chapter 39

21.2K 639 91
                                    

Mona

HIMAS HIMAS KO ang magwawalong buwan kong tiyan habang ngumunguya ako ng hopiang ube. Prente akong nakaupo at nakasandal sa sofa at nanonood ng paborito kong dramarama sa hapon. Dapat natutulog na ko kaya lang hindi ako makatulog. Ang likot kasi ni baby eh. Palibhasa lalaki. Manang mana sa amang matulis. Malikot. Kaya nga minsan hirap na akong humiga eh. Lagi pa akong gutom. Sabi ni nanay pag lalaki daw ang baby mo sa tiyan lalakas ka talagang kumain. Kaya heto nananaba ako. Namumula ang ilong ko at nagiging hugis siopao na ang mga kamao ko. Paano ba naman wala na akong ginawa kundi kumain at matulog. Sa umaga ay sinasamahan ako maglakad sa baba ni ate Weng kapag hindi pwede si Edward. Simula noong dinugo ako ay hininto ko na rin ang pagluluto ayon na rin sa payo ni doctora. Syempre hindi na ako nakipagmatigasan kahit nanghihinayang ako. Mas importante ang kalagayan namin ni baby. Nalungkot lang ang mga suki ko dahil wala na silang pagbibilhan ng mura pero naiintindihan naman nila.

Marami ding nangyari sa mga nakalipas na buwan. Pagkatapos makulong ni ma'am Clea ng isang buwan ay inurong na ni Edward ang kaso dahil na rin sa pakiusap ko. Ayoko kasing may aalahanin habang lumalaki ang tiyan ko. Baka mastress lang ako. Ang balita ko na lang ay nasa ibang bansa na sya kasama ang mga magulang nya. Ang chika sa akin ni Elaine ay hindi na daw kinaya ng mga magulang ni ma'am Clea ang kahihiyan kaya napagdesisyunan na lang sa ibang bansa manirahan. Ayos na rin yun para hindi na rin sya manggulo. Kami naman ni Elaine ay close na. Parehas nga kaming makulit at sya minsan ang madalas kong kachat. Nasa New York na ulit sya para mag aral. Mabait din naman sya kahit medyo may pagka spoiled brat. Pinakita na rin sa akin ni Edward ang bahay na titirhan namin pagkapanganak ko. Hindi sya ganun kalaki, katamtaman lang. Kumpleto na sa lahat ng gamit. Gaya ko ay ayaw din nya ng sobrang malaking bahay na halos hindi nagkikitaan ang mga nakatira. Maganda ang disenyo ng bahay at pinaglagyan nya iyon ng limang kwarto. Isang master bedroom para sa aming dalawa at apat naman para sa mga anak namin. Apat na anak kasi ang gusto nya at kung lalampas pa daw sa apat e di masaya! Kagaling ano? Akala mo sya ang magbubuntis at manganganak.

Napangiwi ako ng muli na namang lumikot si baby sa tiyan. Noong unang gumalaw sya sa loob talagang nagulat ako. Kakaiba sa pakiramdam. Masarap, masaya at nakakakaba. Naalala ko pa ang hitsura noon ni Edward ng sabihin ko sa kanya. Talagang inabangan nya ang tiyan kong gumalaw ulit. Akala mo nanalo ng lotto ng maramdaman nyang gumalaw si baby. E ngayon medyo napapadalas na ang galaw ni baby na syang ikinatutuwa nya. Ang sabi ni doktora ay mas magiging malikot pa daw ito pagdating ko ng kabuwanan. At hindi naman halatang sobrang excited ni Edward dahil kumpleto na ang lahat ng gamit ng baby boy namin. Mula sa barubaruan, pranella, feeding bottle at kung ano ano pa. Pati nga mga laruan at bike meron na at nakalagay na ito sa magiging kwarto ni baby sa lilipatan naming bahay. Pati pangalan nakaisip na rin sya. Sya na ang pinag isip ko dahil lalaki.

NAPAPANGITI AT natatawa ako habang pinapanood si Edward na hinahaplos ang bilog kong tiyan na parang bolang crystal. Kinakausap pa nya ito.

"Ang laki na ng tiyan mo wife, para kang nakalunok ng pakwan." Natatawang komento nya habang hinahaplos ang tiyan ko.

"Ang sabi ni doktora lalaki pa daw yan." Sabi ko at sinuklay ng daliri ang buhok nya.  Ngunit napasinghap ako ng tila sumipa si baby at mukhang naramdaman yun ni Edward dahil nanlaki ang mga mata nya. Tumingin sya sa akin at tumawa.

"Ang likot ni baby." Bulalas nya at hinaplos ang parte ng tiyan kong gumalaw.

"Oo mana sayo." Nakangising sabi ko.

Tinaasan nya ako ng kilay. "What do you mean?"

Ngumuso ako. "Mana sya sa'yo. Malikot ka rin kasi kaya nga sya nabuo eh."

Tumawa sya sabay pisil sa ilong ko. "At sana manahin din nya ang kapogian ko."

Ngumisi ako. "Ang yabang natin sir ah!" Buyo ko sa kanya.

MonalisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon