chapter 5

19.1K 604 84
                                    

Mona

Para akong hilong talilong ng makapasok na kami sa isang malaking kwarto na parang isang malaking bahay sa loob at may second floor pa. Halos puro salamin at kita ang mga nagkikislapang ilaw mula sa mga building at  establishment sa labas. Nakakamangha. Puti at gray ang halos makikitang kulay mula sa pintura at mga kagamitan. Ganitong ganito yung mga penthouse na nakikita ko sa mga magazine na nakikita ko sa library sa mansion. Maganda, sosyal, elegante at halatang mamahalin. Pero hindi ko masyadong maappreciate dahil hilong  hilo ako at parang bumabaligtad na ang sikmura ko.

"Follow me." Utos nya sa akin.

Sumunod naman ako sa kanya. Huminto kami sa isang pinto na nasa tabi ng hagdan. Binuksan nya ito.

"Ito ang magiging kwarto mo, magpahinga ka muna. Bukas na lang kita ibi-briefing."

Nilibot ko ang mata sa loob ng kwarto. Malaki ang kwarto at puting puti. May square na parang chandelier na ilaw sa kisame. May bintana na natatabingan ng puting kurtina. Excited na tuloy akong hawiin ang mga kurtina at tingnan ang nasa labas. May kalakihan din ang kama at puting puti din ang sapin at mga unan. Parang nakakatakot higaan at baka madumihan. Kulay gray naman ang alpombra sa sahig na malambot tapakan.

Nalukot ang mukha ko at mariing nilapat ang labi ng tila may umahon sa sikmura ko.

"Señorito nasaan po ang banyo?" Nilibot ko ang mata sa loob ng kwarto.

Tinuro nya ang pinto na nasa dulo ng kama. Di ko napansin kanina, puti din kasi ang pintura eh. Nang parang babaliktad na ang sikmura ko ay agad kong nilapag ang bitbit kong duffel bag at mabilis na hinubad ang nakasukbit kong bag at nilapag sa kama. Halos patakbong tinungo ko ang banyo at binuksan. Hinagilap ko agad ang inidoro at binuksan ang takip at doon ko nilabas ang sama ng loob ko. Nilabas ko ang lahat ng kinain ko kaninang hapunan. Parang hinahalukay ang sikmura ko. Kanina ko pa to naramdaman noong sumakay kami ng helicopter. Alam ko namang sa helicopter kami sasakay dahil yun ang sinabi ni ma'am Noemi. Pero di ko akalain na mahihilo pala ako. Pinigilan ko lang sumuka. Mas lumala pa ng lumapag kami sa isang mataas na building at sumakay ng elevator pababa. Tapos sumakay sa isang kotse at bumiyahe papunta sa mataas na building na ito at sumakay uli ng elavator. Kaya heto, hilong hilo ako.

"Are you ok?" Dinig kong tanong ni señorito Edward.

Pinahid ko ng likod ng kamay ang gilid ng labi ko at lumingon sa kanya. Nakakunot noo sya at bakas sa mukha ang pag alala.

"O-Ok lang po ako señorito, nahilo lang ako sa helicopter at sa elevator." Hinang hina na sabi ko.

"Bakit hindi mo sinabi na mahiluhin ka pala?" Pasita nyang tanong.

"Eh hindi ko naman po alam eh, kanina lang ako nakasakay ng helicopter at elavator." Katwiran ko at muling dumuwal.
Parang lalabas na ang bituka ko.

Hinang hina na ang pakiramdam ko kaya sumalampak na ako sa tiles na sahig ng banyo. Pinihit ko ang flash. Hindi ko na rin nakita si señorito Edward. Siguro ay nandiri na sa akin.

Ngunit mayamaya lang ay muling pumasok sa banyo si señorito Edward at may dalang isang baso ng tubig at puting tuwalya.

"Heto maligamgam na tubig inumin mo para guminhawa ang sikmura mo." Sabay abot nya sa akin ng baso.

Nanginginig ang kamay na kinuha ko ito. Inalalayan naman nya ako sa paginom dahil nanginginig ang kamay ko. Guminhawa nga ng kaunti ang sikmura ko. Halos makalahati ko ang baso.

"Ok na?" Tanong nya.

Tumango tango ako. "Salamat po." Sabi ko at nanginginig ang tuhod na tumayo.

Hinawakan naman nya ako sa braso para alalayang tumayo. Muntik pa akong mapapitlag dahil sa init ng kamay nya. Bigla ding bumilis ang pintig ng puso ko. Inabot nya sa akin ang hawak na puting tuwalya. Kinuha ko naman ito at pinunasan ang bibig at pawisang mukha at leeg.

MonalisaWhere stories live. Discover now