END

24.2K 847 206
                                    

Edward

LAKAD TAKBO ang ginagawa ko papasok sa hospital para makita ang asawa kong manganganak na. Ang bilis pa ng tibok ng puso ko sa kaba at excitement. Iniwan ko ang mga kausap kong engineer sa site. Halos paliparin ko na nga ang kotse kanina ng tumawag si Weng at sabihing pumutok na ang panubigan ni Mona at manganganak na. Hinatid daw ng service car ng security ang asawa ko sa hospital. Tinawagan ko na rin si mama para ipaalam na manganganak na si Mona.

Nakita ko si Weng sa tapat ng isang pinto na palakad lakad at hindi mapakali.

"Weng." Hinihingal na tawag ko sa kanya.

"Sir!"

"Nasaan na ang asawa ko?" Nagaalalang tanong ko.

"Nasa loob na po sya ng delivery room sir, hinihintay na lang si doktora." Sabi nya at tinuro ang nakasaradong pinto.

"Papasok ako." Sabi ko at akmang tutunguhin ang pinto ng pigilan ako ni Weng.

"Sir bawal po kayong pumasok, mapapagalitan po kayo ng mga nurse. Hintayin nyo lang po si doktora para bigyan kayo ng permiso." Saway nya sa akin.

Wala na akong nagawa kundi hintayin na lang si doktora. Hindi naman umabot ng ilang minuto ay dumating na rin ito at nagmamadali. Sinalubong ko ito at nagpaalam kung pwede ako sumama sa loob. Pumayag naman ito at inutusan akong magsuot ng surgical gown. Agad naman akong tumalima..

Nanlamig ang buong katawan ko pagpasok ko ng delivery room at nakitang nakahiga na ang asawa ko at nakabukaka. Bakas na sa mukha nya ang sakit. Agad akong lumapit sa kanya.

"Wife."

"E-Edward.. ang sakit." Daing nya. May namumuo ng luha sa gilid ng mga mata nya.

"Kaya mo yan wife ok, para kay baby kakayanin mo." Pagpapalakas ng loob ko sa kanya.

Tumango tango naman sya. Inabot nya sa akin ang kamay nya at hinawakan ko naman yun.

"Are you ready misis?" Tanong ni doktora na nakapwesto na sa pagitan ng hita nya.

Tumingin sya sa akin at humigpit ang hawak sa kamay ko. Tinanguan ko naman sya. Lumunok sya at tumango din.

"O-Opo doc."

At ilang sandali pa nga ay nilukob ang silid ng nakakabinging sigaw at daing nya. Parang gusto ko na ring sumali sa pagsigaw nya.

"Sige pa misis, ire pa." Sabi ni doktora.

"Arghhhhh!" Daing niya at halos pumutok na ang mga ugat sa leeg. Pawis na pawis na rin ang mukha nya at mahigpit na mahigpit ang hawak sa kamay ko.

"K-Kaya mo yan wife! Kaya mo yan." Nauutal na sabi ko habang pinupunasan ng panyo ang pawisan nyang mukha. Bawat sigaw nya ay lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko.

"One more misis push mo pa, hayan na si baby." Anang doktora na relax na relax lang.

Naalarma naman ako sa sinabi ni doktora. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko at nanlalamig ang buong katawan ko.

"Wife, hayan na raw si baby. Kaya mo yan! Push lang! Push!" Pagpapalakas loob ko sa kanya.

Malalalim ang bawat hugot nya ng hininga sabay ire ng malakas. "Arghhhhh!"

"Yes! Ganyan nga wife! Sige pa!"

"Arhhhh!"

"You're doing good misis, one more time." Sabi ni doktora. Umire ulit sya. Ako naman ay napapatiim bagang at pigil ang hininga.

"Mister ayos lang po kayo? Namumutla po kayo." Untag sa akin ng isang nurse.

"A-Ayos lang ako nurse." Sabi ko at pinunasan din ng hawak kong panyo na basa na sa pawis ni Mona ang mukha ko. Medyo nanginginig na rin ang kamay ko. Halo halo na ang nararamdaman ko. Kaba, takot, excitement at awa sa asawa kong nakapinta na ang hirap at sakit sa mukha sa panganganak. Kung pwede nga lang na kunin ko ang sakit at hirap na nararamdaman nya ay ginawa ko na. Parang ayoko na tuloy na manganak sya ulit kung ganitong nahihirapan at nasasaktan sya.

MonalisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon