chapter 30

23.4K 736 168
                                    

Edward

HABANG BREAKTIME ay tumitingin tingin ako ng bahay sa brochure. Binabalak ko ngang magpagawa na lang, kaya lang ay matatagalan pa bago ito matapos. Ayoko namang madaliin ang paggawa dahil hindi maganda ang kalalabasan. Balak ko kasing lumipat kami ni Mona sa sarili naming bahay pagkapanganak nya at ilang buwan na lang yun. Ng wala akong matipuhan sa brochure ay sa mismong website na lang namin ako tumingin tingin. Ayoko ng masyadong malaki ang bahay na tipong hindi na kami nagkikita kita ng magiging mga anak ko. Pero tatanungin ko muna si Mona kung anong klaseng bahay ang gusto nya. Bilang mag asawa na kami ay hindi na pwedeng ako lang ang magdesisyon. Kailangan may say din sya.

Isang linggo ang nakaraan matapos naming mag usap ng masinsinan ay masasabi kong  may pagbabago na sa samahan namin ni Mona. Naging mas malapit na kami. Nararamdaman kong hindi na rin sya ilang sa akin. Yun nga lang hindi pa rin nagbabago ang pamimilosopo nya sa akin minsan. Pero nakakasanayan ko na rin. Yun na sya eh. Madalas ko din syang mamiss kaya madalas ko din syang tawagan. Naiinis lang ako kapag matagal nyang sagutin. Kung dati hindi ako nagi-fb ngayon ay madalas na para bantayan sya. Habang tulog pa nga sya kaninang umaga ay pinakialaman ko ang cellphone nya. Alam ko naman ang email at password nya dahil hiningi ko. Wala naman syang nagawa, dahilan ko ay mag asawa na kami kaya dapat may access ako sa fb nya ganun din sya sa akin. Binago ko kanina ang apelido nya pati status at tinag sa akin. Hindi pa yata sya nag o-online dahil wala pa syang react o comment, hindi pa rin sya nagcha-chat. May ilan ng nagcocoment na mga kaibigan nya at halatang nagulat. Nagcomment din ang kapatid ko at mga kamag anak na ang iba ay nagulat din. Ganun din ang mga ilang kaibigan at mga empleyado ko.

Ano kayang ginagawa nya? Katatapos lang nyang mananghalian.

Karaniwan kasi pagkatapos nyang mananghalian ay nakikita kong online sya. Kanina nga ay magkavideo call pa kami habang kumakain. Naputol lang dahil maghuhugas pa sya ng pinggan. Siguro ay natutulog na. Takaw tulog na kasi sya na normal lang naman daw sa buntis. Minsan nga tinatanghali na rin sya ng gising. Kaya ako na lang ang gumagawa ng almusal.

Pumunta ako sa contact at dinial ang number nya. Agad naman nya itong sinagot.

"Hello." Sagot ng malamyos nyang boses sa kabilang linya.

Napakagat labi naman ako ng tila may pumitik sa puso ko at lumakas ang tibok nito. Tumikhim ako.

"What are you doing wife?" Sabi ko sa pinapormal na tono.

"Nakaupo sa sofa."

Napakamot ako sa kilay sa sagot nya. "Ano pa?"

"Nagse-cellphone."

Napakunot noo ako sa tipid nyang sumagot. Nagse-cellphone daw sya pero hindi naman sya online sa fb. Wala rin naman syang IG. O baka naman nagti-TikTok na rin sya?

"Nagti-TikTok ka?" Tanong ko.

"Hindi ah! Wala akong TikTok. Nagyu-YouTube ako."

Nakahinga naman ako ng maluwag. Akala ko nagti-TikTok sya eh. Alam ko ang TikTok dahil sa kapatid kong si Elaine na mahilig sumayaw sayaw. Palibhasa kasi bata pa. Halos hindi sila nagkakalayo ng edad ni Mona. Tinanggal ko lang ang TikTok sa cellphone ko dahil hindi ko naman yun nabubuksan. Napilitan lang akong i-install yun dahil sa pamimilit ni Elaine para may maglike sa kanya.

"Ano na naman ang pinapanood mo sa YouTube? Raffy Tulfo na naman." Sabi ko. Sinilip ko ang oras sa relo ko. Ala una kinse na pala. Mayamaya lang ay papasok na ang sekretarya ko.

"Hindi. Katatapos ko lang manood nun kanina. Nanonood ako ngayon ng mga luto luto para naman may iba pa akong alam na lutuin."

Napangiti naman ako. Kahit ano namang lutuin nya ay masarap. Parang sya.

MonalisaWhere stories live. Discover now