chapter 26

22.3K 704 126
                                    

Mona

PARANG GUSTO kong lumubog sa kinauupuan ng mamayani ang katahimikan matapos sabihin ni sir Edward na ako ang pakakasalan nya at buntis ako.

"Oh, sinurpresa mo naman ako iho. Hindi ko akalain na matitipuhan mo itong si Mona. Well, mabait na bata naman si Mona at napakasipag pa. At ano ika mo? Buntis na sya? Madadagdagan na naman ang apo ko sa tuhod?"

"Yes po lolo, magkakaapo uli kayo sa tuhod." Proud pa na sabi ni sir Edward.

"This calls for a celebration! Magpapaluto ako ng marami kanila Flor at Lita. Magse-celebrate tayo." Masayang sabi ni Señor Arseño.

Kagat labing nag angat ako ng tingin sa kanila. Lahat sila ay may ngiti sa labi na tila excited. Halo halo naman ang nararamdaman ko. Tuwa, kaba at pangamba. 

"Congratulations ate Mona." Bati sa akin ni Amira na may ngiti sa labi. Bakas sa kanyang mukha ang tuwa para sa akin.

Nginitian ko sya. "Salamat Amira."

"So anong balak nyo ngayon? Kelan ang kasal?" Tanong ulit ni Señor Arseño.

"Actually papa, pupunta kami ngayon sa bahay nila Mona para mamanhikan." Sagot ni ma'am Noemi.

"Ganun ba? Aba'y gusto ko sanang sumama kaya lang ay umatake na naman ang rayuma ko."

"Ayos lang lo, kami na lang ni mama. Ang importante ay humarap ako sa pamilya ni Mona para hingin ang kamay nya." Ani sir Edward at hinawakan ang kamay ko.

Nilingon ko sya. Nagtama ang mata namin. Nginitian nya ako. Naginit naman ang pisngi ko at nagbaba ng tingin. Ang bilis ng pintig ng puso ko.

"Napag usapan nyo na ba ang petsa ng kasal nyo?" Tanong ulit ng señor.

"Sa huwes po muna kami ikakasal lo, and then paghahandaan namin ang kasal sa simbahan. Dito na rin po kami ikakasal."

Tumango tango si Señor Arseño. "Gusto nyo bang kay Mayor Rodolfo ikasal o sa judge na lang?" Tanong nya sa amin.

Nilingon ako ni sir Edward. "Ikaw?"

Lumunok ako. "Ah, i-ikaw na lang ang bahala." Nauutal na sabi ko.

Bumuntong hininga sya. "Alright, kay tito Rodolfo na lang po lolo."

"Good, tatawagan ko na si Mayor Rodolfo maya maya din." Excited na sabi ni Señor Arseño.

"Congratulations bro! Parang kelan lang para kayong aso't pusa nitong si Mona tapos ngayon ikakasal na kayo." Bati at komento ni señorito Yñigo.

Napakamot naman ako sa ulo. Oo nga, parang kelan lang napaliguan ko sya ng pinaglabhan tapos ngayon ikakasal na kami at buntis pa ako. Ngumisi naman ang amo kong matulis. Ngumuso ako. Ang sarap sikuhin eh kung hindi lang pumapatol.

NAKASIMANGOT SA AKIN si Berna at ate Conching. Napakamot na lang ako sa ulo. Alam na nilang lahat na magpapakasal kami ni sir Edward at buntis ako. Si Señor Arseño mismo ang nagsabi at nagpaluto nga ng marami. Halatang nagulat silang lahat pero binati din ako.

"Naglilihim ka na ha, halos araw araw tayong nag uusap sa gc natin tapos wala kang sinasabi." Nagtatampong sabi ni Berna.

"Oo nga, samantalang ako pa ang nagbigay ng idea sa'yo na akitin si señorito Edward." Segunda naman ni ate Conching.

"Uy, hindi ko inakit si sir Edward ha!" Bulalas ko. Sabi na eh. Malamang yun ang isipin nila.

"Di nga?"

"Oo nga! Di ko sya inakit." Giit ko sa kanila.

"Eh pa'no ba naging kayo ni señorito Edward?" Usisa ni Berna habang naghihiwa ng gulay.

MonalisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon