chapter 28

23.4K 681 153
                                    

Mona

"FEEL AT HOME iha, ituring mo na rin itong bahay mo." Nakangiting sabi ni mama Noemi pagpasok namin sa malaking bahay nila hindi kalayuan sa mansion.

"Salamat po mama Noemi." Nahihiyang sabi ko at kiming ngumiti.

"Mama na lang ang itawag mo sa akin wag mo nang isama ang pangalan ko."

"Pasensya na po, hindi pa po kasi ako sanay." Pangiwi na ang ngiti ko.

"Masasanay ka din iha. O sige na magpahinga na kayo sa kwarto nyo dahil maaga pa kayo bukas aalis pabalik ng Manila."

"Sige ma akyat na kami sa taas, matulog na rin kayo." Ani Edward at humalik sa pisngi ni mama Noemi.

Tumingin naman sa akin si mama Noemi na parang hinihintay na halikan ko din sya sa pisngi. Kaya kahit nahihiya ay ginawa ko.

"Good night po mama." Sabi ko ng mahalikan sya sa pisngi.

"Goodnight iha."

Hawak ni Edward ang kamay ko paakyat sa grandiyosong hagdan. Pagkagaling sa mansion ay dito na kami dumiretso. Ang mga kapatid ko naman at si nanay ay pinahatid ni Señor Arseño ng sasakyan pauwi sa bahay. Bukas ay maaga kaming babalik ng Manila dahil may mga trabahong naiwan si Edward. Pero dadaan muna kami sa bahay para magpaalam kay nanay at sa mga kapatid ko. Parang ayoko pa ngang bumalik ng Manila eh. Kaso hindi naman daw pwede na maiwan ako dito at si Edward ay nasa Manila. Ayon sa matulis kong asawa.

Pagpasok namin sa kwarto namin na kwarto nya ay doon na ako nakaramdam ng pagod. Gusto ko ng humilata sa malaki at malambot na kama. Dati ay hindi naman ako mabilis mapagod pero normal lang daw yun sa buntis.

Ngayon ang problema na lang ay pamalit kong damit. "Wala pala akong baong damit. Nu ba yan." Kakamot kamot sa ulong sabi ko. Nagiging makakalimutan na ako lately. Kasi naman ang daming ganap.

Sabay naman may inabot sa aking damit at shorts na maliit si Edward.

Nilingon ko sya at kinunutan ng noo. "Ano yan? Gabi na paglalabahin mo pa ako?"

Sya naman ang kumunot ang noo. "Hindi! Yan ang isuot mo. Alam kong wala kang dalang damit."

Napakamot ako sa ulo. Akala ko paglalabahin nya ko eh.

"Pero damit mo yan ih." Sabi ko.

"Oo nga, mag asawa na tayo kaya ok lang na suotin mo ang damit ko." Sabi nya.

Napanguso ako. "Ganun ba yun? Bakit di ko alam yun?"

"Marami ka pa talagang hindi alam. Pero wag kang mag alala tuturuan kita sa maraming bagay tungkol sa mag asawa." Sabi nya na medyo nakangisi na.

Parang nagdududa ako sa mukha nya eh. Lalo na kapag ganyang nakangisi sya.

"Sige na magbihis ka na, hayun ang banyo." Sabi nya at tinuro ang isang pinto. Humakbang naman ako patungo doon pero natigilan din.

"Wala pala akong bra at panty." Sabi ko.

Tumaas ang kilay nya. "And so?"

Sinimangutan ko sya. "Anong and so? Wala akong panloob." Hindi ako komportableng walang panloob. Kahit panty man lang sana.

Namaywang sya. "Ayos na yan, hindi mo naman kailangan mag underwear kapag matutulog tayo."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. "Ayoko nga! Baka may gawin ka sa kin no." Akusa ko sa kanya.

"Ano namang gagawin ko sa'yo na hindi mo magugustuhan?" Nakangising tanong nya at dahan dahan pang humakbang palapit sa akin.

Umatras naman ako. "W-Wala!" Sabi ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa kaba habang nakatingin sa kanya. Yung mga mata nya na nangaakit. Ganyan ang mga mata nya kapag gusto nyang makipag chukchakan sa akin.

MonalisaWhere stories live. Discover now