chapter 23

25.2K 729 229
                                    

Mona

NANLALAMIG ANG mga kamay ko habang kaharap si ma'am Noemi. Nag a-almusal ako ng dumating sya. Si sir Edward ay maagang umalis dahil pupunta syang Laguna.

At ngayon nga ay magkaharap kami ni ma'am Noemi dito sa sala. Kanina pa niya ako tinitingnan, lalo na ang bandang tiyan ko. Kaya malakas ang kutob kong baka alam na nya na buntis ako.

"Relax iha, you look tense." Nakangiting sabi nya.

Ngumiti naman ako pero pangiwi.

"M-Ma'am Noemi -- "

"Alam ko na iha."

Natigilan ako. "A-Alam nyo na po?"

"Yes, na dinadala mo ang apo ko." Naging pormal ang mukha nya.

Napalunok ako kasabay ng malakas na kalabog ng dibdib ko. Patay! Heto na ang kinatatakutan ko! Baka palayasin nya ako!

"M-Ma'am Noemi, H-Hindi ko po sinasadya ang nangyari sa amin ni sir Edward. N-Nakainom po kami noon. Isang beses lang po nangyari yun at hindi na naulit. Hindi ko po inakit si sir Edward maniwala po kayo ma'am. Hindi po ako ganung babae." Nauutal at diretsong sabi ko.

Tumawa naman sya. "I know iha, pinaliwanag na sa akin lahat ni Edward."

Napaawang ang  labi ko. Sabi na eh! 

Napakagat labi ako at yumuko. Nakakahiya baka kung ano ang isipin sa akin ni ma'am Noemi. Baka kung ano ang sabihin nya sa akin gayong wala dito sir Edward. Napalunok akong muli.

"Excited na ko sa apo ko iha. Akala ko matatagalan pa bago ako magkaapo kay Edward. Pero tingnan mo nga naman, darating talaga ang blessing sa panahong hindi mo inaasahan. Regalo na rin ito sa nalalapit na birthday ni Edward." Ngiting ngiti na sabi ni ma'am Noemi at pumapalakpak pa.

Nagangat ako ng mukha at napatanga sa reaksyon nya. Iba kasi ang inaasahan ko eh. Yung sasabihin nyang 'Ito ang isang milyon layuan mo ang anak ko at magpakalayo layo!'

Tipid akong ngumiti sa kanya habang magkasalikop ang kamay. Nahihiya pa rin ako sa kanya.

Natigilan naman sya at nawala ang ngiti. "O bakit?"

Napakagat labi ako. "Nahihiya po kasi ako sa inyo ma'am." 

Bumuntong hininga sya at muling ngumiti. "Wag ka ng mahiya sa akin iha, magiging isang pamilya na tayo dahil magpapakasal na kayo ni Edward."

"Po? Magpapakasal kami?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

"Oo, bakit? Hindi nyo pa ba napaguusapan?" 

Kumagat labi ako. Nabanggit naman sa akin iyon ni sir Edward. Ang sabi nya kapag nabuntis nga ako ay pakakasalan nya ako pero hindi na ulit nabanggit iyon dahil mas napagtuunan ang baby namin. Yun pala binanggit na nya sa mama nya.

"Wait, ayaw mo pa bang magpakasal?"

Tumingin ako sa kanya at tipid na ngumiti. "H-Hindi po sa ganun ma'am, ano po kasi.." Napakamot ako sa ulo. "Hindi pa po ako sigurado saka hindi pa po alam ng pamilya ko sa San Agustin."

Ngumiti sya. "I understand iha, ang mabuti siguro ay magusap muna kayo ni Edward ng masinsinan."

Tumango tango na lang ako. Talagang dapat kaming mag usap ng paladesisyon kong amo. Ni hindi man lang sya nagtanong sa akin. Ano to? Sya lang ang may boses sa aming dalawa porke't amo ko sya.

Nagkwentuhan pa kami ni ma'am Noemi tungkol sa pagbubuntis ko. Kinuwento nya yung mga naranasan noong unang magbuntis sya kay sir Edward. Napansin kong madaldal din pala siya pero may class pa rin. Kahit papaano ay nawala ang pagkailang ko sa kanya.

MonalisaWhere stories live. Discover now