chapter 7

18.5K 580 58
                                    

Mona

Isang linggo na ang nakalipas simula ng dumating ako dito sa Manila. Isang linggo na rin ang nakalipas ng makabangga ko ang jowa ni señorito Edward. Akala ko papagalitan nya ako dahil pinatulan ko ang jowa nyang praning. Hindi ko talaga inasahan na hihingi sya ng paumanhin sa akin. Makatarungan din naman pala sya. Isang beses pang pumunta dito si ma'am Clea. Sibil lang ang pakikitungo ko sa kanya kahit na panay ang irap nya sa akin. Mabuti na lang at hindi naman sya nagtatagal dito sa penthouse kaya nakakapagtimpi pa ako sa magaspang na ugali nya.

Maayos naman ang kalagayan ko dito sa penthouse. Yun nga lang nakakabagot. Nanawa na agad ako sa mga tanawin na nakikita ko sa labas. Yun at yun din lang. Mga iba't ibang kulay ng nagkikislapang ilaw sa gabi mula sa mga nagtatayugang building at establishment. Wala rin akong makausap dahil ako lang naman mag isa dito kapag papasok na sa trabaho si señorito Edward at gabi na umuuwi. Gusto ko ngang lumabas pero pinagbabawalan nya ako dahil baka mawala daw ako sa labas. Ang mga kagaya ko daw na bagong salta ay hindi dapat magpagala gala dito sa kamaynilaan ng walang kasama at delikado daw. Hay.. kaya sobrang bagot na ako. Pinagtityagaan ko na nga lang manood ng tv pagkatapos ng gawain ko. Eh hindi naman matrabaho dito sa penthouse dahil dalawa lang naman kami. Namimiss ko na nga ang San Agustin.

"Dapat ate bumili ka ng bagong cellphone, yung android. Para nakakapag vc tayo at magkakitaan." Wika ni Paulina sa kabilang linya.

Nakaipit ang deykepad kong cellphone sa pagitan ng tenga ko at balikat habang naghuhugas ako ng mga pinaggamitan ni señorito sa almusal. May punto naman ang kapatid ko. Kung bibili ako ng bagong cellphone na android ay makakapag video chat na kami. Namimiss ko na rin makita ang mukha nila.

"Saka na siguro, pagiipunan ko muna. Ang importante ay mga gastuhin nyo dyan." Sabi ko. Gustuhin ko mang bumili ng mga gusto ko ay hindi ko magawa. Nanghihinayang kasi ako sa pera. Kesa ipambibili ko ng kung anoano ay ilalaan ko na lang sa mga gastuhin sa bahay.

Narinig kong bumuntong hininga ang kapatid ko sa kabilang linya.

"Puro na lang kami ang iniisip mo ate. Sobrang bait mo talaga. Hayaan mo pagbubutihan ko talaga sa pagaaral at kapag nakapagtapos ako ay tutulong ako sa gastuhin sa bahay at pagaaral ng tatlo."

Napangiti ako sa sinabi nya. "Mabuti naman at naiisip mo yan. Kaya wag nyo na akong masyadong isipin dito. Ayos na ayos lang ako. Medyo nababagot lang minsan pero keri naman."

"Mona."

Lumingon ako ng marinig ko ang boses ni señorito Edward. Agad akong nagpunas ng kamay at tinanggal ang cellphone sa tenga.

"Señorito bakit po?" Tanong ko.

Bumuntong sya. "Bilisan mo dyan, aalis tayo."

"San po tayo pupunta?" Kyuryosong tanong ko.

"Mag go-grocery tayo."

"Ah, ok po. Bibilisan ko ng tapusin to."

Hindi na sya sumagot at tumalikod na lang. Kahit papaano ay nasasanay na ako sa kanya. Ganun na siguro sya mula noong bata pa.

Binalik ko sa tenga ang cellphone. "Hello Paulina, mamaya na lang uli tayo mag usap.  May gagawin pa ako. Basta yung mga bilin ko ha."

"Oo ate, ako ng bahala. Ingat ka dyan."

"O sige bye na." Pagkababa ng tawag ay sinuksok ko na sa bulsa ng shorts kong hanggang tuhod ang cellphone.

Tinapos ko na ang paghuhugas at pumasok ng kwarto para magpalit ng damit. Isang polo shirt na puti at pantalong maong ang sinuot ko. Pinaresan ko na lang ito ng doll shoes. Pang simba ko to eh pero keri na. Itinali ko na lang pataas ang medyo alon alon kong buhok. Nagpulbos na lang ako at  naglagay ng kaunting liptint sa mapula ko ng labi. Mabuti na lang pinabaunan ako nito ni Paulina. Mahilig kasi sya sa mga kolorete sa mukha. Nagwisik wisik na lang din ako ng kaunting baby cologne para hindi naman nakakahiya dumikit dikit kay señorito Edward na akala mo ay laging naliligo sa pabango. Kahit nasa bahay lang mabango pa rin.

MonalisaWhere stories live. Discover now