chapter 3

21.1K 663 145
                                    

Edward

"Oh jeez Clea! Stop being so dramatic!" Inis na sabi ko sa nobya sa kabilang linya. Hindi pa kasi ako nakakaisang araw dito sa San Agustin ay gusto na nyang pabalikin ako ng Manila.

"I'm not being so dramatic Ed, I'm just protecting what's mine! Baka mamaya kung sino sino na ang babaeng kausap mo dyan gayong wala ako sa tabi mo." Tungayaw nya sa kabila sa linya.

Mula sa leather chair ay tumayo ako at tinungo ang balcony. Inis na hinilot ko ang tungki ng ilong ko.

"Wala akong babaeng kinakausap dito ok. Maliban kay mama at sa mga kasambahay. So please, don't be so paranoid." Pinilit kong maging mahinahon. Wala ako sa mood makipagtalo ngayon sa kanya.

Narinig ko namang pumalatak sya at bumuntong hininga.

"Fine I'm sorry hon, hanggang kelan ka ba kasi dyan sa San Agustin?"

Nagiba na ang tono ng boses nya, naging malambing na. Ganito naman sya lagi eh.

"Hanggang sa huwebes pa hon, pero sa gabi lilipad na ako pabalik ng Manila."

"What? Hanggang sa huwebes ka pa dyan? Bakit ang tagal naman!"

"Na explain ko na sayo di ba?" Tila umiinit na naman ang ulo ko.

"Uhuh, pero ang tagal naman hon. 3 days kang wala, ngayon pa nga lang miss na miss na kita." Nagmenor naman sya sa tono ng boses nya.

Napangiti ako. Ito ang gusto ko sa kanya kapag alam nyang naiinis na ako ay marunong syang magmenor.

Bumuntong hininga ako. "Miss na rin kita hon, ikaw kasi eh. Ayaw mong sumama dito. Ilang beses na kitang niyayaya pero hindi mo naman ako pinagbibigyan."

"Hon, you know naman na di ko bet pumunta sa mga probinsya. Ano naman ang gagawin ko dyan? Walang malls, meron man iisa lang maliit pa. Walang hotels, walang casino, walang high class bar etc. na meron dito sa Manila. Kaya hindi ko talaga bet ang pumunta ng probinsya."

Napakamot ako sa batok sa mga sinabi nya.
"Fine, hindi na kita pilitin." Nasabi ko na lang.

"Ok hon, hintayin na lang kita dito sa condo ko. Basta pagbalik mo ng Manila dito ang diretso mo ha."

Napahilot ako sa sentido. Narinig ko naman ang pagbukas ng pinto. Lumingon ako at nginitian si mama na pumasok na.

"Yeah sure, I need to hung up now hon. Mom is here, may pag uusapan pa kami."

"Ok hon, say hi for me na lang to tita. Love you."

"Love you too, bye." Paalam ko sabay patay ng phone.

Hinarap ko si mama na elegante ng nakaupo sa couch habang binubuklat ang isang business magazine. Alam ko namang wala doon ang atensyon nya. Ako naman ay bumalik sa pagkakaupo sa leather chair at nilapag ang phone sa mahogany table.

"Ma." Untag ko sa kanya.

Nag angat sya ng mukha sabay sarado ng magazine at nilapag sa lamesita. Mataman nya akong tiningnan.

"Anak, hanggang kelan mo ba pagtitiisan pakisamahan yang si Clea." Aniya.

Bumuntong hininga ako. "Ma, nobya ko ho si Clea at mahal ko sya."

"Mahal? Eh halatang hindi ka na masaya sa kanya eh." Dugtong pa nya.

"Akala nyo lang yun ma, masaya ako sa pagsasama namin ni Clea at malapit ko na rin syang alukin ng kasal." Parang labas sa ilong na sabi ko.

"Kasal? No anak! Hindi ko sya gusto para sa'yo."

"Ma."

"She's a spoiled brat Edward. Walang syang alam kundi magbar hopping gabi gabi, sumayaw sa kung saan saang club, mag mall kasama ang mga spoiled brat nyang mga kaibigan. Wala syang alam anak. Paano ka nya aalagaan? Paano kapag nagkaanak kayo? Hindi pwedeng iasa nyo lang ang lahat sa yaya. Naku anak, dusa ang aabutin mo kapag yang Clea na yan ang napangasawa mo." Iritable nang sabi nya pero hindi pa rin nawawala ang poise.

MonalisaWhere stories live. Discover now