chapter 12

19.1K 618 138
                                    

Mona

KINUHA ko ang wooden spoon at nagsandok ng sarsa ng calderetang baka saka nilagay sa kutsara. Tinikman ko ito. Tumango tango ako ng sumakto na ang timpla.

"Hmm siguradong magugustuhan to ni sir Edward, mapapadami na naman ang kain nya." Natutuwang sabi ko at pinatay na ang kalan.

Ilang minuto na lang ay pauwi na sya. Hindi man nya sabihin ay alam kong nasasarapan sya sa luto ko. Nakakatatlong plato nga sya ng kanin kung minsan eh. Mabuti na lang hindi sya tabain. Kunsabagay alaga din naman sa exercise at gym.

Napapitlag ako ng malakas na lumagabog ang pinto.

"Edward ano ba! Sabihin mo nga sa akin kung may pakialam ka pa ba sa akin o wala na?"

Napapikit ako at napangiwi ng marinig ang boses fukeng tinig mi ma'am Clea.

"I'm tired Clea, ang mabuti pa umuwi ka muna. Saka na tayo mag usap kapag malamig na ang ulo mo." Anang malamig na boses ni sir Edward. Bahagya akong nanibago sa tono ng boses nya.

Nilingon ko sila. Mula dito sa kusina ay tanaw ang sala. Nakatayo si sir Edward sa gitna ng sala at nagtatanggal ng necktie. Habang parang donyang nakapamewang ang mukhang fukeh -- este boses fukeng si ma'am Clea. Sa hitsura at awra halatang galit na galit sya kay sir Edward. Ano na naman kayang inaarte nitong bruha na to?

"See? Wala ka na ngang pakialam sa akin? Minsan na nga lang akong hihingi ng pabor sayo ayaw mo pa akong pagbigyan!" Sumbat ni ma'am Clea.

Napataas ang kilay ko. Parang gusto kong sumabat.

"Sinabi ko naman sa'yo pagod ako. Galing pa akong Laguna, na stuck pa ako sa traffic. Hindi mo ba naiintindihan yun?" Inis nang sabi ni sir Edward.

"Hindi! Dahil wala ka ng oras sa akin!"

"Wala ka rin namang oras sa akin ah! Mas marami ka pang oras sa pagba-barhopping mo. Ni hindi mo nga ako nakuhang dalawin noong nagkasakit ako. Kaya wala kang karapatan na sumbatan ako na parang malaki ang pagkukulang ko sayo." Balik sumbat ni sir Edward at binigyan pa ng malamig na tingin si ma'am Clea na sandaling hindi nakaimik.

Oh panis! Pahiya ka bente. Buti nga!

"M-Magkaiba yung sitwasyon mo sa sitwasyon ko ngayon. Importante to dahil inaasahan ng mga kaibigan ko na darating ka. Mapapahiya ako kapag hindi kita kasamang dumating sa venue! Ano ba Edward!"

"So ang kalusugan ko hindi importante ganun ba?"

"H-Hindi yun ang ibig kong sabihin -- "

"I'm not feeling well Clea, ikaw na lang mag isa ang pumunta." Pinal na sabi ni sir Edward. Tila sumuko na sa pakikipagtalo kay ma'am Clea.

"No! Kapag hindi ka sumama sa kin ngayong gabi makikipag break na ko sa'yo!"

Walang sagot si sir Edward at nagkibit balikat na lang sabay talikod kay ma'am Clea at umakyat ng hagdan.

"Edward!" Halos manggalaiti sa inis na tawag ni ma'am Clea sa kanya pero hindi man lang nya ito nilingon at tuloy tuloy lang.

Medyo nahihiwagaan naman ako sa pinakitang ugali ni sir Edward. Mukhang wala talaga syang pakialam kay ma'am Clea. Dati naman kapag nagaaway sila ay hindi nya ito matiis at hindi nya tinatalikuran.

Eh baka naman kasi napuno na sya sa kaartehan ni ma'am Clea. Pagod nga naman sya at galing sa trabaho tapos kung makademand tong bruhang to akala mo anak ng presidente. Kapal pa ng mukhang manumbat.

"Anong tinitingin tingin mo dyan!?"

"Po?" Noon ko lang napansin na sa akin na pala sya nakatingin ng matalim at parang gusto na akong kainin ng buhay.

MonalisaWhere stories live. Discover now