Special Chapter 1

23.2K 719 129
                                    

Mona

"ANG CUTE ni baby ate!" Bulalas ni TanTan habang nilalaro si baby Easton na buhat buhat ko. Apat na buwang gulang na ito at parang hinanginan na bigla itong lumubo.

"Mas cute sya sa'yo." Buyo naman ni Paulina.

"Parehas kaming cute, di ba ate?"

Tumawa ako. "Oo, parehas kasi kayong mataba."

"Mas cute pa rin si baby Easton kasi baby pa sya ikaw damulag ka na." Pambubuyo din ni Otep kay TanTan. Akmang susuntukin ito ni TanTan ng sawayin lang ni nanay.

"O, tama na yan. Wag na kayong mag asaran at nakakahiya sa mga bisita." Mahinang saway ni nanay.

"Yan kasi ang gugulo nyo." Sabat naman ni Echo.

Natutuwa ako na makitang nandito sila sa binyag ni baby Easton. Dito na kasi namin dinaos sa Manila ang binyag dahil hindi pa namin pwedeng ibyahe sa malayo si baby. Kaya sila na lang ang bumiyahe papunta dito. Tuwang tuwa naman ang mga kapatid ko dahil first time nila dito sa Manila.

"Congratulations anak, may baby ka na." Nakangiting bati sa akin ni nanay.

"Salamat nay, may apo ka na rin." Natatawang sabi ko. Natawa din sya at hinaplos ang ulo ni baby Easton.

"Kung nabubuhay lang ang tatay mo tiyak na tuwang tuwa yun. Malamang ipagmayabang pa nya sa mga kainuman nya."

"Tiyak yun nay. Sana gabayan din nya sa langit si baby Easton."

"Kung sa langit sya napunta." Nakangising sabi ni nanay na ikinatawa ko.

"Grabe ka kay tatay nay, baka dalawin ka nun mamaya sa panaginip."

Sabay na kaming natawa ni nanay. Ang mga kapatid ko naman ay nagpulasan na. Magkakasama ang tatlo na pumasok sa loob ng bahay. Malamang ay mag iikot yun. Si Paulina naman ay nasa isang mahabang lamesa na at kumakain. Pagkagaling sa simbahan ay dito na kami sa bahay dumiretso para magtipon tipon at magkainan. Kumpleto ang mga bisita namin. Mula kay lolo Arseño na talagang pinilit na makasama dito sa Manila para makita ang apo nya sa tuhod. Si señorito Yñigo este kuya Yñigo at Amira ay nandito din kasama ang kambal nila na isang taong gulang na. Hindi lang nakasama sila manang Flor, manang Lita, Berna at ate Conching dahil walang maiiwan sa mansion kaya nag video call lang kami kanina para makita nila si baby Easton. Nandito rin ang tiyahin ni Edward na si tita Cecil at ang anak nyang si Kuya Migz na ayaw magpatawag ng kuya sa akin. Migz na lang daw dahil close na kami. Nakakatuwa sya dahil ibang iba sya sa mga pinsan nya. Napakasimple nya at may ugaling pangkanto kaya nga naging close kami kasi relate kami sa isa't isa. Nandito din si Elaine na talagang pinilit din makauwi galing sa New York. Ninang kasi sya ni baby Easton. Nandito din sila Mang Dodi, Mang, Gilbert, Kuya Caloy, ate Me-an, ate Lydia at iba pa. Mga ninong at ninang din sila. Sila na nagpresinta sa mga sarili nila. Syempre sino ba ako para tumanggi. At ayos lang naman yun kay Edward. Pati si Chris ay nandito din dahil ninong din sya. Noong una ay gusto syang alisin ni Edward sa listahan dahil binalak daw nyang manligaw sa akin. Pinakiusapan ko lang ito at sinabing magkaibigan lang kami na totoo naman. At saka may girlfriend na rin sya at kasama nga nya ngayon. Kaya naman naging civil na rin ang pakikitungo ni Edward sa kanya, syempre magkumpare na sila.

"Wife akin na muna si baby Easton baka pagod ka na, kumain ka na rin pinagsandok na kita." Ani Edward at maingat na kinuha sa akin si baby Easton. Nilagay ko naman sa balikat nya ang malinis na bimpo.

"Eh ikaw, kumain ka na ba?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko pa sya nakikitang kumain dahil naging abala sya sa pagestima sa mga bisita.

"Mamaya na pagkatapos mo." Sagot nya at bineybi talk si baby Easton. Napapangiti na lang ako. Ang cute nya kasing tingnan kapag kinakausap nya si baby Easton.

MonalisaWhere stories live. Discover now