chapter 32

21.1K 692 122
                                    

Mona

MAGKAHAWAK KAMAY kami ni Edward habang papasok sa opisina nya. Nadaanan pa namin ang mga empleyado nya na binati kami. Kiming nginitian ko naman sila at binati pabalik habang itong asawa ko naman ay pormal na pormal ang mukha at tumango lang sa mga ito. Kagagaling lang namin sa clinic at dito nga kami dumiretso gaya ng pangako ko sa kanya noong nakaraang linggo na sasama ako sa kanya dito sa opisina nya. 

"Good morning sir, good morning ma'am." Nakangiting bati sa amin ng isang babae na nasa lamesa sa labas ng isang malaking pinto.

"May tumawag ba?" Tanong ni Edward dito.

"Ah yes sir, si Mr. Lopez nagpapa schedule po ng meeting sa inyo. Si Mr. Asahi naman po pinapa-follow up yung proposal nya sa inyo."

Marami pang sinabi ang babae na sa tingin ko ay sekretarya nya. Mga tumawag na nagpapareset ng schedule, nagpafollow up etc. Naririnig ko pa lang parang ako na ang napagod para sa kanya. Busy din pala sya ngayong araw. Mukhang hindi na dapat ako sumama dahil baka makaabala lang ako.

Pagkapasok namin sa opisina nya ay namangha pa ako. Ito ang unang beses na nakapunta ako dito sa opisina nya. Malaki ang loob ng opisina nya at halos puro salamin. Kitang kita ko ang mga nagtatayugang matataas na building sa labas. May malaki syang office table na halatang mamahalin at leather chair. Sa likod nito ay ang malaking bookshelf na punong puno ng mga libro. Meron ding tatlong malaking sofa na kulay gray ang isa ay nakaharap sa office table ang dalawa naman ay magkaharapan. Merong ding pahabang lamesita na salamin at sa gitna ay may nakapatong na bonsai sa maliit na paso. Merong pang chandelier na nakasabit sa kisame na hugis parisukat. Merong ding dalawang malaking paso na may buhay na buhay na halaman sa dalawang gilid nitong opisina.

"Inaantok ka ba?" Tanong nya sa akin.

"Hindi pa naman, pero saan naman ako matutulog kapag inantok ako. Alangan namang dito ako sa sofa matulog, eh baka mamaya may bisita kang dumating." Sabi ko. Bagama't mukhang masarap humilata sa malapad na sofa pero nakakahiya namang doon matulog baka may dumating na bisita.

Hinawakan nya ang kamay ko lumapit kami sa bookshelf. Hinugot nya ang isang makapal na libro na kulay pula at may parang pinindot sa loob. Napaawang ang labi ko ng gumalaw ang kalahati ng shelf at parang pintong bumukas. Tumambad sa akin ang parang kwarto. May queen size na kama sa loob.

"Wow, may kwarto ka pala dito sa opisina mo." Manghang sabi ko ng makapasok na kami sa loob. Hindi ito kasing laki ng kwarto sa penthouse pero sosyal pa rin ang hitsura sa loob.

"Dito ako minsan natutulog kapag hindi na nakakauwi." Sabi nya.

Naalala ko yun noong hindi pa kami mag asawa, minsan hindi nga sya nakakauwi kapag nag o-overtime sya. So dito pala sya natutulog.

Napataas ang kilay ko ng may sumagi sa isip ko. "Pinatulog mo na dito si ma'am Clea?" Di ko napigilang itanong.

Kumunot ang noo nya. "Of course not! Hindi nya alam na may secret room ako dito. Bakit mo naitanong? Nagseselos ka no?" Nakangisi ng sabi nya.

Napanguso ako. "Hindi no! Bakit naman ako magseselos eh asawa mo na ko." Sabi ko sabay kagat labi ng marealize kung ano ang sinabi.

Hinapit nya ako sa bewang. May pilyong ngiti na naglalaro sa kanyang labi. Ang mata ay gumagala sa mukha ko at nag tagal sa labi ko. Napalunok naman ako kasabay ng mabilis na tibok ng puso ko ng unti unting bumaba ang mukha nya. Pumikit ako ng gahibla na lang ang layo ng mga labi namin.

"Sir, nandito na po yung report na pinapakuha nyo."

Agad ko syang naitulak ng marinig ko ang boses ng sekretarya nya. Sya naman ay napamura.

MonalisaWhere stories live. Discover now