chapter 21

22.9K 695 164
                                    

Mona

NAKATINGIN lang ako sa labas ng bintana ng kotse habang bumabyahe kami pabalik ng penthouse ni sir Edward. Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ng doktora na buntis ako, yun daw ang dahilan kung bakit mabigat ang pakiramdam ko tuwing umaga, nahihilo at nasusuka. Parang napakaimposible naman. Akala ko delay lang ang regla ko yun pala buntis na ako.

"Bukas pupunta tayo ng ob-gynecologist para matingnan ka at malaman natin kung ilang weeks na si baby. Dapat sana ngayon kaya lang ang sabi ni doktora ay pagpahingahin ka muna."

Kumibit kibot ang labi ko. Kanina pa sya daldal ng daldal, inuulit nya ang mga sinasabi ng doktora. Hindi halatang masaya sya, samantalang ako dito hindi alam kung ano ang mararamdaman. Wala sa plano ko ang mabuntis. Pero dahil sa alak at karupukan ko kaya heto may laman na ang tiyan ko. At itong katabi ko parang hindi man lang nakakaramdam. Umirap ako. 

Paano na ang mga kapatid ko? Ano na lang ang sasabihin nila na nabuntis ako ng amo ko. Bumuntong hininga ako.

"Mona, are you ok? Kanina ka pa tahimik dyan? May nararamdaman ka ba? Nahihilo ka? Nasusuka?" Sunod sunod na tanong nya.

Bumuntong hininga ulit ako at matabang ang mukha na nilingon sya. "Ayos lang ako. Napagod lang."  Labas sa ilong na sabi ko.

"Ganun ba, malapit na tayo sa penthouse. Wag ka munang magkikilos at magpahinga ka."

Hindi na ako sumagot at binalik ulit ang tingin sa labas ng bintana. Parang gusto kong umiyak.

"Mona."

Tawag sa akin ni sir Edward. Tamad naman na nilingon ko sya ulit. Sumulyap sya sa akin at bumuntong hininga.

"Alam kong nabigla ka at hindi pa handa, pero nandito na eh. Magkakababy na tayo."

Kumibot ang labi ko. Alam ko. Paulit ulit? Ngalingaling sabihin ko.

"At sinabi ko naman sa'yo noon di ba, kapag nabuntis ka akong bahala sa'yo. Di kita pababayaan."

Napakagat labi ako at tuluyan ng pumatak ang luha ko. Mabilis ko naman itong pinahid. Parang ang dali lang para sa kanya. Palibhasa kasi wala syang alalahanin. Madali lang sabihin para sa kanya kasi hindi naman sya ang buntis.

"Hindi pa ako handang magbuntis sir Edward. Pa'no na ang pamilya ko sa San Agustin? Pa'no ang mga kapatid kong nag aaral? Ako lang ang inaasahan nila." Sumisinghot na sabi ko.

"Hindi ka yata nakikinig sa sinasabi ko kanina eh. Inuulit ko ako ang bahala sa'yo at di kita pababayaan kasama na ang pamilya mo."

Tumigil ako sa pagsinghot at nilingon sya. "Talaga?" 

Sinulyapan naman nya ako at pormal na ngumiti sabay tango. "Kaya wag ka ng umiyak, baka maging iyakin si baby natin kapag lumabas."

Pinunasan ko naman ng kamay ang pisngi kong may luha pati ang gilid ng mata. Kinuha ko ang inabot nya sa aking mineral water na binili nya sa convenience store kanina at ininom. Halos mangalahati ang plastic na bote.

"Ok ka na?" Tanong nya.

"Hindi pa, nagugutom ako." Nakangusong sabi ko.

"Alright, hanap tayo ng makakainan." Aniya at tumingin tingin sa labas.

"Sa penthouse na lang, gusto ko ng jumbo hotdog yung may cheese sa loob." Yun kasi ang gusto kong kainin ngayon. Parang ang sarap sarap ng tunaw na cheese sa bagong pritong hotdog.

"Ok sa penthouse na lang tayo kakain, nagugutom na rin ako at para makapagpahinga ka na."

Nakaupo ako sa counter at nakapangalumbaba habang pinapanood si sir Edward sa ginagawa nya. Nakaharap sya sa electric stove at iniinit ang jumbo hotdog at bacon na pinirito ko kanina. Sabi ko ako na lang eh. Kaso mapilit sya at wag daw muna akong magkikilos dahil baka mahilo na naman ako, sya na lang daw ang gagawa. At dahil magtatanghalian na ay umorder na lang din sya ng pananghalian nya dahil ayaw naman nya akong pakilusin at hindi naman sya marunong magluto maliban sa prito.

MonalisaWhere stories live. Discover now