chapter 17

22.5K 666 126
                                    

Edward

BUMUNTONG hininga ako habang sinusundan ng tingin si Mona. Nagba-vacuum sya habang ako ay nakaupo dito sa reclining chair at nagkakape. Isang linggo na ang nakakaraan ng mangyari ang bagay na yun sa amin dito mismo sa sala. Tinulugan pa nga nya ako.

Ngunit kinabukasan hindi na nya ako pinapansin o tamang sabihin na iniiwasan nya ako. Kakausapin lang nya ako kapag may itatanong ako. Ilang beses na akong nagtatangkang kausapin sya tungkol sa nangyari sa amin pero umiiwas talaga sya. Kailangan namin pagusapan ang bagay na yun lalo pa at birhen sya. Pa'no kung mabuntis sya? Wala pa naman akong ginamit na proteksyon. Di ko rin naman alam kung ano ang pumasok sa isip ko kung bakit ginawa ko ang bagay na yun. Hindi ko pwedeng idahilan ng dahil sa alak. Nakainom ako pero hindi lasing. Hindi ako madaling malasing. Ako ang nasa katinuan nung gabing yun at alam ko ang ginagawa ko. Halik lang naman ang gusto kong mangyari pero para akong naadik sa lasa ng labi nya at naghanap ng higit pa. Wala akong pinagsisisihan sa nangyari sa amin ginusto ko yun. Kaya nga gusto ko syang kausapin kaya lang iniiwasan naman ako.

Tumayo na ako at nilagay sa kusina ang tasang ginamit ko. Umakyat na ako sa taas para makapag shower. Tiningnan ko ulit sya. Napailing na lang ako ng hindi pa rin nya ako tapunan ng tingin. Parang gusto kong mainis..

"Mona papasok na ko." Paalam ko sa kanya habang binobutones ang dulo ng manggas ng polo. 

"Sige po sir, ingat!" Sagot lang niya habang pinupunasan ang salaming lamesita. Ni hindi man lang nag angat ng tingin.

Bumuntong hininga ako at namaywang. "Mona." Tawag ko sa kanya sa maawtoridad na boses.

Natigilan sya sa pagpupunas pero hindi pa rin tumitingin sa akin. "Po?"

"Tumingin ka nga sa akin." Utos ko sa kanya.

Nag angat sya ng mukha at tumingin sa akin pero agad ding nag iwas. "Bakit po sir Edward?" Mahinang sabi nya.

Tiningnan ko ang oras sa relo. Mag a-alas diez na ng umaga at may meeting pa akong dadaluhan. Bumuntong hininga ako.

"Mag usap tayo mamaya, at wag mo kong iiwasan." Sabi ko at tumalikod na. Kinuha ko ang leather briefcase at lumabas na ng penthouse.

Mona

NAKAHINGA ako ng maluwag ng makaalis na si sir Edward. Parang ang sikip nitong penthouse para sa aming dalawa. Hindi ako makahingi kapag nandito sya lalo na at ramdam kong laging nakasunod ang mga mata nya sa akin. Isang linggo ko na syang iniiwasan. Hindi ko sya kayang harapin at tingnan sa mata pagkatapos ng nangyari sa amin dito sa sala noong gabing nag inuman kami.

Nag init ang mukha ko ng masulyapan ang sofa kung saan nya ako inangkin ng gabing yun. May tama ako ng alak ng gabing yun pero natatandaan ko ang nangyari. Paggising ko ng umaga nasa kwarto ko na kaming dalawa at magkayakap habang parehas na hubo't hubad. Ipinilig ko ang ulo para alisin sa isip ang imahe na yun.

At heto na nga mukhang irita na sya sa akin dahil iniiwasan ko sya. Maguusap daw kami mamaya.

Napakagat labi ako. Ano naman kaya ang pag uusapan namin? Sasabihin nyang, kalimutan na lang namin ang nangyari sa amin dalawa dahil lasing sya nun at hindi alam ang ginagawa? Eto na nga kinakalimutan ko na nga eh. Hays! Baka pinagsisisihan nya ang nangyari sa amin. Malamang! Dahil kung nasa matinong pag iisip sya hindi nya gagawin yun. Sino lang ba ako? Kasambahay lang naman nya. Malayong malayo sa estado ng mga babaeng nauugnay sa kanya gaya ni ma'am Clea. At ano na lang din ang iisipin ni ma'am Noemi kapag nalaman nya? Baka sabihin nya inakit ko ang anak nya tapos palalayasin nya ako dito sa penthouse!

MonalisaWhere stories live. Discover now