chapter 29

21.8K 744 178
                                    

Mona

AKMANG BIBITAW AKO sa hawak ni Edward ng higpitan naman nya ang hawak sa kamay ko. Nilingon pa nya ako at kinunutan ng noo. Napalunok ako ng mas umasim pa ang maasim ng mukha ni ma'am Clea. Mabuti na lang at hindi pa ako naglilihi.

"Sya ba? Sya ba Edward ang pinalit mo sa akin? Tama ba ang sinabi sa akin ni Elaine na nagpakasal ka na at sa babaeng ito pa!" Asik ni ma'am Clea at dinuro pa ako.

Napakagat labi naman ako dahil pinagtitinginan kami ng mga dumadaan. Pati ang mga security personnel na ka-close ko ay nakatingin din sa amin. Malamang ay naririnig nila ang sinasabi ni ma'am Clea. Kaboses pa naman nito yung babaeng halimaw na announcer sa anime na Ghost Fighter.

Tinabig ni Edward ang kamay nito. "Don't you dare point your finger to my wife." Mabalasik na sabi ni Edward dito.

Pagak naman itong tumawa. "At talagang proud ka pa. Pinagpalit mo lang ako sa katulong."

Narinig ko naman ang bulungan ng mga usisero at tumingin pa sa akin ng mapanghusga. Napayuko na lang ako at sumiksik sa tagiliran ni Edward.  Nakakahiya! Baka iniisip nila na totoo ang sinasabi ni ma'am Clea.

"Pwede ba Clea? Wag ka ngang mag eskandalo dito! Nakakahiya!" Mahina pero madiin ang pagkakasabi ni Edward. Nasa tono na ng boses nya ang inis at gigil sa kaharap.

"Huh! Dapat ka lang mahiya Edward! Edward Serrano Alejos, apo ng mayamang haciendero. Anak ng kilalang mayamang negosyante. May ari ng high class na condominium na ito pero walang ka-class class sa piniling babae na ipapalit sa akin." Malakas ang boses na tuya ni ma'am Clea. Talagang pinaririnig nya sa lahat ng mga naroon. Nakita ko pa ngang may ilang naglalabas ng cellphone para i-video kami pero agad din yung sinawata ng mga security.

Narinig ko namang mahinang napamura si Edward. Ako naman ay hinihiling na bumuka ang lupa at lamunin ako. O pwede ding si ma'am Clea na lang ang lamunin.

"Hindi kita pinagpalit dahil unang una sa lahat wala na tayo bago naging kami ni Mona. O baka gusto mo ring ipagsigawan ko dito na kaya kita hiniwalayan dahil nahuli kitang may kasamang lalaki sa loob ng hotel."

Napaangat ako ng mukha at napasinghap sa sinabi ni Edward. Pati na rin ang mga taong nakiusyoso ay napasinghap din at kanya kanya ng bulungan. Namutla naman si ma'am Clea.

"Ay kaya naman pala."

"Dasurb ipagpalit."

"Ang gwapo gwapo ni sir Edward nakuha pa nyang magloko."

"Baka naman nagpapalusot lang si sir Edward. Matagal na kaya sila ng girlfriend nya."

"Hindi rin. Naniniwala ako kay Mr. Serrano. Madalas ko kayang makita yang girlfriend nya sa mga club kasama ang kaibigan nya. May kasayaw at kainuman syang lalaki, sobrang dikit nila.

"Ay malala nga!"

"Correction. Hindi na nya girlfriend yan ex na, may kasama ng iba si Mr. Serrano oh."

"At infairness, maganda rin naman yang atsay na pinalit."

Napakagat labi ako sa mga naririnig na mga bulong bulungan. Totoo kaya yung sinabi ni Edward? Kaya sila naghiwalay dahil nahuli nyang nanlalaki tong si ma'am Clea? 

Naging maamo naman bigal ang mukha ni ma'am Clea. "See? L-Lumabas din ang totoo. Ginagamit mo lang yang katulong mo para gantihan ako. Babe, wala na kami Gabriel hiniwalayan ko na sya."

"What are you talking about? Hindi ko ginagamit si Mona para gantihan kita. Wala na akong pakialam sayo. In fact magkakababy na kami kaya tigilan mo na ko." Sabi ni Edward sa inis na boses. Mukhang wala na nga talaga syang pakialam kay ma'am Clea. Bored at inis lang ang nakikita kong emosyon sa mukha nya.

MonalisaWhere stories live. Discover now