chapter 22

23K 791 274
                                    

Mona

NAG INIT ANG pisngi ko ng hagurin pa ako ng tingin ni sir Edward. Kaya mabilis kong dinampot ang tuwalya at pinangtakip sa halos hubad kong katawan. Nagpaalam sya kanina na bababa, ang bilis naman nyang bumalik.

"S-Sir Edward, pakisarado po yung pinto magbibihis ako." Natatarantang utos ko sa kanya.

"Oh sorry." Hinging paumanhin nya at sinarado nga ang pinto pero hindi naman sya lumabas.

"Sir Edward lumabas muna kayo magbibihis ako!" Patili ng sabi ko. 

"Oh yeah! I'm sorry!" Tila ngayon lang nya narealize at muling binuksan ang pinto at agad na lumabas.

Dali dali ko namang pinuntahan ang pinto at ni-lock. Saka lang ako nakahinga ng maluwang. Kasalan ko rin nakalimutan kong i-lock ang pinto. Pero bakit naman kasi bigla bigla syang nagbubukas ng pinto at papasok ni hindi man lang kumatok? Dati naman kumakatok sya.

Binilisan ko na ang pagbihis para makalabas na. Baka may kailangan sya sa akin.

KINABUKASAN ay pumunta na nga kami sa nirekomendang ob-gynecologist ng doktora. Napapataas na lang ang kilay ko dahil halatang excited na sa baby si sir Edward dahil halos sya ang kumakausap sa doktorang tumitingin sa akin. Kung ano ano ang tinatanong nya tungkol sa baby namin gaya ng kelan malalaman ang gender, ano ba ang dapat gawin at hindi dapat gawin. Nag init pa ang mukha ko ng banggitin din ng doktora ang tungkol sa sex na safe naman daw kung gagawin namin. At ang magaling kong amo all ears na all ears. Parang umaasa na may mangyayari ulit sa amin. Hindi na no! Kahit masarap tama na ang isang beses. Heto na nga buntis na nga ako eh. Ang doktora naman ay talagang akala ay mag asawa kami pero ng makitang magkaiba kami ng apelyidong dinadala ay inakala na lang nyang maglive in partner kami. Hindi naman ako makasabat dahil lagi akong nauunahan ni sir Edward. Sa bandang huli ay niresetahan ako ng vitamins ni doktora.

At heto na kami ngayon sa loob ng isang kilalang drug store. Kausap nya ang isang pharmacist para bumili ng vitamins at gatas na para sa akin. Talagang hindi sya pumasok ngayon para samahan akong magpacheck up. Narinig ko lang na kausap nya kanina ang sekretarya nya at pina-reschedule ang dapat ay kameeting nyang tao ngayon.

"Wag ka ng magkakape ha, ang sabi ni doktora mas mainam daw ang gatas para kay baby. Saka yung vitamins mo wag mong kalilimutan."  Paalala nya sa akin habang nasa byahe na kami pauwi.

"Alam ko, narinig ko ang lahat ng sinabi ni doktora." Sabi ko.

Sinulyapan nya ako at ngumisi. "Narinig mo pala. Akala ko di ka nakikinig eh, hindi ka kasi umiimik kanina." Sarkastikong sabi nya.

"Paano akong iimik eh lagi nyo kong inuunahan magsalita. Ako ang tinatanong ng doktora pero kayo yung sumasagot." Sarkastiko ding sabat ko. Totoo naman. Ako ang tinatanong pero sabat sya ng sabat tapos magsasabi sya ngayon na hindi ako umiimik kanina. Naku baby! Wag mo sanang manahin ang ugali ng tatay mong magaling!

"Sorry, excited lang ako kanina." Kumakamot sa ulong sabi nya.

Pasimpleng inirapan ko na lang sya at kinibot kibot ang labi. Nyeh! Nyeh! Nyeh! Pasalamat ka nirerespeto pa rin kita bilang amo ko kahit super demanding mo.

"Anyway, 20 weeks from now pwede ng malaman ang gender ni baby. Sana nga kambal gaya ng kambal ni Yñigo at Amira."

"Ayoko nga!" Bulalas ko. Aba't talagang kambal pa ang gusto nya!

"Why?" Kunot noong tanong nya at muli akong sinulyapan na parang may mali sa sinabi ko.

"Ang hirap kayang manganak tapos kambal pa." Angal ko. Kahit hindi ko pa naranasang manganak ay alam kong mahirap, base na rin sa naririnig at napapanood ko.

MonalisaWhere stories live. Discover now