chapter 36

20.9K 662 249
                                    

Edward

"ELAINE."

"Oh my god anak! You're here!"

Halos sabay kaming tumayo ni mama para salubungin si Elaine. Ang bunso at kaisa isa kong kapatid. Una akong lumapit sa kanya at niyakap sya.

"Welcome back sis, I missed you." Sabi ko at tinapik ng marahan ang likod nya.

"I missed you too kuya."

Sumunod naman na yumakap si mama.  Masaya kami na nandito sya. Ang alam ko ay bakasyon na nila pero hindi naman sya nagpasabi na uuwi na pala sya.

"Sinurpresa mo naman kami anak. Hindi ka nagsabi na uuwi ka pala." Ani mama na maluha luha pa sa sobrang pagka miss dito.

"Surpresa nga kasi ma. Sobrang namiss ko kayong dalawa ni kuya." Nakangusong sabi ni Elaine na nakayakap pa rin kay mama.

"Sobrang namiss ka rin namin ng kuya mo bunso."

"So how's school princess? Baka naman nagbo-boyfriend ka na." Pabirong sabi ko sa kanya.

Si Elaine ay 21 years old at kasalukuyang nag aaral ng fashion designing sa New York.  Hindi sila nagkakalayo ng edad ni Mona. Mas bata lang sya kay Mona ng isang taon. Paniguradong magkakasundo sila dahil parehas silang may kakulitang taglay.

"Of course not kuya! School at bahay lang ako no." Nakangusong sabi ni Elaine. May mga kamag anak si papa sa New York at doon sya nanunuluyan habang nag aaral at para mabantayan na rin. Mabarkada kasi sya at gala noong dito pa sa Pinas nag aaral. Kaya napagdesisyunan ni mama na doon sya pag aralin ng kolehiyo.

"Aww good girl na pala itong bunso ko." Sabi ni mama na bineybi pa ito.

Napangisi at napailing na lang ako. Sila ang laging magkasundo sa maraming bagay dahil parehas silang babae pero madalas ding uminit ang ulo ni mama dito dahil may pagka brat at matigas ang ulo. Palibhasa kasi spoiled na spoiled kay papa noong nabubuhay pa.

"I'm not pasaway na ma." Ani Elaine at bumaling sya sa akin. "Anyway kuya, where's your wife? I'm excited to meet her na." Turan nya at luminga linga sa loob ng library.

"She's not here, nasa penthouse sya." Sabi ko.

"Oh ok, pero one of these days pupunta ako sa penthouse para maka chika sya." Excited na sabi nya.

"Sure, basta wag mo lang syang turuan ng mga kalokohan kundi malalagot ka sa akin." Birong banta ko sa kanya.

Ngumisi naman sya. "Di ko mapapramis yan kuya -- oh wait may nag chat."

Kinuha nya ang cellphone sa branded na sling bag nya. Nakita kong nakibasa pa si mama sa chat niya at nangunot ang noo nito.

"Si Clea ang ka chat mo?" Tanong ni mama.

"Yes ma, sya nga ang unang sinabihan ko na uuwi ako eh. At magkikita kami mamaya."

Natigilan ako sa sinabi nya. Muntik ko ng makalimutan. Sobrang close nga pala nila ni Clea. At magkakuntyaba pa nga sila minsan sa mga kalokohan. 

"Sige ma, kuya, labas na ko. Magbu-beauty rest muna ako para makasabay naman ako sa beauty ni ate Clea." Aniya at bumitaw na ng yakap kay mama at humalik sa pisngi nito, ganun din sa akin.

"Mas maganda ka sa kanya anak ng sampung beses." Pahabol na sabi ni mama.

"I know ma, mana ako sa inyo eh." Aniya at hinawi pa ang may kulay na buhok bago lumabas.

Tumingin sa akin si mama ng makalabas na si Elaine. "Ayos lang sayo na close pa rin silang dalawa ng ex mo?"

Bumuntong hininga ako. "Ayos lang ma, hindi ko naman hawak ang desisyon ni Elaine, saka malaki na sya."

MonalisaWhere stories live. Discover now