chapter 4

19.3K 611 157
                                    

Mona

Tama ba yung narinig ko na inalok ako ng señor na magtrabaho bilang kasambahay ni señorito Edward sa Manila?

"Naghahanap kasi itong anak kong si Noemi ng kasambahay na makakasama ni Edward sa penthouse nya. Ang gusto nya yung kilala at mapagkakatiwalaan." Dugtong pa ng señor.

"A-At ako po ang napili nyo?"

"Ikaw lang kasi ang pupwede. Tinanong ko na si Flor at ikaw din ang pinrisinta nya. Sang ayon naman ang anak kong si Noemi."

Tipid akong nginitian ni señorita Noemi. Ginantihan ko rin sya ng kiming ngiti.

"Ikaw ang naisip kong maaaring maging kasambahay ni señorito Edward sa Manila dahil dalaga ka. Sila Berna, Conching at iba pa ay hindi maaari dahil may mga anak silang maliliit pa." Paliwanag sa akin manang Flor.

Lahat kasi ng mga kasamahan kong kasambahay ay pamilyado na. Ako na nga lang ang hindi pa at pinakabata.

"Don't worry iha, doble ng sinasahod mo dito ang ipapasweldo sayo." Singit ni señorita Noemi.

Dobleng sweldo? Ang laki nun ah! Tapos sa Manila pa. Matagal ko na ring gustong makapunta ng Manila.

"Pero na sa'yo pa rin iha kung gusto mo. Ayos lang naman kung tatanggihan mo hahanap na lang ako ng iba -- "

"Gusto ko po!" Sagot ko agad.

"Sigurado ka?" Tanong ni señor.

Sunod sunod akong tumango at ngumiti. "Eh malaking tulong po sa pamilya ko ang suswelduhin ko dahil apat po ang kapatid kong nag aaral."

"Ganun ba iha, napakabait mo naman pala." Puri sa akin ni señorita Noemi.

Nahihiyang ngumiti naman ako. "Salamat po señorita Noemi."

"Ma'am Noemi na lang iha. Anyway kung buo na ang desisyon mo, magpaalam ka na sa pamilya mo at mag impake ka na rin ng mga gamit mo dahil sa huwebes ng gabi ang lipad nyo ni Edward pa Manila."

Tumango tango ako at nakinig sa sasabihin nya. Kiber na kung ang masungit na si señorito Edward ang pagsisilbihan ko ang importante malaki ang sasahurin ko.

"Pagpasensyahan mo na lang kung minsan masungit si Edward, ganun na talaga yun. Pero mabait naman ang anak ko na yun." Dagdag pa ni ma'am Noemi.

"Wala pong problema ma'am, kering keri ko ang kasungitan ni señorito Edward." Bibang sagot ko.

Bahagya naman syang tumawa. "I think I like you na iha."

Natuwa naman ako sa sinabi nya.

"Naku señorita, wala po kayong poproblemahin sa batang to. Napakasipag at marunong din magluto." Pagbibida pa sa akin ni manang Flor.

"Kung ganoong tama lang na sya ang makasama ni Edward sa penthouse. Yung bata kasi na yun pag uwi galing trabaho ay hindi na kumakain. Itutulog na lang ang gutom."

Kawawa naman pala ang masungit na señorito. Di bale, patitikimin ko sya ng masasarap na luto ko para bumait bait naman.

At doon na nga nagtatapos ang paguusap namin. Pupunta ako ng Manila para mamasukan bilang kasambahay ng masungit na señorito. Ang sabi, sa penthouse daw kami titira. Eh ang alam ko sa penthouse nasa tuktok ng building. Wow! Makakasakay na rin ako ng elevator. Excited na tuloy ako. Ang sabi ni ma'am Noemi ay may bahay naman sila sa Manila kaya lang mas gustong maglagi ni señorito Edward sa penthouse dahil malapit lang don ang opisina nya kesa naman daw babyahe pa sya at mastuck pa sa traffic. Gusto ni ma'am Noemi na kilala nya at mapagkakatiwalaan ang magiging kasambahay ni señorito Edward at ako yun. 

MonalisaWhere stories live. Discover now