chapter 14

20.8K 684 131
                                    

Edward

DINAMPOT ko ang cellphone kong nag iingay. Si mama ang tumatawag kaya agad ko itong sinagot.

"Hello ma." Inipit ko sa pagitan ng tenga ang cellphone habang nililigpit ko ang mga papeles at sinalansan sa gilid ng table.

"Edward anak, totoo ba tong nabalitaan ko?"

Kumunot ang noo ko. "Ang alin ma?"

"Hiwalay na daw kayo ni Clea."

Napakamot ako sa kilay. Paano naman kaya nya nalaman?

"Yes ma." Sagot ko na lang.

"Talaga? Aba'y kelan pa? Bakit hindi mo sinabi sa kin?"

Ayoko na sanang pagusapan ang tungkol sa amin ni Clea. Pero si mama na kasi ang nagtatanong at hindi nya ako titigilan sa kakatanong.

"Mag iisang buwan na ma." 

"Ganun na katagal? Tama nga ang chismis sa akin ng kumare ng amiga ko. Mabuti naman at nauntog ka na anak. Naku! Wag mo ng babalikan ang babaeng yun ha! Hindi sya ang para sa'yo. Marami pa namang babae dyan ang matino."

Napangiti at napailing na lang ako sa sinabi ni mama. Hindi halata sa boses nyang natutuwa sya na hiwalay na kami ni Clea. Napangisi ako.

"Yes ma."

Kung ano ano pa ang binilin ni mama pero alam ko naman na kaya lang sya napatawag ay para kumpirmahin ang chismis sa kanya. Mukhang napapabarkada na si mama sa mga chismosa. Hindi naman na ako magtataka kung paano nya nalaman dahil nasa iisang sirkulo lang naman ang mga kagaya naming nasa alta sosyedad.

Tinawag ko ang secretary ko para kunin na ang mga papel na napirmahan ko na. Nagpaalam na rin akong uuwi dahil nakaramdam na ako ng gutom.

Ano kayang ulam ang niluto ni Mona?

Mona

PAGPASOK ko sa entrance ay nakipag tanguan pa ako sa tatlong gwardya na nakatalaga. Nagtapon kasi ako ng basura at kailangan ko ng bumalik sa taas dahil anumang oras ay dadating na si sir Edward. Pero hindi pa ako nakakailang hakbang ay may naulinigan akong komosyon.

"Naku nandito na naman si ma'am Clea, ang kulit talaga." Sabi ng isang gwardya na si Mang Gilbert.

"Inabangan talaga nyan ang pagdating ni ser." Ani kuya Caloy.

"Ayan na nga si ser." Segunda naman ni Mang Dodi.

Lumapit ako sa kanila at nakiusyoso. Tiningnan ko ang tinitingnan nila. Si ma'am Clea na hinarang ang kotse ni si Edward na papasok na sa parking garage. Napasinghap pa ako dahil muntik na syang mahagip ng nguso ng kotse. Hindi sya umalis at kinakalampag ang hood ng kotse. Napapatingin na rin ang ilang mga nakatira sa condominium na papasok.

Maya maya pa lumabas na si sir Edward at inis na hinarap si ma'am Clea. Mukhang nag aaway na naman sila. Ngayon ko na nga lang ulit nakita si ma'am Clea eh. Ano kayang ganap sa kanilang dalawa?

"Kaya kayong dalawa, maging alerto kayo ha. Baka makalusot yan si ma'am Clea sa loob yari tayo kay ser Edward. Sabihan nyo rin ang iba." Paalala ni Mang Dodi sa dalawang gwardyang kasama.

Na curious tuloy ako. "Mga manong, anong meron? Bakit bawal pumasok si ma'am Clea.?"

Lumingon sa akin ang tatlo.

"Hindi namin alam, basta mahigpit ang bilin sa amin ni ser Edward na wag na wag syang papapasukin kundi tanggal kami sa trabaho." Sagot ni kuya Caloy.

Napaawang ang labi ko sa sinabi nya. Kaya pala hindi ko na nakikita si ma'am Clea dahil ban sya dito sa condo. Mukhang matindi nga ang away nila ah.

MonalisaWhere stories live. Discover now