chapter 31

20.9K 659 95
                                    

Mona

"YUN OH! Laing! Ang sarap nito!" Bulalas ni ni kuya Caloy ng iabot ko na sa kanya ang order nyang laing.

Laing kasi ang menu ko for today ayon na rin sa request nila. Karamihan kasi sa kanila ay mga taga probinsya at namiss ang mga ganitong pagkain. Pangatlong araw ko na tong nagpapaorder ng nilutong ulam ko. Kahapon ay mechado ang niluto ko at kinse silang umorder, taga dito lang din naman sa condominium ang mga customer ko. Sila Mang Dodi, Mang Gilbert, kuya Caloy at iba pang mga security personnel pati na rin ang ilang mga kasambahay na dito rin namamasukan. Sinubukan ko lang muna talaga kung magugustuhan nila. Eh nagustuhan naman nila. Dahil bukod sa masarap daw mura pa. Natuwa nga sila dahil may iba na silang pagbibilhan ng murang ulam. Mahal nga naman kasi kapag umorder sa labas.

"O yung sa akin, baka magkaubusan." Ani Mang Dodi habang inaabot ang bayad nyang singkwenta. Singkwenta kasi ang isang order ng laing. Aba hindi na sila lugi dyan dahil maraming sahog yan at maanghang gaya ng request nila.

"Wag kang magalalala Mang Dodi hindi ka mawawalan dahil nakapangalan na sa'yo yan." Sabi ko at kinuha sa dala kong malaking eco bag ang disposable container na may pangalan nya sabay abot sa kanya kasama ng sukli.

Nakita ko naman na tinikman ni Mang Gilbert ang order nyang laing. Tumingin sya sa akin at nagthumps up. Sya ang unang nag request ng laing. Taga Bicol kasi sya at namiss na raw kumain ng laing.

"Lasang authentic ma'am Mona, kuhang kuha mo ang timpla. Dami pang sahog at tamang tama ang anghang. Masarap!" Puri nya at sumubo ulit bago tinakpan. Trenta minutos pa kasi bago ang lunch break nila.

"Wag mo na akong tawaging ma'am Mang Gilbert, at saka salamat." Ngiting ngiting sabi ko.

Simula kasi ng malaman nila na asawa na ako ni Edward na amo nila ay ma'am na ang tawag nila sa akin. Sinabihan ko nga sila na Mona na lang dahil pare-parehas lang naman kami.

Isa isa na ring naglapitan sa akin ang mga ilang security personnel para kunin ang order nila. May iba pang lumapit at naghanap kaso wala na. Saktong bente lang kasi ang pa order ko.

"Wala na? Ang daya nyo naman!" Sabi ni ate Me-an na isa rin sa mga security personnel. Medyo titibo-tibo ito at may pagkasiga pero mabait naman.

"Sakto lang kasi ang paorder ko ate Me-an." Sabi ko.

"Bakit hindi nyo naman ako sinabihan ma'am, paborito ko rin yang laing eh." Nakangusong sabi nito.

"Nagpasabi ako kahapon dito kanila Mang Dodi na tanungin kayo kung gusto nyo, di ka ba sinabihan?"

"Hindi nila ako sinabihan ma'am."

"Wala ka kasi kahapon, tsismis ka kasi ng tsimis." Sabi ni kuya Caloy.

"Ang dadaya nyo talaga, ang mahal pa naman ng ulam sa canteen at sa labas."

May canteen din kasi dito sa condominium, yun nga lang mas mahal pa sa labas ang pagkain. Isang beses lang ako bumili doon  nung unang mga araw ko dito. Hindi na ako ulit bumili dahil ang mahal.

"O sige ganito na lang, add nyo ko sa fb tapos isasali ko kayo sa gc para doon nyo malalaman kung ano ang iluluto ko kinabukasan tapos pwede kayong magpareserve." Sabi ko.

Nagsipag sangayunan naman sila. Sinabihan ko rin sila na sabihan pa ang iba nilang kasamahan. Balak ko kasing dalawang klaseng ulam na ang lulutuin ko bukas.

NGITING NGITI ako habang binibilang ang benta ko. Ayos! Makakapagipon ulit ako. Makakapagpadala na ulit ako kanila nanay.

Hindi porke't nangako si Edward na tutulungan nya ang pamilya ko eh papetiks-petiks na ko. Iba pa rin yung sarili mong pera ang itutulong mo sa pamilya mo. Bago nga kami bumalik dito sa Manila ay binigay ko ang kalahati ng ipon ko kay nanay pang puhunan nya sa pagtitindahan na inumpisahan na nga nya. Yung kalahati naman ng ipon ko ay heto na nga pinapalago ko sa munti kong business. Kahit hindi ako nakapag kolehiyo may diskarte naman ako. Diskarte naman talaga ang kailangan sa pang araw araw na pamumuhay.

MonalisaWhere stories live. Discover now