chapter 8

18.3K 609 89
                                    

Mona

"Albano." Bati ni señorito Edward sa lalaki. Nagpunas sya ng kamay at tumayo, nakipagkamay sa lalaki at sa babeng buntis na kasama nito.

"Sebastian na lang pare, masyado ka talagang pormal." Natatawang sabi ng lalaki at tinapik pa sya sa balikat. Pormal lang syang ngumiti.

"Oh new girlfriend?" Baling naman sa akin ng lalaking nagpakilalang Sebastian. Muntik pa akong masamid sa kinakain ko.

"Ah no, kasambahay ko sya sa penthouse." Sagot naman ni señorito Edward.

"Oh I see, I'm sorry. Anyway pare napirmahan ko na ang proposal mo, mag set na lang tayo ng meeting on Monday next week. Pasensya na hindi kasi ako pwede bukas dahil sasamahan kong magpacheck up si misis."

"Sure, no problem. Thanks man! And congratulations sa paparating na baby nyo."

Nagtinginan ang magasawa at ngumiti kay señorito Edward. "Thanks pare, excited na nga kami eh."

May nakita akong kakaibang emosyon sa mga mata ni señorito Edward habang nakatingin sa malaking tiyan ng babae. May guhit ng inggit at pagkasabik. Siguro gusto na rin nyang magkababy. Pwede na rin naman dahil nasa treinte mahigit na sya. Kaya lang kung si ma'am Clea ang magiging nanay ng baby nya wag na lang. Kawawa ang baby, bruha ang nanay nya.

Nagpaalam na ang magasawa para maghanap na ng mauupuan. Mabait na nginitian pa ako ng babae. Nahihiyang gumanti din ako ng ngiti.

Tinapos na namin ang pagkain para makauwi na. Tahimik lang kami sa byahe pauwi. Pasimpleng sumusulyap ako sa kanya. Gusto ko syang kausapin kaya lang nakakailang. Bored na bored na ako, wala akong kausap. Di pa naman ako sanay ng tahimik. Sa bahay namin sa San Agustin ay maingay dahil nga lima kaming magkakapatid at asaran ang bonding namin. Sa mansion naman ay madaldal din ang mga kasama ko doon, hindi nauubusan ng kwento.

Tumikhim ako. Hindi sya lumingon at nakatuon pa rin ang mata sa kalsada. Tumikhim ulit ako. Wa epek pa rin. Isang tikhim pa uli yung tipong tila kating kati ang lalamunan. Kunot noo syang lumingon sa akin.

Ngumiti ako ng pagkatamis tamis. "Ang ganda pala dito sa Manila señorito no." Untag ko sa kanya.

Hindi sya sumagot at binaling uli ang pansin sa kalsada. Nakagat ko naman ang labi ko sa pagkapahiya sabay nguso.

"Ayos lang, mas maganda pa rin sa San Agustin."

Lumingon ako sa kanya. Nakatuon pa rin ang mga mata niya sa kalsada. May umusbong na tuwa sa puso ko dahil sinagot nya ako.

"Tama ka dyan señorito, mas maganda pa rin sa San Agustin. Sariwa ang hangin at maraming puno. Maganda din naman dito sa Maynila dahil maraming nagtatayugang mga building at establishment, marami kang mabibili, kaya lang mainit walang preskong hangin na masisinghot, sobra pang matao, mahal din ang bilihin. Kapag wala kang pera wala kang kakainin. Hindi kagaya sa probinsya, kapag wala kang pera magtanim ka lang may makakain ka na." Litanya ko. Napapanood ko kasi sa mga balita sa tv na maraming tao dito sa Maynila na mahihirap din. Ang iba ay napipilitang mamalimos para lang may makain. Nakagagawa pa ng masama para lang magkapera.

"Ayaw mo na dito sa Manila?" Tanong nya at sinulyapan pa ako.

"Hindi naman po sa ganun, pangarap ko rin noon makapunta dito. Pero kung ako ang papipiliin syempre doon pa rin ako sa San Agustin. Kahit mahirap lang kami doon ay masaya naman kami."

Tumango tango sya. "Akala ko ayaw mo na dito at gusto mo nang bumalik ng San Agustin eh."

Malawak akong ngumiti sa kanya. "Bakit señorito? Ayaw nyong umalis ako no? Miss nyo na agad ako ah."

MonalisaWhere stories live. Discover now