chapter 38

22.6K 718 305
                                    

Mona

NAALIMPUNGATAN AKO sa dalawang boses na nag uusap pati na rin sa amoy ng gamot. Naririnig ko ang boses ni Edward. Dahan dahan kong dinilat ang mga mata. Una kong nabungaran ang puting kisame. Luminga ako at nakita ko naman ang kulay green na kurtina. Amoy gamot sa paligid. Mukhang nasa hospital ako. Napasinghap ako ng maalala ang huling nangyari bago ako nawalan ng malay. Kinakaladkad ako ni ma'am Clea sa hallway habang sabunot ang buhok. Nakita ko ang pagdating nila Mang Dodi. Bukod doon ay naramdaman ko ang sakit sa bandang puson ko bago ako nawalan ng malay.

Iginala ko pa ang mga mata at nakita ko si Edward na nakaupo at hawak hawak ang kamay ko. Kausap nya si mama Noemi.

"E-Edward.." Tawag ko sa pangalan ng asawa ko.

Sabay silang lumingon ni mama Noemi sa akin.

"Wife."

"Iha, kamusta ang pakiramdam mo?"

Halos sabay na sabi nilang dalawa. Bakas sa kanilang mukha ang pag aalala.

"Ok lang po ako at medyo nahihilo lang. Medyo masakit din ang puson ko at anit. Ano bang nangyari? Bakit ako nandito sa hospital?" Nagugulimihanang tanong ko.

"Sinugod ka ng ambulansya dito sa hospital dahil dinugo ka." Sabi ni Edward  at hinaplos haplos ang pisngi ko. Bakas sa kanyang mukha ang sobrang pag alala at stress.

Napasinghap ako at awtomatikong humawak sa puson. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa takot. Kaya pala may nararamdaman akong kirot.

"D-Dinugo ako? S-Si baby!" Bulalas ko.

"Don't worry wife, our baby is fine." Malumanay na sabi ni Edward at hinawakan ang kamay kong nakapatong sa puson ko. Doon lang ako nakahinga ng maluwag. Salamat naman at ok lang si baby.

Si.. Si ma'am Clea?" Bigla kong naalala ang babaeng yun na parang wala sa sarili kanina na nanakit sa akin.

Dumilim ang mukha ni Edward at tumiim ang bagang. "Wag mo na syang isipin nasa kulungan na sya."

Napasinghap ako. "Nasa kulungan? Anong ibig mong sabihin?"

"Pinakulong ko sya." Parang wala lang na sabi nya. Gumuhit ang galit sa mata nya. 

"B-Bakit mo sya pinakulong?" Di makapaniwalang tanong ko.

"Sinaktan ka nya. Muntik na kayong mapahamak ni baby. Kaya dapat lang sa kanya na makulong ng magtanda sya." May galit sa boses na sabi nya.

Galit din ako kay ma'am Clea sa ginawa nya sa akin lalo na at nalagay sa panganib si baby. Pero nakakaawa naman sya sa kulungan.

"Wag mo nang isipin ang babaeng yun iha, tama din ang ginawa ng asawa mo para magtanda sya at magsisi." Segunda pa ni mama Noemi.

Tumango na lang ako at hindi na nagsalita. Ang importante ok kami ni baby. At sana lang ay magsisi na si ma'am Clea sa ginawa nya.

Dumating ang doktor at tinanong ako kung kamusta na ang pakiramdam ko. Pinayuhan din nya kami na pumunta sa ob namin at maari na kaming umuwi.

Sobrang alalay sa akin si Edward papuntang banyo. Magpapalit kasi ako ng damit bago umuwi. Pagpasok ko ng banyo ay nagulat pa ako ng sumunod din si Edward at sya pa ang naglock ng pinto.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Tutulungan kitang magbihis." Parang wala lang na sabi nya at lumapit pa sa akin. Hinawakan nya ang dulo ng damit ko para hubarin pero pinigilan ko sya.

"T-Teka lang, ako na. Doon ka na lang sa labas." Nagiinit ang pisnging taboy ko sa kanya.

"Tutulungan na kita baka hindi mo pa kayang kumilos." Giit nya.

MonalisaWhere stories live. Discover now