chapter 6

18K 639 155
                                    

Mona

"Sinasabi ko na nga ba eh! Ikaw ang bagong babae ni Ed no? At talagang dinala ka pa nya dito sa penthouse!" Tungayaw ng babaeng bigla na lang sumulpot.

Nagpalinga linga ako. Wala namang ibang tao dito maliban sa aming dalawa.  Bumalik ang tingin ko sa kanya.

"Ako?" Tinuro ko ang sarili.

Tila parang uusok na ang ilong ng babae sa galit.

"Oo, ikaw nga! Malandi ka!" Hinagis nya sa sofa ang shoulder bag nya at parang susugod sa gyera na lumapit sa akin. Tumaas ang kamay nya at bigla akong sinabunutan.

"Aray!" Daing ko sa higpit ng hawak nya sa buhok ko. Mas mataas sya sa akin dahil sa mataas na takong na sandals ng sapatos nya.

"Malandi ka! Ang kapal ng mukha mo! Hindi mo ba alam na may girlfriend na ang lalaking nilalandi mo! At talagang sumama ka pa dito sa penthouse nya!" Tungayaw nya habang winawagwag ang ulo ko.

Ay putangina! Sino ba tong baliw na to? Ang sakit na ng anit ko ha!

Ng hindi na ako makatiis ay hinablot ko na rin ang bubok nya at gumanti na ng sabunot. Kala nya uurungan ko sya ha! Yung demunyintang ex nga ni señorito Yñigo di ko inurungan eh, sya pa kaya. Di ako pinalaki ng nanay ko na maging apiapihan.

"Ouch! You bitch! You ugly bitch! Let go of my hair! Kakatreatment ko pa lang nyan!" Daing nya. Lumuwang na ang hawak nya sa buhok ko at hinawakan na ang kamay ko para tanggalin sa pagkakasabunot sa buhok nya.

"Ugly bitch pala ha! O eto sa'yo!" Tinulak ko sya. Sumalampak sya sa carpeted na sahig.

"Baliw!" Singhal ko sa kanya habang inayos ko ang nagulo kong basang buhok.

Galit ang mukhang bumaling sya sa akin. "Hindi ako baliw! Malandi!" Mabilis nyang hinubad ang sandals at binato sa akin ang isa.

Alerto ko naman itong nailagan pati na ang kapares an binato din nya. Nakayapak na tumayo sya at muling sumugod sa akin. Mabilis naman akong tumakbo paikot sa mahabang sofa.

"Lumapit ka dito! Kakalbuhin kitang malandi ako!" Sigaw nya habang hinahabol ako.

"Hindi ako malandi! Ikaw baliw!" Inikot ikot ko pa ang daliri sa tenga sabay tawid sa kabilang sofa. Hinabol naman nya ako.

"Layuan mo ang boyfriend ko! Walanghiya ka! Malandi! Makati!" Tuloy tuloy na tungayaw habang hinahabol ako. Tumawid din sya sa headrest ng sofa.

Mabuti na lang champion ako sa habulan noong bata pa. Baliw nga siguro tong babae na to. Nakakatakot! Pa'no kaya sya nakapasok? Nakalimutan siguro ni señorito Edward i-lock ang pinto kagabi.

"What the hell is going on here?"

Napalingon kami ng sabay sa dumadagundong na malaking boses. Si señorito Edward na nakapamewang at kunot na kunot ang noo. Agad akong tumakbo palapit sa kanya.

"Señorito Edward, may baliw na nakapasok!" Sumbong ko sa kanya at tinuro ang babaeng hinihingal na kakahabol sa akin. Dinuro pa nito ako. Nagtago ako sa likuran nya.

"Hayan señorito! Nakakatakot talaga sya!"

"Clea." Sambit ni señorito Edward na nakatingin sa babaeng baliw. Bumuntong hininga pa sya.

Natigilan naman ako. Kilala nya tong babaeng baliw?

Lumapit ang babae na masama ang tingin sa aming dalawa. Napasinghap ako ng pagsusuntukin nito sa dibdib si señorito Edward.

"How dare you Ed!? Talagang dinala mo pa dito yang babae mo! Kaya pala hindi ka dumiretso sa condo ko kagabi.   Napakasinungaling mo! Sabi mo wala kang babae tapos heto at inuwi mo pa! How dare you! How dare you! I hate you!"

MonalisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon