chapter 40

23.4K 736 130
                                    

Edward

PALINGA LINGA ako kay Mona habang nasa gitna kami ng byahe pauwi. Kanina ko pa napapansin na tahimik sya at matamlay. Di ko tuloy mapigilan mag alala baka mamaya may nararamdaman na sya.

"Are you ok wife?" Untag ko sa kanya.

Sumulyap naman sya sa akin at tipid na ngumiti sabay tango. Pero ang ngiti nya ay hindi naman umabot sa mata nya.

"Are you sure? May nararamdaman ka ba? May sakit ka? Nagugutom ka?" Sunod sunod kong tanong. Hindi ako sanay na ganito sya.

Ngumuso sya at sumimangot. "Hindi ako nagugutom." 

"Ok." Sabi ko na lang. Mukhang wala sya sa mood. Sabi ni doktora moody daw talaga mga buntis. Nasa walong buwan na ang tiyan nya. Next month manganganak na sya. Sobrang excited na talaga ako. Hindi na ako makapaghintay na makita ang panganay ko.

Pero hanggang sa makauwi na kami at maghapunan ay matamalay pa rin sya. Halos hindi na nga nya ginagalaw ang pagkain nya eh.

"Hindi mo ba gusto ang ulam? Magpadeliver ako." Untag ko sa kanya. Hindi naman sya maarte sa pagkain. Ngayon lang na buntis sya naging mapili ang panlasa nya at pang amoy kung minsan.

Umiling iling sya. "Ayos na to, wala lang akong ganang kumain kasi busog pa ko." Halos pabulong na sabi nya at matamlay na sinubo ang kutsara.

Tumango tango na lang ako. Siguro nga ay busog pa sya at napagod din siguro.

Ng matapos kaming kumain ay iniwan ko muna sya sa sala at nagpaalam akong papasok muna ng library para itsek ang mga emails sa laptop. Baka sakaling mamaya paglabas ko ay ok na ang mood nya..

Napakunot ang noo ko ng paglabas ko ng library ay hindi ko na nakita si Mona sa sofa. Patay na rin ang tv. Maaga pa naman. Karaniwan ay nagbababad pa sya ng dalawang oras sa panonood ng tv.

"Pumasok na po sa kwarto nyo si ma'am sir." Untag sa akin ni Weng. Tumango na lang ako sa kanya.

Baka inantok na si Mona. Bago kasi sya matulog ay minamasahe ko pa ang likod nya at mga binti. Ang sabi ni doktora ay nakakatulong daw yun para mabawasan ang stress ng buntis at para gumanda ang daloy ng dugo.

Sinilip ko ang orasan sa relo. Mag a-alas nuebe pa lang ng gabi. Tinungo ko na ang kwarto namin. Pagbukas ko ng pinto ay hindi ko nakita ang asawa ko. Dumako ang mata ko sa pinto ng banyo na nakasara. Malamang nandun sya. Lumapit ako sa pinto at akmang kakatukin ng may narinig akong hikbi. Napakunot ang noo ko. Umiiyak sya? Hinawakan ko ang doorknob at pinihit pabukas. Nakatayo sya sa harap ng salamin.. at umiiyak.

"Wife bakit ka umiiyak?" Tanong ko at lumapit sa kanya.

Mugto ang mga matang tumingin sya sa akin sa salamin at mas lalong pumalahaw ng iyak. Naalarma naman ako.

"Hey, may masakit ba sa'yo? Anong masakit sa'yo? Masakit ba ang tiyan mo?" Sunod sunod kong tanong at ininspeksyon sya. Hinawakan ko pa ang malaking tiyan nya. Tiningnan ko rin ang mga hita nya dahil baka dinugo ulit sya. Pero wala naman.

"Di mo ba nakikita? Ang p-pangit ko! Ang pangit pangit ko na." Basag ang boses na sabi nya at lumakas pa ang iyak.

Nagsalubong naman ang kilay ko. "What? What are you talking about wife?" Nagugulumihanang tanong ko.

Nakasimangot na tumingin sya sa akin. "Ang sabi ko ang pangit ko na."

"Of course not! You're beautiful!"

"Echosero ka! Binobola mo lang ako dahil asawa mo ko."

"No I'm not! Hindi kita binobola."

"Huu! Wag nga ako! Hindi ka naman bulag kaya alam kong nakikita mong ang panget ko. Ang taba ko na. Ang itim ng leeg ko. Namumula ang ilong ko. Namamanas ang paa ko. Hindi na ako sexy. H-Hindi na a-ako masarap!" Pumipiyok ang boses na sabi nya at umatungal ulit ng iyak.

MonalisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon