chapter 33

21.1K 672 151
                                    

Mona

PATINGIN TINGIN ako kay Edward habang nasa byahe na kami pauwi. Maaga kaming umuwi dahil baka abutan kami ng malakas na ulan. Ayon kasi sa balita ay uulan daw ng malakas. Umaambon na nga sa labas at madilim ang kalangitan. Kasing dilim ng mukha ng katabi ko. Kanina pa sya ganyan sa opisina pagkatapos ng paguusap nila ng mga magulang ni ma'am Clea. Pero kapag titingin naman sa akin ay nagiiba ang mukha nya. Lumiliwanag. Parang ako ang meralco ng buhay nya. Cheret! 

"Edward." Untag ko sa kanya.

Lumingon sya sa akin. Biglang naglaho ang dilim ng mukha nya.

"Hmm?"

"Ayos ka lang?" Tanong ko sa kanya.

Ngumisi sya. "I'm ok wife, just tired."

Hindi na ako nagsalita at nginitian na lang sya. Mukha nga syang pagod. Nakakaawa naman.

Malakas na ang ulan ng makarating kami sa penthouse. Kitang kita ko sa floor to ceiling na salaming dingding ang nangangalit na kalangitan at ang pagbuhos ng malakas na ulan. Mag a-alas sais na ng gabi. Ang sabi ni Edward ay mago-order na lang daw sya ng pagkain sa canteen sa baba para hindi na daw ako magluto. Ayos lang sa akin kasi parang tinatamad akong kumilos.

Ng dumating na ang order na pagkain ay kumain na kami..

Kagat kagat ko ang labi habang sinusulat sa maliit na notebook ang mga ingredients na lulutuin kong mga ulam bukas. Nag chat na ako sa gc namin kung ano ang menu bukas at kanya kanya na sila ng pareserve. Infairness, nadagdagan na ang mga customer ko. Siguro isa sa mga araw na to sasabihin ko na kay Edward ang tungkol dito.

Tiningnan ko ang saradong pinto ng library. Nasa loob sya at may kausap sa cellphone. Bukas kasi ang tv dito sa sala. Pwede naman nyang pahinaan pero dahil nanood ako sya na lang ang nag adjust. Hay.. sobrang bait nya talaga sa akin. Araw araw binibigyan nya ako ng dahilan para mahalin ko sya. Kaya paanong hindi ko sya matututunang mahalin.

Makalipas ang halos isang oras ay lumabas na si Edward at nag aya ng matulog. Kahit gusto ko pang manood ay pinatay ko na ang tv at sumama na sa kanya sa kwarto para makapagpahinga na sya..

Isang oras na ang nakakalipas dilat na dilat pa rin ang mga mata ko. Samantalang ang katabi ko ay halatang malalim na ang tulog. Pagkatapos ng matamis na halik na pinagsasaluhan namin ay nag goodnight na sya at natulog habang yakap yakap ako. Akala ko nga may mangyayari sa amin eh. Nabitin tuloy ako.

Tumingala ako sa kanya. Parehas kaming nakatigilid ng higa paharap sa isa't isa. Nakaunan ako sa braso nya habang nakayakap ang isang braso nya sa bewang ko. Pinagmasdan ko ang mukha nya. Kahit tulog gwapo pa rin sya. Pointy ang matangos nyang ilong na parang masarap kagatin. Sana mamana ni baby ang ilong nya. Matangos din naman ang ilong ko pero mas gusto ko ang ilong nya. Mapupula ang maninipis nyang labi na napapaligiran ng mga bigote at balbas nyang medyo kumakapal na. 

Bumuntong hininga ako. Hindi pa ako inaantok. Parang may kulang kasi. Bahagya kong ginalaw ang hita ko. Napakagat labi ako ng masagi ang matigas na bagay na nasa gitna ng hita nya. Bigla akong nag init. Napanguso ako habang nakatitig sa mukha nyang payapa. Mukhang pagod sya.

Marahan kong tinanggal ang malaki nyang braso na nasa bewang ko at dahan dahan akong tumayo. Saglit akong natigilan ng gumalaw sya at tumihaya. Napakagat labi ako at pilyang ngumiti habang hinagod ng tingin ang katawan nya. Nakasuot sya ng t-shirt na puti na karaniwang pantulog nya. Hakab ang malapad nyang dibdib na nagtataas baba sa paghinga. Boxer shorts lang din ang pang ibaba nya. Alam kong wala syang suot na brief sa loob. Hindi naman talaga sya nagbi-brief kapag natutulog sa gabi at para din daw easy access sabi nya. May point naman sya.

MonalisaWhere stories live. Discover now