bagong bago pa ang itsura." Sabi nito. Halata sa boses na excited na itong magkabike.

"O sige, bukas ipapadala ko sa gcash ni Paulina ang 1k bilhin mo agad ang bike."

"Talaga ate?" Namilog ang mata nito sa tuwa.

"Oo, basta ingatan mo yun ha para hindi madaling masira."

"Oo ate! Iingatan ko talaga yun. Yes! Magkaka-bike na ako! Salamat ate! Labyu!" Paglalambing pa nito.

Natuwa naman ako sa reaksyon nito. Basta makita ko lang silang masaya ay nawawala na ang pagod ko.

"Wag mo kong daanin sa aylabyu, mag aral kang mabuti."

"Oo naman! Pramis hindi kita bibiguin."

Tumango tango na lang ako. Hanggang sa nawala na ang mukha nya sa screen at pumalit ang matabang mukha ni Tantan na nanghihingi din ng dagdag baon pang recess nya. Umoo na lang ako. Natutuwa din akong makita ang mataba nyang mukha. Ang sarap pisilin. Ang bilis nyang tumaba. Ibig sabihin sagana sila sa pagkain. Maging si Otep na sumingit din ay medyo nanaba din. Umuungot din ito ng dagdag baon. Umoo na lang din ako. Atleast hindi pa sya umuungot ngayon ng bike. Parehas pa silang nasa elementarya ni Tantan kaya sabay silang pumapasok at umuuwi. Malapit lang din sa bahay ang eskwelahan kaya nilalakad na lang nila. Hindi gaya ng eskwelahan ni Echo na medyo malayo kaya kailangan mamasahe. Si Paulina naman ay sa bayan ang eskwelahan. Medyo malapit at pwede rin lakarin.

"O ikaw, hindi ka hihingi ng dagdag baon?" Untag ko kay Paulina nang sya na lang ang nasa screen. Malamang ay nasa labas na ang dalawa at tinawag na ng kalaro. Si Echo naman ay nagsisibak daw ng kahoy.

"Ano ate.."  Nahihiya pang sabi nya.

Tinaasan ko sya ng kilay.

"Hindi naman baon ate, load lang. Mag e-expire na kasi to eh hehe."

MonalisaWhere stories live. Discover now