chapter 2

22.3K 641 93
                                    

Mona

Napakagat labi ako at napayuko habang kaharap ko si señorito Yñigo, Amira at ang galit na galit na si señorito Edward na para nang basang sisiw at tila gusto na akong kainin ng buhay sa sama ng tingin nya sa akin. Di ko naman sinasadya na masabuyan sya ng tubig. Bigla syang lumitaw eh.

Bumuntong hininga si señorito Yñigo. "Magpalit ka na lang ng damit Ed." Mahinahong sabi nya.

"Eh ano pa nga ba? Bibihira na nga lang akong dumalaw dito ito pa ang aabutin ko." Nakapamewang at inis na sabi ni señorito Edward na matalim pa rin ang tingin sa akin.

"S-Sorry po talaga señorito Edward, hindi ko po talaga sinasadya. Bigla po kasi kayong lumitaw eh."

"At talagang kasalanan ko pa? Bakit kasi dun ka nagtapon ng tubig eh daanan ng tao yun." Nanggagalaiting sabi nya. Halatang lalo pa syang nainis sa sinabi ko.

Si señorito Yñigo ay nakahalukipkip na tumingin din sa akin. Si Amira naman ay napangiwi. Habang sila mamang Flor, manang Lita at iba ko pang kasamahang kasambahay ay nababahalang nakatingin sa kin mula sa entrada ng kusina.

Muli akong napakagat labi. "Eh hindi ko naman po basta tinapon lang doon ang tubig, idinilig ko po yun sa halaman para hindi po masayang."

"Aba't talagang sumasagot ka pa ha?" Angil nya at pinandilatan ako ng mata.

Napalunok ako. "Hindi po ako sumasagot, n-nangangatwiran lang po."

Napahilamos sya ng mukha sa inis at kinumpas kumpas ang kamay sa ere. Tumingin sya sa akin at tinaas ang kamay.

"Pasalamat ka at hindi ako ang amo mo, kung hindi tanggal ka na sa trabaho mo." Aniya.

Narinig ko namang nagsinghapan ang mga kasamahan kong kasambahay. Maging si Amira ay napasinghap din at napahawak sa malaki nyang tiyan.

Napanguso naman ako. "Grabe naman po kayo, eh hindi ko nga po sinasadya eh."

"Ah Mona, sige na bumalik ka na lang sa kusina." Agap ni señorito Yñigo.

Samantalang ang pinsan nyang mukhang pinaglihi sa sama ng loob ay kulang na lang magbuga ng apoy sa galit sa akin. Mabuti na lang talaga hindi sya ang amo ko.

Tumango ako at bahagyang yumuko. "Pasensya na po talaga señorito." Hinging paumanhin ko ulit bago tumalikod at tumungo sa kusina kung saan mga nakatanga ang mga kasamahan ko.

"O magsibalik na kayo sa ginagawa nyo." Untag sa kanila ni manang Lita.

Nakikisimpatyang tumingin pa sila sa akin. Si Berna na sinenyasan pa ako na usap kami mamaya. Tumango na lang ako. Lulugo lugong kumuha ako ng baso at nagsalin ng tubig mula sa pitsel.

"Mabuti na lang talaga at hindi dito nakatira  si señorito Edward, kundi talagang tanggal ka sa trabaho." Iiling iling na sabi ni manang Flor.

Napakamot naman ako sa ulo sabay buntong hininga. Kung mamalasin pala mawawalan talaga ako ng trabaho.

"Eh hindi ko naman po talaga sinasadya manang, bigla syang sumulpot eh."

"Alam ko, pero mag iingat ka pa rin." Bilin nya.

"Opo manang."

"Kailangan talaga mag ingat lalo na kapag nandito si señorito Edward. Ayaw nun ng mamali mali at mabilis mag init ang ulo. Ibang iba kay señorito Yñigo. Pero mabait naman yun lalo na kapag nasa mood." Singit ni manang Lita.

Napaingos na lang ako at napaikot ang mata sa hangin. Parang di rin!

Hindi lang naman kanina ang unang beses na nagkabangga kami. Yung una ay noong kasal nila Amira at señorito Yñigo, hindi ko rin sinasadya na mabangga ko sya. Eh kasi naman ang laking harang eh. Nag sorry na nga ako sinungitan pa nya ako. Kapag nandito sya lagi ko syang nahuhuling nakatingin sa akin kapag dadaan ako sa harap nya tapos sisimangutan nya ako. Ano kaya yun?

MonalisaWhere stories live. Discover now