chapter 18

21.9K 708 148
                                    

Mona

MUNTIK ko ng mabitawan ang cellphone ng lumitaw ang bagong comment sa reply. Nanlamig ang kamay ko ng mabasa ang buong pangalan ni sir Edward at ang comment nya. Kasunod nun ay may pumasok na notification na friend request. In-add ako ni sir Edward! Mabilis akong nag log out. Baka akalain nya wala akong ginagawa at puro cellphone lang kapag wala sya.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Paano nya nalaman ang account ko? Malamang sinearch nya!

Ibinagsak ko ang katawan sa malapad na sofa at tumitig sa chandelier na nakasabit sa kisame. Hindi talaga ako mapakali. Nagawa ko na ang lahat ng pwedeng gawin dito sa penthouse para makalimutan saglit ang paghaharap namin mamaya ni sir Edward. Ugh! Makaligo na nga!

kinagabihan..

NAPAPALUNOK at kinakabahan na nakatayo ako sa harap ni sir Edward. Kakauwi lang nya, medyo napaaga nga eh at tinawag nya ako habang nasa kusina pa ako.

"Nanliligaw ba sa'yo yung Chris Espina na yun?" Tanong nya sa maawtoridad na boses habang kinakalas ang sinturon.

Napalunok ulit ako. Parang iba kasi ang dating nya ngayon sa akin. Ang lakas din ng pintig ng puso ko.

"Mona." Untag nya sa akin.

"Po?"

Namaywang sya. "Tinatanong kita,  nanliligaw ba kako sayo yung Chris Espina na yun."

"Si Chris po na fb friend ko?"

"Oo yun nga, yung may pamahal mahal pang nalalaman." Tila iritable nang sabi nya.

"Hindi ah! Friend ko lang po yun." Tanggi ko. Hindi naman talaga nanliligaw sa akin si Chris bagama't nagpapalipad hangin pero hindi ko na pinapansin.

"Eh bakit ganun kung makacomment yun?" Inis pa nyang tanong.

Napakamot ako sa ulo. Hindi ko tuloy maintindihan kung bakit parang nagagalit sya.

"Eh ganun lang po talaga yun mag comment." Nakangusong sabi ko.

"Tsk.." Inikutan nya ako ng mata habang salubong ang kilay na kinakalas nya ang butones ng polo nya.

Problema neto? Mainit na naman ang ulo.

"Nakapag luto ka na?" Muling tanong nya.

"Katatapos lang po."

"Maghain ka na, kakain na tayo. Pagkatapos mag uusap ulit tayo." Madiin ang pagkakasabi nya sa huli at tumalikod na paakyat sa kwarto nya.

Nayayamot na kumamot ako sa ulo. "Ba yan! Uusap ulit! Pwede namang kalimutan na lang eh." Bubulong bulong at papadyak padyak na bumalik ako sa kusina para maghain na.

Tahimik lang kaming kumakain at walang umiimik sa amin. Kung ako ay medyo lalamya lamya kumain sya naman ay tila gutom na gutom at sarap na sarap sa kinakain. Kunsabagay ganyan naman sya kumain. Masarap kasi akong magluto. Wala sa sariling napangiti ako. Nag mag angat sya ng tingin sa akin ay mabilis akong yumuko at sinunod sunod ang subo.

Ng matapos ang hapunan ay nagligpit na ako. Samantalang sya ay imbes na sa library dumiretso gaya ng kinagawian nya pagkatapos kumain ay sa sala sya naupo at binuksan ang malaking tv. Napaingos ako. Talagang hinihintay nya ako. Yamot na yamot na binagalan ko ang ginagawa. Baka sakaling mainip sya ay pumasok na lang sya sa library o kaya umakyat sa kwarto nya.

"Mona ang tagal mo naman dyan." Untag nya sa akin mula sa sala na ikinaigtad ko.

"Kasi naman ih!" Bubulong bulong na sabi ko.

"Malapit na po." Sabi ko.

"Bilisan mo."

Tinapos ko na nga ang paghuhugas at pagpupunas. Wala na nga talaga akong kawala.

Parang bibitayin na mabagal akong lumapit sa kanya. Heto na naman ang kabog ng dibdib ko.

"Ano bang lakad yan? Para kang robot. Maupo ka nga." Utos nya sa akin sabay patay ng tv.

Nakangusong umupo ako sa sofang kaharap nya. Hindi ako tumitingin sa kanya at binaling sa ibang direksyon ang mata. Ramdam kong nakatingin sya sa akin.

"Tumingin ka nga sa akin Mona. Para kang tarsier dyan, ang laki ng mata mo."

Tumingin na ako sa kanya at sumimangot. Grabe naman sa tarsier! Pero ang walanghiya kong amo nginisihan lang ako.

Sumandal sya sa backrest ng sofa at dumekwatro habang hindi inaalis ang tingin sa akin. Pumormal ang kanyang mukha.

"Noong isang linggo pa kita gustong kausapin kaya lang lagi mo naman akong iniiwasan na para akong masakit sa mata at may sakit na nakakahawa."

Napayuko ako sa sinabi nya. "Sorry po, naiilang lang kasi ako." Halos pabulong na sabi ko.

"Alam ko, kaya nga pinalipas ko muna ang ilang araw. Pero hindi pwedeng magtagal yung ganito na lagi mo kong iniiwasan. Tayo na nga lang dalawa dito sa penthouse iiwasan mo pa ako." Pasermon na sabi nya.

Kumamot naman ako sa ulo.

Bumuntong hininga sya. "Yung nangyari sa atin noong gabing yun -- "

"K-Kalimutan na lang po natin sir, parehas po tayong lasing nun at hindi alam ang ginagawa." Putol ko sa sasabihin nya.

"Hindi natin pwedeng kalimutan yun at hindi ako lasing ng gabing yun."

Napakagat labi ako sa sinabi nya at nag init ang mukha. Hindi ko inaasahan na yun ang sasabihin nya. Bumalik sa alaala ko ang nangyari sa amin ng gabing yun dito mismo sa sala.

"Mona, hindi natin pwedeng kalimutan at ipagsawalang bahala ang nangyari sa atin ng gabing yun. Pa'no kung mabuntis ka?"

"Po? Wag naman!" Nag angat ako ng mukha nanlaki ang mata sa sinabi nya.

"Hindi imposible yun. Wala tayong proteksyon nang gawin natin yun. Lalo na ko."

Napakagat labi ako at lihim na napamura. Oo nga! Bakit ko ba nakalimutan? Pa'no pala kung mabuntis ako? Paktay!

"Pero isang beses lang naman yun sir."

"Oo, kasi tinulugan mo ko." Aniya sa tonong tila naninisi. Pero hindi ko na lang yun pinansin. Ang dapat kong intindihin ngayon ay ang sinabi nya.

"Imposible naman sigurong mabuntis ako agad agad sir, kasi isang beses lang naman yun eh." Giit ko pa. Hindi ako pwedeng mabuntis. Pa'no ang mga kapatid ko?

"Pa'no ka nakakasiguro? Safe ka ba ng gabing yun?"

"Hin..di ko alam."

Bumuntong hininga sya. "Hintayin natin kung may mabubuo o wala."

"Sana wala." Agad na sabi ko.

"Mona."

"Pa'no ako kapag nabuntis ako? Pa'no ang pamilya ko? Ang mga kapatid ko? Ako lang ang inaasahan nila." Naitukod ko ang dalawang siko sa tuhod ko at namomroblemang sinuklay ang buhok. Kasalanan ko naman kasi, ang harot harot ko. Hinalikan lang bumigay na. Pa'no talaga kapag nabuntis ako nito? Pa'no na!

"If ever na mabuntis ka hindi naman kita pababayaan." Sabi nya.

Tiningnan ko sya. Sinalubong ko ang matiim nyang tingin. Mukhang sinsero naman sya sa sinabi nya. Kahit papaano ay medyo nabawasan ang bigat sa loob ko pero hindi pa rin sapat yun. Malaking responsibilad ang kaakibat ng pagbubuntis, ng pagkakaroon ng anak. Lalo na sa kagaya ko na may responsibilidad pa sa pamilya.

Tumayo sya at lumapit sa akin. Umiskwat sya sa harapan ko para magpantay ang mukha namin. Tinitigan nya ako ng diretso sa mata.

"Trust me, akong bahala sa'yo ok."

Lumunok ako. "P-Paano kung.. may mabuo nga? Anong mangyayari sa akin?"

"Pananagutan kita. Pakakasalan kita."

*****

Short update muna. Balakayo jan kung bitin kayo. 😆 Rest muna ako masakit na ang mga daliri ko kakasulat at kakatype maghapon. Labyu ol! 😘♥️

MonalisaWhere stories live. Discover now