chapter 10

20K 585 95
                                    

Edward

NAGISING akong pawis na pawis. Nasa loob pa rin ako ng library. Naalala ko kagabi na hindi ko na kayang umakyat pa sa kwarto dahil nanghihina ang katawan ko kaya dito na lang ako sa sofa natulog. Hindi rin ako nakakain kagabi kaya ramdam ko ang gutom ngayon.

Iginala ko ang mata hanggang sa mapadako sa kaharap na sofa kung saan nakaupo si Mona at natutulog na nakayukyok sa armrest habang bahagya pang nakaawang ang bibig. Napakunot ang noo ko. Bakit nandito sya?  Bumangon ako. Ramdam ko pa rin ang panghihina ng katawan ko. Doon ko napansin ang kumot na gamit ko pati ang unan. Napansin ko rin ang stainless na plangganita na may laman pang tubig at bimpo. May baso din na may kaunting lamang tubig ang nakapatong sa lamesita, sa tabi nito ay may may isang banig ng gamot na bawas na at thermometer. Kumunot ang noo ko. Doon ko naalala na ginigising ako ni Mona kagabi at pinapainom ng gamot. Pinupunasan din nya ako ng basang bimpo.

Tiningnan ko sya sa kaharap na sofa. Inalagaan pala nya ako kagabi at hindi iniwan. Gumuhit ang ngiti sa labi ko. Dati kapag nagkakasakit ako walang nakakaalam. Hindi ako nagsasabi dahil ayokong inaalagaan ako na parang bata. Pero kagabi inaalagaan ako ng makulit at madaldal na babaeng to. I wonder kung kaya din akong alagaan ni Clea ng ganito. Ayaw nya kasing dumikit sa akin kapag may sakit ako, baka daw mahawa sya. Well may punto naman sya pero nakakatampo din minsan. Kaya kapag may nararamdaman ako di na lang ako nagsasabi sa kanya.

Kumunot ang noo ko ng maging malikot ang ulo ni Mona at kumunot pa ang noo. Gumagalaw pa ang labi nya na tila may gustong sabihin hanggang sa umuungol na sya.

"S-Sir Edward.."

Mas lalong kumunot ang noo ko ng sambitin nya ang pangalan ko. Nanaginip yata sya at ako ang napapaniginipan nya? Napangisi ako. Ano naman kayang klaseng panaginip yun?

"Sir Edward!"

Nahulog sya sa sofang kinauupuan at tuluyang nagising sabay mura ng malutong. Napapikit na lang ako ng mariin.

"Ayos ka lang."Tanong ko sa kanya.

Noon lang nya ako napansin. Agad syang tumayo at natatarantang lumapit sa akin.

"Sir Edward ayos lang kayo? Grabe ang sama ng panaginip ko. May babaeng halimaw sa banga at kinukuha daw kayo. Nakipagsabunutan pa nga ako sa babaeng halimaw para hindi kayo makuha at kainin, tapos pag angat nya ng mukha si ma'am Clea pala. Ang sama talaga ng mukha -- este ng panaginip ko." Pagkukwento nya sa panaginip nya.

Ewan ko kung totoo ba yung panaginip nya o gawa gawa lang nya. Pero mukha namang nanaginip talaga sya. Alam ko naman kasi na hindi sila magkasundo ni Clea dahil lagi syang sinusungitan nito.

"Kung ano ano kasi ang pinapanood mo eh." Sita ko sa kanya.

Napakamot lang sya ng ulo. Lihim naman akong napangiti. Para syang bata kapag bagong gising. Gulo gulo ang buhok at naniningkit pa ang bilugang mata.

"Eh sir, kamusta na po pala pakiramdam nyo?" Biglang nag iba ang tono nya. Punong puno ng pagalala. Magsasalita na sana ako pero nabitin lang sa ere dahil hinipo hipo ng kamay nya ang noo at leeg ko. Pakiramdam ko ang init ng mukha ko. Shit!

"Medyo mainit init kayo ng kaunti sir, teka." Kinuha nya ang thermometer at walang sere-seremonyang sinuksok sa bibig ko. Sinamaan ko sya ng tingin. Ngumiwi lang sya at nag peace sign. Nang tumunog na ay kinuha nya ito at tiningnan.

"37.5 may lagnat pa nga kayo. Pero kumpara kagabi medyo ayos na kayo ngayon at di na nangangaligkig sa ginaw." Tiningnan nya ang oras sa wall clock at nagbilang sa daliri.

"Alas otso pa uli kayo iinom ng gamot. Nagugutom ba kayo? Anong gusto nyong kainin?" Sunod sunod nyang tanong.

Kinuha pa nya ang bimpo at pinunasan pa ang pawisan kong mukha at leeg. Nailang naman ako kaya kinuha ko ang bimpo sa kamay nya at ako na lang ang nagpunas ng pawis ko.

MonalisaWhere stories live. Discover now