chapter 37

21.1K 776 272
                                    

Edward

KALALABAS KO lang ng boardroom ng salubungin ako ni Lydia. Hawak hawak nya ang cellphone kong iniwan ko sa  opisina ko.

"Sir, tumawag po ang security ng ESY Condominium. Emergency daw po." Iporma sa akin ni Lydia sabay abot ng cellphone.

Nangunot naman ang noo ko. "Emergency?" Tanong ko at binuhay ang cellphone. Sakto namang tumunog ito at rumehistro ang pangalan ng security. Sinwipe ko ang green button at tinapat sa tenga.

"Hello." Maotoridad na sagot ko. May sinabi ang nasa kabilang linya na nagpasalubong ng kilay ko. May bumundol na kaba sa dibdib ko.

"Ok pupunta na ko dyan." Sabi ko at pinatay ang cellphone.

Binilinan ko si Lydia na sya muna ang bahala at uuwi lang ako saglit. Nagmamadali akong tinungo ang elavator at sumakay, pinindot ko ito pababa. Ang sabi ng security nakapasok ng condo si Clea at paakyat ng penthouse kasama si Elaine. Hindi daw nila ito napigilan daw si Elaine mismo ang nagpumilit at pinagbantaan pa sila. Kakaiba ang kabang bumundol sa dibdib ko. Iba ang pakiramdam ko sa pagdating ng dalawa sa condo.

Pagbaba ko sa basement parking ay agad kong pinatunog ang kotse ko. Sumakay ako at agad na binuhay ang makina. Sumasagitsit ang gulong ng minaniobra ko ito palabas ng basement.

Makalipas ang ilang minuto ay nakapasok na ang kotse ko sa compound ng condominium. Nagsalubong ang kilay ko ng makita ko ang isang ambulansya at papalabas na ito. Lalong tumahip sa kaba ang dibdib ko. Pinarada ko sa entarada ang kotse at mabilis na lumabas habang tinatanaw ang ambulansyang papaalis na.

"Sir!" Lumapit sa akin ang ilang security personnel na nagumpukan sa entarada. Bakas sa kanilang mukha ang pag alala. Nakita ko rin si Elaine at si Clea na parehong namumutla. Si Clea ay medyo magulo ang buhok at malikot ang mga mata habang hinihilot hilot ang mga kamay.

"K-Kuya."

"Anong nangyari?" Maotoridad na tanong ko.

"Sir sinugod po sa hospital si ma'am Mona. Dinugo po sya." Sabi ng isang security personnel at tinuro ang ambulansyang kakaalis lang.

"What!?" Bulalas ko kasabay ng matinding kabog ng dibdib ko. Muli kong binalikan ang kotse ko para sundan ang ambulansya. Rumagasa na ang takot at matinding pag alala sa dibdib ko.

"Kuya!"

Saglit akong natigilan ng tawagin ako ni Elaine. Nilingon ko sya. Namumutla pa rin sya pati na rin si Clea na hindi pa rin mapakali. Iba ang kutob ko sa kanila.

Matalim ko silang tiningnan. "May kinalaman ba kayo kung bakit dinugo ang asawa ko?" Dumadagundong ang boses kong tanong sa kanila. Maging ang mga security personnel ay namutla.

"H-Hindi ako kuya, si ate Clea ang nanakit sa asawa mo kaya dinugo." Natatarantang pasumbong na sabi ni Elaine.

"A-Ano? B-Bakit ako lang?" Namumutlang react ni Clea.

"I-Ikaw naman talaga! Ikaw ang nanakit sa asawa ni kuya!"

"Enough!" Sigaw ko sa kanilang dalawa na ikinapitlag nila. Tiim bagang at tiningnan ko sila ng masama lalo na si Clea. Napakuyom ang kamao ko. Parang gusto kong pilipitin ang leeg nya.

"Anong ginawa mo sa asawa ko?" Galit na tanong ko sa kanya.

"S-Sya ang nauna, kaya gumanti lang ako -- ay!" Napatili sya at hinarang ang mga braso sa mukha ng tumaas ang kamay ko. Gusto ko syang saktan. Mahigpit kong kinuyom ang kamao ko.

"Sir nakita po namin sa cctv na sinasaktan ni ma'am Clea si ma'am Mona kaya agad na po kaming sumaklolo. Naabutan na lang po  namin na dinudugo na si ma'am Mona at nawalan ng malay." Hayag ng isang security personnel.

MonalisaWhere stories live. Discover now