chapter 13

19.4K 629 130
                                    

Mona

DAHAN dahan ang subo ko ng hotdog habang nakapagkit ang mata kay sir Edward na hubad barong naglalambitin sa hanging rod. Binibilang ko ang bawat angat at baba ng katawan nya. At talaga nga namang nakakapag laway ang mga maskels sa mga braso at likod nyang naggagalawan. Parang ang sarap ding lumambitin sa leeg nya.

Maya maya pa ay bumitaw na sya sa hanging rod at kinuha ang towelette na nakasampay sa sandalan ng sofa at nagpunas ng pawis. Ay tapos na? Bitin naman.

Ng mapalingon sya sa akin ay kumunot ang noo nya.

"Anong ginagawa mo dyan?" Tanong nya.

"Ahm, nag aalmusal po." Sabi ko sabay taas ng hawak kong tasa na may lamang kape at gatas at ang nangangalahating hotdog.

"Bakit dyan ka nagaalmusal?" Nakakunot pa rin ang noong tanong nya.

"Eh.. maganda po kasi ang view dito." Nakangiting pangiwi na sabi ko.

Tumaas ang sulok ng labi nya. "Pinapanood mo ko?"

Nahihiyang ngumiti na ako. "Ang galing nyo po kasi sir eh. Actually binibilang ko nga yung pag angat at pagbaba nyo eh. Tatlo na lang mag ti-thirty na."

Ngumisi sya at umiling iling. Ang pawisang buhok naman ang pinunasan nya.

Nahiya naman ako. Baka isipin nya binobosohan ko sya. Inisang subo ko na lang ang kalahating hotdog at bumalik na sa kusina.

"Mona."

"Yes po sir." Nilingon ko sya habang punong puno ang bibig ko.

Saglit nya muna akong tinitigan at muling umiling iling. Nahuli ko pa ang munting pagngisi nya.

"Magbihis ka aalis tayo."

"Mag go-grocery po tayo?"

"Oo." Tipid na sagot nya at tumalikod na paakyat sa hagdan.

Sinundan ko na lang sya ng tingin. Kakagrocery ko pa lang noong nakaraang linggo at may mga stock pa kami. Ang mga ulam ay sa palengke na ako bumibili para mas sariwa.

NAPANGIWI ako ng makita ang presyo ng bagong labas ng isang brand ng cellphone. Pumapalo ng singkwenta mil. Jusko! Madami ka ng mabibili sa singkwenta mil. Tiningnan ko ang ilang mga custumer na tumitingin din sa mga nakadisplay na gadget sa labas ng store. Sa hitsura nila ay halatang mga mayayaman at afford na afford bumili ng mga ganito kamamahal na gadget. Di talaga ako makarelate sa mga mayayaman minsan.

Sinilip ko si sir Edward na nasa loob pa ng store. Kausap nya ang isa sa mga staff. Bahagya pang nakakunot ang kanyang noo. Dito muna kami dumiretso bago pumunta ng supermarket.

Umatras ako ng kaunti para bigyan ng espasyo ang mga tumitingin sa mga nakadisplay. Ngunit sa pagatras ko ay nabunggo ko ang kung sino na nasa likuran ko.

"Oops!"

"Ay sorry po sorry po!" Hinging paumanhin ko sa nagbangga ko sa likuran.

"Ayos lang miss." Anang baritonong boses.

Nag angat ako ng tingin at nahihiyang ngumiti. Ngumiti naman sa akin ang lalaki na nakatitig sa akin. Bahagya naman akong nailang sa mga titig nya. May hitsura sya at may katangkaran, katamtaman ang laki ng katawan, maputi at sa tantya ko ay magkasing edad lang kami. Sa porma nya ay halatang may kaya sya sa buhay.

"Ah titingin ka rin ba? Sige ikaw na." Sabi ko at gumilid pa.

"Ok na ko dito miss." Lumawak pa ang ngiti nya at hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin. Baka nagagandahan sa akin. Napanguso ako at pasimpleng inipit ang buhok sa tenga.

MonalisaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora