chapter 27

22.3K 701 162
                                    

Mona

NAPABALIKWAS AKO ng bangon. Napamura pa si Edward ng mabunggo ng balikat ko ang baba nya.

"TanTan bakit?" Tanong ko sa bunso kong kapatid na nakasimangot at matalim ang tingin kay Edward. Mukhang hindi nya bet si Edward.

"Tabi ako sayo matulog." Sabi nya.

"Ha?" Naku kung tatabi sya hindi na kami kakasya. Malaki na nga si Edward tapos mataba pa sya.

"Wag kang pumayag." Bulong sa akin ni Edward.

Tumikhim ako. "Pero hindi na tayo kakasya eh. Kanila nanay ka na lang tumabi." Sabi ko kay TanTan. Tumatabi kasi sya sa akin kapag namimiss nya ako at naglalambing.

Mas lalong nanghaba ang nguso nya. "Gusto ko nga dito eh."

Napakamot ako sa ulo. Gusto ko man syang katabi pero wala na talagang mapupwestuhan. Alangan nang pahigain ko sya sa lapag o kaya si sir Edward ang pahigain ko sa lapag.

"Wag kang papayag." Bulong ulit sa akin ni Edward. Nilingon ko sya at nginusuan din. Isa pa to eh!

Bumukas ulit ang pinto at pumasok naman si Paulina. "TanTan anong ginagawa mo dito, natutulog na sila ate." Sita ni Paulina kay TanTan ay hinawakan ito sa mataba nitong braso. Pero pumiksi lang ito.

"Ih! Dito ako matutulog, tatabi ako kay ate."

"Ano? San ka matutulog dito? Wala ka ng mapupwestuhan. Doon ka na lang sa kwarto nyo o kaya doon ka na lang sa amin ni nanay."

"Ayoko nga! Dito ko gusto." Giit pa ni TanTan.

"Ang kulit mo, hindi ka na pwedeng tumabi kay ate kasi may asawa na sya." Nangigigil na kinurot ni Paulina sa mataba nitong pisngi si TanTan at hinila na palabas ng kwarto. Naririnig kong nagtatalo pa sila.

Tumayo naman si Edward at sinarado ang pinto. Hindi pa sya magkandatuto sa paglock ng pinto. At ng mailock na nya ito ay bumalik na sya sa papag.

"Tara na tulog na tayo." Aya nya at humiga na. Inunat nya ang braso at tinapik ang katabing espasyo para sa akin. 

Nangungusong humiga na ako at umunan sa braso nya. Kung noong unang mga gabi ay naiilang ako na katabi sya sa pagtulog ngayon ay hindi. Gustong gusto ko pa ang amoy nya, para akong hinehele.

Tumagilid sya ng higa at iniyakap ang isang braso sa bewang ko sabay kabig sa akin padikit sa kanya. Lumakas ang kabog ng dibdib ko habang nakalapat ang mga kamay ko sa dibdib nya. Tumingala ako ng tumawa sya.

"Bakit?" Nakangusong tanong ko.

"Ikaw na ikaw yung bunso nyong kapatid." Nakangising sabi nya sabay pisil sa nguso ko.

Nag iinit ang pisnging inikutan ko sya ng mata. "Matulog na nga tayo." Sabi ko na lang at sinubsob ang mukha sa dibdib nya.

Niyakap naman nya ako at dinantay ang hita sa hita ko. Naramdaman ko pa ang matigas na bagay sa gitna ng hita nya na bumubundol sa hita ko. Kumagat labi na lang ako at hindi na lang umimik. Mahirap na. Marupok pa naman ako.

NANGINGITING pinagmamasdan ko si Edward habang nakikipag kwentuhan sa dalawa kong kapatid na lalaki na si Otep at Echo. Nasa labas sila ng bakuran namin at mga nakatanghod sa makintab nyang itim na itim na sasakyan. Siguro ay pinadala nya dito sa driver nya. Sabado ngayon at tinanghali ako ng gising. Ganun siguro talaga kapag buntis. Hinigop ko ang gatas ko na si Edward pa mismo ang nagtimpla habang nakikinig at pinapanood sila.

"Talaga kuya, pwede kaming sumakay sa sasakyan mo?" Manghang tanong ni Echo.

"Oo naman!" Nakangising sabi ni Edward sa kapatid ko.

MonalisaWhere stories live. Discover now