chapter 35

21.6K 642 101
                                    

Mona

TUMIKHIM AKO para kunin ang atensyon ni Edward. Nasa hapag kainan kami at kasalukuyang kumakain ng hapunan.

Nag angat sya ng tingin sa akin at kumunot ang noo.

"Nag video call kami ni nanay kanina, sinabi nya sa akin binigyan mo sila ng ATM."  Sabi ko sabay subo ng kutsara.

Tumango tango naman sya pero hindi nagsalita at binalik ang atensyon sa pagkain.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Nakataas ang kilay na tanong ko.

Muli syang nag angat ng tingin sa akin. "Dahil alam kong tatanggi ka lang."

Napanguso ako. "Dapat sinabi mo pa rin sa akin."

"Tapos paga-argumentuhan na naman natin."

"Eh kasi.. parang sobra sobra na yung tulong mo sa pamilya ko." Halos pabulong na sabi ko.

"Pamilya natin." Pagdidiin nya. "At saka hindi sobra sobra yun, kulang pa nga yun." Dagdag nya sabay subo ng kutsarang punong puno ng kanin.

"Sige na nga, pero tama na yun ha." Sabi ko sa kanya. Baka mamaya ipagawa pa nya ang bahay namin eh.

Tumingin sya sa akin at ngumisi lang.

Nginusaan ko naman sya. "Seryoso ako."

Nagkibit balikat lang sya at pinagpatuloy ang pagkain.

***

NGINGITI NGITI ako habang nakasakay sa elevator pabalik ng penthouse. Nakasabayan ko pa kanina ang isang kasambahay na umorder din sa akin ng ulam. Nagchikahan pa kami sa loob ng elevator at ang lakas ng tawa namin. Sinaway pa kami ng isang matandang nakasabayan namin.

Pakanta kanta ako habang binubuksan ang pinto ng penthouse. Sana palaging ganito, araw araw malakas ang benta sa ulam. Hay.. parang gusto ko ng magtayo ng karinderya.

"Saan ka galing?"

"Ay talong mong malaki!" Tili ko sa gulat. Nanlaki pa ang mata ko ng makita si Edward sa gitna ng sala na nakapamewang at matiim na nakatingin sa akin.

"Edward! Anong ginagawa mo dito? Di ba may pasok ka?" Magkasunod na tanong ko. Pasimple kong tinago ang nakatuping eco bag sa likod ko.

"May pinuntahan lang ako at dumaan na ako dito." Aniya na matiim pa rin ang tingin sa akin.

"Ah ganun ba, kumain ka na ba?" Tanong ko sa kanya. Kinakabahan na kasi ako sa tinginan nya.

"Tinatawagan kita kanina pero hindi ka sumasagot." Sa halip ay sabi nya. 

Napasinghap ako sabay kagat labi. Paktay! Naiwan kasi yung cellphone ko dito kanina.

"Ah ano kasi -- "

"So saan ka galing?" Tanong ulit nya at dinampot ang cellphone kong nakalapag sa lamesa at binuksan pa ito. Mukhang kanina pa sya nandito at malamang ay tiningnan ang cellphone ko.

Napapikit ako ng mariin at napangiwi. Huli na ako.

"Ano.. sa baba ako galing." Halos pabulong na sabi ko.

"Anong ginawa mo sa baba?" Mababa at malamig ang boses na tanong nya. Halatang hindi natutuwa.

"Ano.. nag aano.."

"Nagtitinda ka ng lutong ulam ng hindi ko alam." Pagtatapos nya sa sasabihin ko.

Napalunok ako at napakamot sa pisngi sabay tango. Napayuko na lang ako.

Narinig ko namang bumuga sya ng marahas na hininga. "Ni hindi mo man lang sinabi sa akin na yan pala ang ginagawa mo? Lumalabas ka ng hindi mo sinasabi sa akin. Samantalang araw araw akong nagpapaalala sayo na sabihin sa akin kapag lalabas ka."

MonalisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon